PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: two sexy stars and their pandemic babies

Balik-trabaho ang dalawang sexy stars na nanganak nitong pandemic.
by PEP Troika
Published May 4, 2022
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

JERRY OLEA

Matatagalan pa siguro bago ilantad ng dalawang sexy stars ang kani-kanyang pandemic baby.

Bida sana si Sexy Star A sa isang nakakapag-init na teleserye ngunit tinanggihan niya iyon. Ang dahilan niya, lumalaganap noon ang COVID-19 at ayaw niyang malagay sa panganib ang kanyang kalusugan.

Upang hindi siya ma-miss ng kanyang mga tagasubaybay ay may posts siya tuwi-tuwina sa vlog.

Ipinagkibit-balikat ni Sexy Star A ang puna ng ilan na medyo tumataba siya sa ilang posts. After all, andiyan ang mga woke na kinukuyog ang mga nagpapahiwatig ng body shaming.

Ang totoong dahilan kaya inayawan ni Sexy Star A ang nakakapag-init na teleserye ay dahil nagdadalantao siya, courtesy ng dakilang lover boy na kilala sa kanyang larangan.

Hiwalay sa asawa si dakilang lover boy, at ipinapakilala niya si Sexy Star A sa kanyang mga kaibigan at katrabaho bilang bagong katuwang niya sa buhay.

Puwede namang hindi na mag-artista si Sexy Star A at kayang-kayang buhayin ni dakilang lover boy silang mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, itong si Sexy Star B ay isa sa mga bida ng isang mapangahas na pelikula na idinirek ng premyadong direktor, at nag-streaming sa isang platform noong nakaraang taon.

Tumatak sa diwa ng mga manonood ang nasabing pelikula, pero sa halip na masundan agad iyon ng follow-up project para kay Sexy Star B ay nawala ito sa sirkulasyon.

Na-B as in na-Buntis kasi si Sexy Star B.

Pagkapanganak niya, agad siyang sumalang sa bagong projects.

Nang mag-presscon kamakailan para sa isang pelikula na kasali si Sexy Star B, mahigpit ang pakiusap ng publicist na huwag uriratin si Sexy Star B sa isyung kinasasangkutan nito.

Aminado naman si Sexy Star B na kailangan niyang magtrabaho para sa mga mahal niya sa buhay.

Maayos sumagot si Sexy Star B sa panayam. Kaaya-aya siyang kausap. Walang ere.

Just like Sexy Star A, hindi makakatulong sa image ni Sexy Star B kung mabubunyag na meron na siyang panganay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Mahirap talagang magkaaminan pagdating sa pagkakaroon ng baby, dahil wala pa silang inaamin sa kanilang relasyon.

Kahit anong pigil daw kasi dito kay Sexy Star A, wala silang magawa dahil inlabey talaga ang lola ninyo!

Kaya hindi malayong magkaroon ng bunga ang wagas nilang pagmamahalan ng dakilang lover boy dahil ipinaglaban din naman ito ni Sexy Star A sa pamilya niya at sa mga taong humahawak sa kanyang showbiz career.

Maaaring pagdating ng tamang panahon, ilalahad nila ito sa lahat at ibahahagi sa publiko kung ano talaga ang totoo.

Sa totoo lang, parang ayoko pa ring paniwalaan ang pagbubuntis at pagkakaroon ng baby ni Sexy Star A, pero talagang sure na sure ang aming source na totoo ito.

Tingin ko naman dito kay Sexy Star B, baka mala-Aubrey Miles na ang drama nito na malaki na ang kanyang anak bago niya ito aminin.

Sana galingan niya at pagbutihin ang pag-arte para kahit magkabukingan man, hindi ito hadlang sa kanyang trabaho bilang artista. Kukunin at kukunin pa rin talaga siya kung magaling naman siyang umarte.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Consenting adults na sila. Matatanda na sila, kaya na nila ang sarili nila, 'ika nga.

Kung may pinangangalagaang career, e, di okay, matatanggap natin iyan! Support tayo diyan!

Basta ba walang natatapakang ibang tao sa proseso… Live and let live baga!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results