PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marlo Mortel U.S. adventure with BTS, Lady Gaga, Bruno Mars

Marlo Mortel, magkakaroon na ng singing career sa Amerika?
by PEP Troika
Published Jun 6, 2022
marlo mortel u.s. vacation
Marlo Mortel on chance meeting with Brino Mars in the U.S.: “Naka-VIP kami sa kotse ni Anderson. Pagpasok ko dun, si Bruno Mars yung nandun. Nagulat ako kasi nga… Pagpunta ko dun, niyakap ako ni Bruno Mars. 'Tapos, nagkuwentuhan kami, nag-inuman kami, nagpakilala din ako. Nung nalaman nila na singer ako, pinapakanta nila ako dun. Pero kumanta ako nung umalis na si Bruno. Nahihiya ako, e."
PHOTO/S: Jerry Olea / @marlomortelmusic on Instagram

GORGY RULA

Excited na ikinuwento ng singer-actor na si Marlo Mortel sa PEP Troika ang kanyang masayang experience sa isang buwang bakasyon niya sa Amerika noong nakaraang buwan.

Nanalo si Marlo sa campaign ng KUMU ng all-expense paid pa-Las Vegas, Nevada para mapanood ang concert ng K-pop group na BTS.

Ang best friend daw niya talaga ang Army o fan ng BTS, pero sinubukan din niyang sumali.

“Nagkaroon ng campaign sa KUMU ng concert ng BTS, sumali ako. Nanalo ako,” kuwento ni Marlo noong Hunyo 4, 2022, Sabado, sa Conrad Hotel, Pasay City.

“So, throughout the campaign naging fan na rin ako. So, pagdating dun, ayun nakipagsapalaran ako sa mga Armies dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-enjoy ni Marlo ang isang buwang bakasyon dahil bukod sa BTS, napanood din niya ang concert ni Lady Gaga.

Pero ang pinaka-highlight ng bakasyon niya ay nang magkakilala raw sila ni Bruno Mars.

Lahad pa ni Marlo nang nakatsikahan namin sa grand launch ng AQ Prime Stream, “Nag-extend ako ng trip ko. So, ang nangyari, nag-extend ako ng trip ko, nakilala ko si Chef Valerie [Castillo-Archer] sa L.A. Celebrity chef siya, Pinoy din siya sa Yamashiro.

“Ang nangyari, isinama niya ako sa concert ng Silk Sonic. Si Bruno Mars and Anderson Paak, tawag sa kanila, Silk Sonic.

“Nanood kami, ang expected ko, ayun lang yun, manood lang kami. Pero nung gabi, pinatawag kami kasama with Ms. Chef, pumunta kami sa dressing room ni Anderson Paak.

“So, ayun nag-picture kami nagkuwentuhan. Nagulat ako dahil nung nagugutom si Chef, nag-offer si Anderson na, ‘Sumama na lang kayo sa hotel namin.’

“Naka-VIP kami sa kotse ni Anderson. Pagpasok ko dun, si Bruno Mars yung nandun. Nagulat ako kasi nga… magka-partner sila ni Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagpunta ko dun, niyakap ako ni Bruno Mars. 'Tapos, nagkuwentuhan kami, nag-inuman kami, nagpakilala din ako.

“Nung nalaman nila na singer ako, pinapakanta nila ako dun. Pero kumanta ako nung umalis na si Bruno. Nahihiya ako, e.

“Pag-alis ni Bruno, kumanta ako, tapos nagulat yata si Anderson Paak.”

Lalo raw siyang na-excite dahil tila interesado si Anderson Paak na kunin siya para sa bago nitong recording label.

“Si Anderson, kalu-launch lang pala ng label niya, I think last year? So, ang nangyari, siya mismo ang nagsabi, ‘Hey, save my number.’

“So, nagkaka-text kami ngayon, nag-usap kami. So, babalik din ako dun soon. Baka maging under ako ng label niya,” masayang pagbabahagi ni Marlo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naipagpaalam na raw niya ito sa Star Magic, at pinayagan naman daw siya.

Baka sa susunod na buwan ay babalik siya ng Amerika para magkita sila uli ni Anderson Paak.

“Alam na ng Star Magic ang usapan namin ni Anderson. Hinihintay nila kung ano ang magiging desisyon. Like, magsa-submit ako ng another demos kay Anderson.

“Hinihintay lang niya kung kailan ako babalik,” dagdag na pahayag ni Marlo.

Thankful si Marlo dahil bago siya bumalik ng Amerika ay may pelikula naman siyang nagawa. Isa siya sa lead actors ng pelikulang Huling Lamay na mapapanood sa AQ Prime Stream.

JERRY OLEA

Paboritong aktor ni Direk Joven Tan si Marlo Mortel.

Sa pelikula ni Direk Joven na Huling Lamay ay bagong karakter ang matutunghayan kay Marlo.

huling lamay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kabaligtaran sa nice guy na attitude. Medyo ano ako dito, sira-ulo na bida,” napangiting sambit ni Marlo.

Challenging iyon para sa kanya.

“Ako, gusto ko talagang mag-iba. Kasi, feeling ko, akala nila, good guy lang ako forever. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Marlo.

“Pero hindi. Abangan niyo!”

Kabilang sa Joven Tan films na tampok si Marlo ang Petmalu (2018), Santigwar (2019), Damaso (2019), Suarez: The Healing Priest (MMFF 2020), at Ayuda Babes (2021).

NOEL FERRER

Nabuhay si Marlo Mortel sa kanyang The Last Wake o Huling Lamay.

Anupa’t ang kamatayan ang magsisilbing pagbuhay muli ng kanyang career after ng pananahimik sa mainstream noong pandemya. Salamat sa mga streaming site at visible pa rin siya.

Good luck sa kanyang project sa AQ Prime Stream at katulad ng direktor niyang si Joven Tan, excited din ako sa mga panibago pang streaming services na tiyak magiging instrumento sa pagbuhay muli ng ating industriya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marlo Mortel on chance meeting with Brino Mars in the U.S.: “Naka-VIP kami sa kotse ni Anderson. Pagpasok ko dun, si Bruno Mars yung nandun. Nagulat ako kasi nga… Pagpunta ko dun, niyakap ako ni Bruno Mars. 'Tapos, nagkuwentuhan kami, nag-inuman kami, nagpakilala din ako. Nung nalaman nila na singer ako, pinapakanta nila ako dun. Pero kumanta ako nung umalis na si Bruno. Nahihiya ako, e."
PHOTO/S: Jerry Olea / @marlomortelmusic on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results