PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ana Jalandoni still in therapy two months after hotel incident

Ana Jalandoni, balik-trabaho kasama sina Aljur Abrenica at Jelai Andres.
by PEP Troika
Published May 12, 2022
Ana Jalandoni, Aljur Abrenica
Ana Jalandoni on moving forward: "Siyempre, may pagsubok na dumadating talaga sa tao. Malalim man iyan pero aangat pa rin yung pagiging tao. Thanks to God, Siya yung nagli-lead sa akin every day. Okay naman po ako." Sa ngayon ay abala si Ana sa sisimulang pelikula kasama si Aljur Abrenica (right).
PHOTO/S: Jerry Olea / Leo Dominguez Facebook

JERRY OLEA

Mag-uumpisa ang shooting ng bagong pelikula ni Ana Jalandoni na The Revelation sa Mayo 15, 2022, Linggo, sa Tagaytay.

Tampok din dito sina Aljur Abrenica, Vin Abrenica, Jelai Andres, at China Roces. Isa itong psychological thriller na ididirek ni Ray An Dulay, mula sa panulat ng asawa nitong si Joyzell Regalario-Dulay.

"Ang tingin ko sa karakter ko dito, mapagmahal na kapatid at pamangkin,” lahad ni Ana sa storycon ng The Revelation nitong Mayo 11, Miyerkules, sa Nile Bar, Malate, Manila.

"Saka parang uhaw sa pagmamahal. Naghahanap ng kalinga. But then, yun nga… dahil nga nakakilala ako ng isang tao na akala ko… poprotekta sa akin, char!!!"

Napailing si Ana bago nagpatuloy, "Akala ko, siya na nga… Ngunit… ngunit hindi pala.

"Bagamat… iniligtas ko pa rin yung sarili ko at yung ano. Yung… Basta! Abangan na lang!

"Ayoko munang sabihin pero napakaganda ng karakter ni Gwen, at gusto ko na. Medyo pumasok na sa pagkatao ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Vin Abrenica, Ana Jalandoni, Direk Ray-An Dulay, Jelai Andres, and Aljur Abrenica

Excited ba si Ana na makatrabaho muli si Aljur matapos silang magkatrabaho last year sa pelikulang Manipula? Na-miss ba niyang katrabaho si Aljur?

"Pareho po kaming excited, ‘no?" mabining pagngiti ni Ana.

"Kasi, nagkita po kami nung birthday ni Direk Ray An. Nagulat siya, 'O, kasama na naman pala kita?!' Sabi ko, 'Oo nga! Magkatrabaho tayo ulit!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Excited kami parehas. Naging ano po kasi kami ni Aljur simula nung ginawa namin yung Manipula.

"Bago pa po yun, nagsasama na kami sa mga out-of-town event. Dun kami naging close. Tapos mas naging close kami sa Manipula.

"So, yun po, ang ganda po talaga ng istorya nitong The Revelation kaya pareho po kaming excited dito."

Kumusta na si Ana? Handa na ba siyang bumalik sa pagtatrabaho? Nakapagpahinga na ba siya nang sapat matapos ang matinding sinapit niya noong Marso?

Napabuntong-hininga si Ana, "Okay na po ako ngayon. I feel happy… After two months na recovery ko. Still in the therapy, once a week pa rin."

Hindi kaila sa publiko ang kontrobersiyal na hotel incident na kinasangkutan ni Ana at noo'y boyfriend niyang si Kit Thompson.

READ: Ana Jalandoni, galit pero mahal pa rin si Kit Thompson pagkatapos ng pananakit nito sa kanya

Pero desidido si Ana na pagtuunan ng pansin ang positibong bagay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Patuloy niya, "But… ahhmm… happy ako at excited actually… dahil nga may proyekto ako ngayon.

"Ayan, makakasama ko pa ang mga kaibigan ko. Jelai is my friend din, long-time na. Of course, si Aljur. Si Vin, ayan. Saka pinakamabait, ang nagtitiwala kong direktor. May common friends din kami.

"So, happy ako, kasi malapit sa akin yung nagiging katrabaho ko ngayon.

"And siyempre, may pagsubok na dumadating talaga sa tao. Malalim man 'yan pero aangat pa rin yung pagiging tao.

"Saka kung paano ka maghi-heal. Aangat pa rin yun, thanks to God, Siya yung nagli-lead sa akin every day. Okay naman po ako."

GORGY RULA

Noong Oktubre pa nag-presscon para sa launching film ni Ana na Manipula, kung saan siya mismo ang producer. Ikinakasa na ang streaming ng pelikula noong Marso nang mabugbog si Ana ni Kit Thompson.

READ: Ana Jalandoni, naunahan si AJ Raval kay Aljur Abrenica

Hanggang ngayon ay hindi pa naipapalabas ang Manipula na nagtatampok din kina Aljur Abrenica, Kiko Matos, Christian Vasquez, Marco Alcaraz, at Mark Manicad, sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Aljur sa storycon ng bagong movie nila ni Ana na The Revelation, "Nung nakita ko si Ana na masaya sa birthday ni Direk Ray An, masaya talaga ako.

"Matagal ko na siyang gustong makita. And kami kasi ni Ana, before kami nagkatrabaho, nag-uusap na talaga kami.

"Bihira yung ganun, e. I can say, sa totoo lang… isa siya sa mga itinuturing ko na malapit na kaibigan.

"Tapos ganito pa, another opportunity para makatrabaho ko siya. Very exciting!"

NOEL FERRER

Si Ana Jalandoni na ba ang maituturing na Star Of The New Dispensation?

Siya kaya ang isa sa mga klase ng mga bituing mabibigyan ng daan sa Bongbong Marcos administration?

Ka-level ba siya ng mga tulad ni Vina Morena (Luray), Rosanna Marquez (Gutom) or Merle Fernandez (Uhaw) atbp nung bago mag-martial law? Abangan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni on moving forward: "Siyempre, may pagsubok na dumadating talaga sa tao. Malalim man iyan pero aangat pa rin yung pagiging tao. Thanks to God, Siya yung nagli-lead sa akin every day. Okay naman po ako." Sa ngayon ay abala si Ana sa sisimulang pelikula kasama si Aljur Abrenica (right).
PHOTO/S: Jerry Olea / Leo Dominguez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results