JERRY OLEA
Parehong nangunguna pa rin sa Netflix Philippines ang More Than Blue (Top 10 Movies) at 2 Good 2 Be True (Top 10 TV Shows) as of May 25, 2022, Wednesday afternoon.
Ang mas nakakatuwa pa, nasa No. 3 na ng Top 10 TV shows ang Kapuso series na Legal Wives. Noong Mayo 20, Biyernes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix Philippines ang nasabing teledrama na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.
May isa pang Pinoy teleserye sa Top 10 TV shows na Netflix Philippines, ang The Promise (Pangako Sa ‘Yo) na kagaya ng 2 Good 2 Be True ay bida ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Apat na K-drama ang nasa Top 10 TV shows — Tomorrow sa No. 2, My Liberation Notes sa No. 4, Our Blues sa No. 5, at Business Proposal sa No. 7.
Streaming din sa Netflix Philippinnes ang mga serye ng Kapuso Network na Descendants of the Sun, I Can See You, Love of my Life, Owe My Love, at Heartful Café, pati na ang pelikulang Family History.
Samantala, sa Top 10 Movies ay iyong More Than Blue lamang ang gawang-Pinoy. Bida rito sina Yassi Pressman at JC Santos.
Pangalawa ang A Perfect Pairing, kung saan bidang lalaki ang Australian actor na si Adam Demos na nagdiwang ng ika-37 kaarawan kahapon. Pinag-usapan ang kadakilaan ni Adam sa shower scene nito sa pangatlong episode ng seryeng Sex/Life, remember?
Pangatlo sa Top 10 Movies ang comedy ni Rebel Wilson na Senior Year. Nag-cameo rito si Alicia Silverstone.
Pang-apat ang computer-animated musical comedy na Trolls World Tour (2020).
Panlima ang South Korean black comedy thriller na Parasite (2019), na nagkamit ng apat na tropeyo sa 92nd Academy Awards o Oscars — best picture, best director, best original screenplay, at best international feature film.
So far ay wala pang Pinoy film na na-nominate sa kategoryang best international feature film ng Oscars. Nanlumo nga tayo na noong nakaraang taon ay hindi nag-submit ng aspiring entry ang Film Academy of the Philippines (FAP) sa ilalim ng director general na si Vivian Velez.
NOEL FERRER
I have more time to watch Netflix now for my debriefing sa nakaraang elections.
Napanood ko na ang ilang top movies na nabanggit, and I really wonder kung sakaling bubuksan, ilalagay ba ang mga ganyang pelikula sa sinehan, papanoorin na ba ito ng mga Pinoy—o sadyang-pang online na talaga ang distribution ng mga content na ganito?
What accounts for content na pam-public cinema viewing talaga?
Sa Hunyo 1, Miyerkules, ay mag-i-streaming na sa Netflix Philippines ang second season ng seryeng Niña Niño ni Maja Salvador.
Hopefully ay mas marami pang Pinoy content ang ipalabas sa streaming service na ito.
Isa pang kinahuhumalingan ko ay ang mga documentaries din sa Netflix. Nauna ko nang napanood ang Social Dilemma at katatapos lang ng The Great Hack.
Tulala ako dahil guilty ako for being sooooo hooked on social media. Kaya I’m trying my best to be mindful para sa susunod, hindi tayo maging alipin ng social media talaga.
GORGY RULA
Inaasahan kong magti-trending din ang Legal Wives, dahil sa tingin ko ay pang-Netflix talaga ang viewers nito.
Samantala, nagulat ako na type na type din pala nila ang mga kakornihan ng 2 Good 2 Be True.
Pero hindi maiwasang kikiligin ka pa rin talaga kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Bentang-benta pa rin talaga ang mga kadramahan ng love team nila sa mga viewers lalo na sa kanilang die-hard fans.
Bukod sa Netflix at iWant, nasa Viu na rin ang ibang teleserye ng Kapamilya network.
Dito mapapanood ang The Broken Marriage Vow, na mas maganda pa sa Korean version na The World of the Married at kahit sa Doctor Foster ng UK.
Hindi nga lang nami-maintain ang mataas na rating nito sa A2Z, dahil natatalo pa rin ang kanilang mga teleserye ng First Lady, False Positive, at Mano Po Legacy: Her Big Boss.
Consistent na mataas pa rin ang rating ng mga nasa GMA Telebabad, lalo na ang First Lady na painit nang painit ng kuwentong eleksyon nina Presidential candidate Melody (Sanya Lopez) kalaban ang magaling ding si Isabel Rivas bilang Madam Allegra Trinidad.
Nung nakaraang Lunes, May 23, ay naka-14-8% ang First Lady versus 11.1% ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Nung Martes, Mayo 24, ay 14.2% ang First Lady, at 10.1% naman ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Masaya rin ang buong team ng First Lady, na siya ring bumuo ng First Yaya, dahil nakatanggap sila ng letter of commendation mula sa Chairman at CEO mismo ng GMA Network Inc. na si Atty. Felipe L. Gozon.
Bahagi ng sulat na ipinadala ni Atty. Gozon: “It is my great pleasure to commend the program heads, cast, creative, technical and production teams of ‘First Yaya’ for the show’s successful run on primetime television and for having ranked #1 in the Top Programs of 2021 report in both Urban Philippines and Total Philippines.
“The GMA Management recognizes your hard work and dedication, overcoming challenges and difficulties during this time of the pandemic, to ensire that the production of ‘First Yaya’ was consistently world-class and something that we could all be proud of.”

Congratulations sa buong team ng First Yaya at First Lady.
