JERRY OLEA
Naghubad ang adult content creator na si Lloyd Aaron Agustin sa dalawang pelikula niya para sa Director’s Cut by AQ, ang Upuan at ang Sosyal Medya.
“Ang papel ko sa Sosyal Medya, parang naaya lang sa inuman,” kuwento ni Lloyd sa launch ng AQ Prime last Saturday, June 4, sa Conrad Hotel, Pasay City.
“Tapos, parang callboy, ganun. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Sa Upuan, kapatid ko si Nika Madrid na isa sa mga bida. Yung Upuan is about two girls falling in love.”
Mag-isa lang si Lloyd kapag gumagawa ng adult content para sa kanyang subscribers, maliban na lang kung may ka-collab siya. Ano ang feeling na sa pagtatanggal niya ng saplot sa shooting ay marami ang nakakakita?
“Yung feeling is sobrang amazing. Kasi, everybody was so professional. I never felt like… ahhh, na I was violated or anything like that,” salaysay ni Lloyd, na na-feature last year sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).
“Everyone was so nice. Sobrang bait ng mga tao, and I felt so appreciated. And I felt so respected at the same time sa set.”
Suporta pa lang si Lloyd sa Upuan at Sosyal Medyo. Handa ba siyang mas maging mapangahas kung mas malaki na ang role na ipagkatiwala sa kanya?
“Absolutely! And I’m really hoping that this works out for me! Na in the future, I would get a lead role!” bulalas ni Lloyd.
“Ganun. Hoping for the best.”
Ka-love scene ni Lloyd sa Sosyal Medya si Thania Marie Panilag, samantalang sa Upuan ay si Joyce Javier ang kaharutan niya.
“Si Miss Thania, very G. G na G! Yung scene, I felt like sobrang nadala namin in the best way possible,” masayang sambit ni Lloyd.
“Kasi, like walang nag-hold back sa aming dalawa. Like ako, hindi ako nahiya. And siya, hindi rin siya nahiya.
“Dun naman sa Upuan, the experience was a bit… a little more challenging. Kasi, first time ni Miss Joyce Javier na magkaroon ng sexy scene.
“So, I had to, you know, ask her kung ano yung limits, ano ang bawal, ano ang comfortable siya at hindi siya comfortable, to make sure that everybody’s comfortable with what’s going on.”
Parehong babae ang nakaeksena niya. Walang lalaki?!
“Wala pa! Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Lloyd, na aminadong hindi siya straight.
Tinamaan o tinablan ba siya sa pakikipaglampungan sa babae?
Natigilan sandali si Lloyd bago sumagot, “Dun sa ano, siguro hindi. Kasi, medyo maraming tao. Like, merong cameraman.
“Merong boom mic, and then, nandun ang direktor. So everybody like was directing me what to do and what to say.
“Tapos at the same time, may cut scenes. So parang… literal na it felt like work. Hindi ko siya na-feel na nakakalibog ‘to. Hindi!
“Kasi, work talaga siya. You had to cut, kailangang ayusin yung buhok, ayusin ang ganito.”
Nakakaramdam pa ba siya ng libog sa babae?
“Oo naman! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ni Lloyd, na isa ring tattoo artist at mahilig mag-TikTok.
Batid ba nina Thalia Marie at Joyce na isa siyang adult content creator?
“I’m not sure kung alam nila. But I think, most of them know. Kasi, most of the production know. The other actors know.
“Hindi lang siguro namin napag-uusapan on set. They never ask. If they would ask me, I would tell them naman.”
So, hindi na siya na-awkward sa mga katrabaho sa shooting?
“Yes, yes. And actually, kaya hindi rin ako naa-awkward na maghubad, kasi in my mind, ‘For sure naman, most of the people here, napanood na ang videos ko!’
“Ha! Ha! Ha! Ha! Mahihiya pa ba ako, di ba?” sambit pa ni Lloyd, na nakakasilaw ang bling-bling.
GORGY RULA
Matapos makipag-collab kay Vladimir Castillo, balak ni Lloyd na makipag-collab naman sa isang adult content creator sa Singapore.
“Right now, hindi na muna siya kasali sa priorities ko. Right now, I just wanna focus muna like on making films,” pahayag ni Lloyd.
“And being good in acting. Kasi, I’m still an amateur, I’m still a rookie. So, I still have to work on my talent. I still have to work on my acting.
“So, ayun muna ang focus ko right now.”
Ongoing pa rin ang private channel ni Lloyd pero hindi siya masyadong nakakapag-post lately.
“People can still subscribe. People can still watch the old videos. Wala lang masyadong bagong post,” lahad ni Lloyd.
Pahiwatig ba ito na nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang phase as an adult content creator?
Napakunot-noo si Lloyd, “I think, ahhm, hindi ko pa rin alam what the future holds regarding dun sa pag-a-adult content ko.
“Pero I’m really hoping the film works out for me. Kasi, I realized na this is something I really want.
“And it really makes me happy, doing all the work, you know — acting, being on set, working with other people.”
Nasabi na ba niya sa kanyang pamilya na gumagawa na siya ng indie movie na mag-i-streaming?
“Yes, yes, nasabi ko na I’m working on two movies right now and excited, and the same time nervous sila.
“Kasi nga, movie na siya. Mas marami nang puwedeng makanood. So, mixed emotions pa rin.”
NOEL FERRER
Cynthia at da hu si Lloyd Aaron Agustin? Sana makilala ko siya sa galing niya at angking kabutihan.
Good luck, Lloyd… sana, mapantayan mo pa ang kasikatan nina Lloyd Samartino, Lloyd Umali, at Lloyd Zaragoza.
