PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Doctor Strange in the Multiverse of Madness vs Pinoy films

Nakakawindang ang mga pasiklab ng alternation versions ni Dr. Stephen Strange.
by PEP Troika
Published May 6, 2022
Doctor Strange in The Multiverse of Madness, Benedict Cumberbatch
Nakakawindang ang mga pasiklab ng alternation versions ni Dr. Stephen Strange, na ginampanan ni Benedict Cumberbatch (left), sa Doctor Strange in the Multiverse of Madness.
PHOTO/S: @DrStrange Twitter

JERRY OLEA:

Ang setting ng istorya ng Doctor Strange in the Multiverse of Madness ay pagkatapos ng mga kaganapan sa pelikulang Spider-Man: No Way Home, kung saan may importanteng papel si Dr. Strange (Benedict Cumberbatch).

Iyong Spider-Man: No Way Home ang pinakamalakas na pelikula ng taong 2021. Umabot sa $1.89B ang worldwide gross nito. Pang-anim ito sa talaan ng pinakamalakas na all-time worldwide gross.

Hindi nito nalampasan ang record ng Avatar ($2.85B), Avengers: Endgame ($2.78B), Titanic ($2.20B), Star Wars: Episode VII — The Force Awakens ($2.07B), at Avengers: Infinity War ($2.05B).

Ipinalabas ang Spider-Man: No Way Home sa iba’t ibang bansa umpisa Disyembre 16 o 17, 2021. Hindi agad iyon naipalabas sa Pilipinas dahil meron tayong Metro Manila Film Festival mula Disyembre 25 hanggang Enero 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Enero 8, 2022 pa iyon inilabas sa lupang hinirang, at maraming fans ang naghimutok o nagmarakulyo.

READ: Christian Bables has funny reply to netizen who called MMFF movies "yuck"

Sa MMFF 2021 Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, 2021, nanawagan ang producer na si Atty. Joji Alonso nang tanggapin niya ang tropeyo para sa second best picture na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine).

Ani Atty. Joji: "Para po sa nagsasabi na sana, hindi natuloy na ang MMFF at mauna na po si Spider-Man, pakiantay na lang po sa January 8, please…

"In the meantime, tangkilikin naman po natin ang pelikulang Pilipino! Sobra-sobra po naming pinaghirapan lahat ang paggawa ng mga pelikulang ito.

"Sana naman po, huwag niyo naman po kaming pabayaan. Kasi, this is for everybody. Paano na lang po tayo pag wala na pong gagawa ng pelikula?

"So, please support Filipino films! Salamat po!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Christian Bables, inalay ang MMFF 2021 best actor award sa EJK victims

Itong Doctor Strange in the Multiverse of Madness ay naunang ipalabas sa Pilipinas kesa sa North America. Napanood na ito ng Pinoy moviegoers umpisa Mayo 4, Miyerkules, samantalang sa mga sinehan ng USA at Canada ay Mayo 6, Biyernes, ang opening day nito.

Pinanood ko ito noong Miyerkules ng 11:50 a.m. sa Cinema 1 ng Greenbelt 3, Makati City. Sa tantiya ko ay humigit-kumulang 65% ang na-occupy na mga upuan sa screening na iyon.

Ito ang ika-28 pelikula sa Marvel Cinematic Universe (MCU), at agaw-eksena rito si Wanda Maximoff aka Scarlet Witch (Elizabeth Olsen).

Sa Spider-Man: No Way Home ay marvelous ang pagsasanib-pwersa nina Peter Parker (Tom Holland), Peter-Two (Tobey Maguire), at Peter-Three (Andrew Garfield).

Sa Multiverse of Madness, nakakahibang at nakakawindang ang mga pasiklab ng alternation versions ni Dr. Stephen Strange, kabilang si Defender Strange.

Sa Earth 838 ay nilitis si Doctor Strange ng Illuminati, na kinabibilangan nina Karl Mordo (Chiwetel Ejiofor), Peggy Carter/Captain Carter (Hayley Atwell), Blackagar Boltagon/Black Bolt (Anson Mount), Maria Rambeau/Captain Marvel (Lashana Lynch), Reed Richards/Mister Fantastic (John Krasinski), at Professor Charles Xavier (Patrick Stewart).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi pa ng pelikulang ito ang teenager na si America Chavez (Xochitl Gomez) na mula sa Utopian Parallel, ang Sorcerer Supreme na si Wong (Benedict Wong), at ang emergency surgeon na si Christine Palmer (Rachel McAdams).

May cameo sa mid-credits scene si Clea (Charlize Theron), samantalang dalawa ang appearance ng Pizza Poppa vendor (Bruce Campbell).

May running time na 126 minutes (2 hours, 6 minutes) ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness, na idinirek ni Sam Raimi.

GORGY RULA:

Nobyembre 10, 2021 nagbukas ang mga sinehan sa bansa. Hollywood blockbusters muna ang ipinalabas sa local cinemas.

Tig-anim o tigpito lang ng sinehan ang Pinoy movies na Caught in the Act at Ilocano Defenders na nag-showing noong Disyembre 15, na abalang-abala na ang mga Pinoy sa paghahanda sa Pasko. As expected, sadsad sa takilya ang mga ito.

Mahina rin ang official entries ng MMFF 2021, kung saan topgrosser ang horror comedy na The ExorSis ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Pumangalawa ang horror trilogy na Huwag Kang Lalabas nina Beauty Gonzales, Aiko Melendez, at Kim Chiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humakot ng parangal ang Big Night ni Christian Bables, pero so-so lang ito sa takilya. Hindi pa rin natuloy ang Summer MMFF dahil sa matamlay na resulta ng MMFF 2021.

Ang advocacy film ni Enzo Pineda na Dok ay sa anim na SM cinemas lang itinanghal noong Abril 6, ilang araw bago mag-umpisa ang Semana Santa.

Iyong horror movie nina Ryza Cenon, Marco Gumabao, at Ella Cruz na Rooftop ay ipinalabas mula Abril 27 hanggang Mayo 3 sa piling-piling SM cinemas—bago nagpayanig ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness.

Ano kaya ang susunod na Pinoy film na mangangahas mag-theatrical release?

Meron bang local movie na makikipagsabong sa Top Gun: Maverick, Jurassic World Dominion, Thor: Love and Thunder, Black Panther: Wakanda Forever, at Avatar: The Way of Water?

NOEL FERRER:

Nang tanungin ko ang mga kaibigan nating na taga-sinehan, mukhang sa third quarter pa nila nakikitang magpi-pick up ang pelikula, that is, kung wala na sanang maganap na surge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming nga pelikulang lokal ang nakaimbak pa sa mga files ng mga producers at naghahanap lang ng tamang timing para ipalabas na ito.

Sa entries ng 1st Summer MMFF na gaganapin sana noong Abril 11-21, 2020 ay isa na lang ang hindi pa nag-showing, iyong Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Hintayin natin ang ang pagsigla ulit ng pelikulang Pilipino.

Kailangang event films na muna ang maipalabas, para dayuhin at maging okasyon para lumabas ang mga tao sa bahay at gastusan ito. Anong pelikulang lokal kaya ito?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakawindang ang mga pasiklab ng alternation versions ni Dr. Stephen Strange, na ginampanan ni Benedict Cumberbatch (left), sa Doctor Strange in the Multiverse of Madness.
PHOTO/S: @DrStrange Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results