GORGY RULA
Ipinakilala na sa media ang 36 official candidates ng Miss World Philippines nung Huwebes, May 12, 2022, sa Cove Manila, Okada.
Kaagad napansin sa press presentation si Ashley Subijano Montenegro ng Makati City, ang 22-year-old daughter nina Hans Montenegro at Binibining Pilipinas-World 1994 Cara Subijano.
Kaagad nakakuha ng special award—Miss LeMeur Aesthetics—si Ashley mula sa sponsor.
Suportado ng kanyang magulang ang pagsali niya sa pageant, pero nasa Amerika pa ang kanyang mommy na si Cara.
Babalik daw ito sa Pilipinas bago ang coronation night ng pageant sa June 5 na gaganapin sa Mall of Asia Arena.
“They told me to do my best as long as I keep up with my school work,” sagot ni Ashley nang tanungin ng PEP Troika kung ano ang payo ng kanyang mommy.

Hindi na lang daw niya iniisip na pressure ang pagkakaroon ng ina na dating lumaban sa Miss World.
“I think it’s not a pressure but as an honor, and I’m so thankful that my own mother herself can give me the best advice possible,” pakli ni Ashley.
Nakatsikahan din PEP Troika si Samantha Gabronino, ang kandidata ng San Jose del Monte, Bulacan.
Siya pala ang voice-over ng COMELEC introduction video para sa electoral board.
Nagpa-sample pa siya roon, pero ang talagang ipinagmamalaki raw niya ay siya ang kauna-unahang kandidata ng kanyang lungsod para sa Miss World Philippines.
“I’m the first representative of my city, San Jose Del Monte. So I think my city is very proud and very excited,” tugon ni Samantha.
Ilan pa sa mga nagustuhan ko at tingin naming may laban sa naturang kumpetisyon ay ang mga sumusunod na kandidata:
Kristal Marie Gante ng Davao del Norte

Paula Maderieta Ortega ng Albay
Patricia Dizon ng Angeles City, Pampanga

Anje Mae Manipol ng Quezon Province

Natazha Vea Bautista ng Misamis Oriental
Maria Gigante ng Cebu

Kayla Arriadne Tiongson ng Lipa City, Batangas

Bukod sa Miss World ay may iba pang koronang nakalaan na puwede nilang masungkit—ang Miss Supranational, Miss Eco International, Miss Multinational, Reina Hispanoamericana, Miss Tourism, Miss Eco Teen International, at Miss Environment International.
JERRY OLEA
Halos pitong oras ang Miss World Philippines 2021 noong nakaraang Oktubre sa Subic.
Ang kinoronahang title holder na si Tracy Maureen Perez ay dalawang beses nag-stumble sa entablado dahil sa pagod at gutom.
Hindi naman siguro ibe-break ng timpalak ang record nila sa napaka-Portugal at super-Tagalog Ilang-Ilang Productions na pagtatanghal.
Ayon sa Miss World Philippines National Director na si Arnold Vegafria, sisikapin nilang mas iba ang presentation ngayong taon, dahil ang dami raw talaga nilang pinagdaanan nung nakaraang taon dala ng COVID surge.
Tatlong beses silang nagpa-resked ng coronation night at na-cancel pa raw ang kanilang Charity night.
“Ngayon, nagbago ako ng creative team. I think the concept is different this time. I wanted every year, nagtsi-change ng concept, e,” sabi ni Arnold, na kumandidato bilang mayor ng Olongapo City.
“I have big-time visitors because the owners of those big pageants will be here, also together with their queens. That’s a big surprise to the pageant fans.”
Dadalo raw dito para mag-judge ang may-ari at reigning queens ng Miss World, Miss Supranational, at Miss Eco-International.
NOEL FERRER
Kilala ko si Ashley. Masaya kung masusundan niya ang yapak ng mommy niya sa paligsahang ito.
Yes, may bisita man from abroad o wala, Miss World Philippines must give the public the best staging that they can do. Kasi, ang taas naman talaga ng standard na na-set ng Miss Universe Philippines at kahit ng Binibining Pilipinas noon pa man.
In fact, may mga local pageants na nakakamangha at kinakarir talaga, ha!
Sana, gulatin tayo ng Miss World Philippines this year—for a change.
