PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind Item: Morning show to be axed soon

Pag may nagsarang pinto, may magbubukas na bintana.
by PEP Troika
Published May 22, 2022
drama series blind item
Malapit nang matigok ang isang pang-umagang programa. Saan na kaya mapupunta ang hosts nito?

JERRY OLEA

Anim na linggo na lang sa ere ang isang pang-umagang programa sa telebisyon.

Wala pang isang taon nang mag-reformat ang nasabing palabas upang maging mas interactive ang mga chikahan, paandar, at intrigahan ng resident hosts.

Aabangan siyempre natin kung anong show ang ipapalit dito, at kung mabibigyan ba agad ng bagong assignment ang hosts ng matitigok na programa.

Kung may nagsasarang pinto ay may nagbubukas na bintana, ika nga.

More and more ang mga ipino-propose na bagong TV shows at kapana-panabik ang mga bagong kaganapan alang-alang sa mga MaJoHa.

GORGY RULA

Sa tingin ko, hindi pababayaan ang mga artistang involved sa TV show na ito, pati ang production staff.

May inaayos na nga na bagong show na aalamin pa namin kung confirmed nang isang variety-game show ang ipapalit.

Ratsada rin sa shows ang mga kinuhang host na bagay naman. Abangan na lang natin ang kanilang official announcement.

Maaring itong ipapalit na show ay inspired sa isang game show na nag-hit nang bonggang-bongga at dinig namin, in-announce nang magkaka-season 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami pa silang pinaghahandaang programa, at kahit ang drama series ay ang bongga ng mga naka-line-up na projects.

May narinig din kaming isang malaking drama series na hango sa libro ng ating pambansang bayaning si Gat Jose Rizal.

Malaking project itong pagbibidahan daw ng isang magaling na aktor na masaya ngayon sa kanyang bagong baby.

Abangan na lang natin iyan!

NOEL FERRER

Exciting times, ika nga!

Oo, malamang may mga kapalit na shows naman ang mga talents at production staff sa mawawalang programa.

I should say upbeat talaga ang network sa kanilang mga program lalo pa’t napanood ko na mataas pa rin ang kanilang income kahit nagkapandemya at wala silang anumang liability o utang.

Tuluy-tuloy lang ang buhay. At sana nga, patuloy nilang iangat ang standard ng kalidad ng kanilang mga programa!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malapit nang matigok ang isang pang-umagang programa. Saan na kaya mapupunta ang hosts nito?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results