JERRY OLEA
Matulain ang pagpupugay ni Robin Padilla kay Kris Aquino nitong Hunyo 5, 2022, Linggo ng 8:04 p.m., sa Facebook.
Considering na dumanas ng health crisis si Robin nang sumunod ito sa kanyang asawa at mga anak na nagbakasyon sa Spain, mas may lalim at mas may pitik sa puso ang FB post ni Robin.
Read: Senator-elect Robin Padilla, naospital sa Spain dahil sa high blood pressure
Ito ang nilalaman ng kanyang mensahe:
Bismillah
Friends in Love
Ano nga ba ang ibig sabihin nito
Literal ba ito
In love ka sa Kaibigan mo literally
Baliw ka sa Kaibigan mo
Hinahanap hanap mo siya
Physical Attraction ba
Sexual ba
Ano nga ba?
Isa lang ang alam ko
Hindi man kayo nagkikita
Nag aaway man kayo
Hindi man kayo nagpapansinan
Pero Pag naramdaman mo na Kailangan ng Kaibigan ng Kaibigan mo
No sorrys
No explanations
No dramas
No flashbacks
Just Love
Love that doesn’t require reciprocity
Lahad pa ni Robin (published as is), "Nong nalaman namin ni Mariel na may sakit si ms Kris Aquino Hindi na kami bumitaw sa kanya at ganon din si ms Kris Aquino
"Pinagluluto ni Mariel si Kris ng pagkain at kahit hirap si Kris sa intake ng solid na pagkain she makes sure na well appreciated ng buong pamilya niya si Mariel
"We became more closer than ever Tumaas pa ang Antas ng aming mga pinag uusapan at pinagdidiskusyunan
"Mas minulat pa namin ang isat isa sa realidad pulitika at buhay."
Isiniwalat din ni Robin ang tulong na ibinigay sa kanya ni Kris nitong nakaraang eleksyon.
"Maraming nagtatanong at nagtataka kung bakit napakataas ng boto ko at kung paano ako nag number one
"Walang nakakaalam na May boto rin ako galing sa kampo ng mga Aquino
"Kalagitnaan ng campaign period Nag aalala si Kris sa survey ko Kinausap niya ako kung Ano ang campaign strategy ko, sabi ko conventional Lang ako dahil wala naman ako pera.
"Ang alas ko Lang talaga ay si PRRD, SBG at si Inday Sara Duterte, endorsement Lang ng tatlong ito umiikot ang aking pag asa na Manalo at siempre ang tulong ng taongbayan.
"Sabi ni Kris tutulungan niya ko at ginawa niya kahit sinabi ko na baka makadagdag ng stress niya.
"Tinawagan niya mga matitinding Governor, LGU officials at mga matataas na Tao na may paggalang at Malalim na sa pasasalamat sa mga Aquino.
"Hindi kailanman naging isyu sa kanya na Uniteam ako, nagtataka ang mga nakakausap niya kung bakit ako nilalakad sa kanila pero sinasagot Lang niya ito ng basta pls help robin for me.
"Ngayon ay malinawan na rin ng mga naninira at inggit Kung bakit ako nakakuha ng napakataas na boto
"Bukod sa mine vote ni Mariel muslim vote marcos loyalist vote DDS vote katoliko vote Kingdom of Jesus Christ vote El shaddai vote at Iglesia ni Kristo vote Kris Aquino delivered the Aquino Vote for me
"Maraming Maraming salamat ms Kris Aquino
"Ang ating pagiging magkaibigan ay hindi naapektuhan ng pulitika bagkus ito pa ang nagbuklod sa atin.
"Hinding hindi kami makakalimot Andito Lang palagi kami ni mariel Para sa iyo at kapag akoy nagkavisa sa US of A dadalawin ka namin at personal na magpasalamat sa iyo
"Baraka Allahu Fik Allah Yashfeek."
GORGY RULA
Base sa aming nalalaman, maganda ang samahan nina Kris at Robin.
Hindi ba’t umapila noon si Robin na tantanan na ito ng bashers at haters?
Masaya at madrama ang pinagsamahan nila noon.
Marami ang nagdarasal para malagpasan ito ni Kris. Sana. Sana talaga.
Marami rin ang tumutulong kay Kris lalo nang inilipad siya pa-Amerika. Hindi lang natin maidetalye, dahil ayaw naman ng mga taong tumulong na isapubliko pa ito.
NOEL FERRER
Ganyan ang pagkakaibigang lagpas politika.
Kahit tayo, kasama sa ipinapanalangin natin ang paggaling ni Kris Aquino sa kanyang karamdaman.
Bukod kay Kris para kay Robin, meron din tayong mga mga mahal sa industriya na lagpas sa politika.
Si Richard Gomez na ngayo’y congressman na; si Lucy Torres-Gomez na ngayo’y Ormoc mayor naman; at ang anak nilang si Juliana ay pamilya na sa atin.
Nami-miss na natin sila … sana kapag magka-visa na tayo papuntang Ormoc, kasama na tayo ulit sa pagpaparada ng mga pinya!!!
Looking forward tayo talaga rito pati na ang kanilang festival of lights sa Founding Anniversary, di ba, mga ka-Troika?
