PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alfred Vargas brother not withdrawing despite death threat

Alfred at PM Vargas, hindi tinukoy kung sino ang nagbanta sa kanilang buhay.
by PEP Troika
Published May 3, 2022
pm vargas and brother alfred vargas
Councilor PM Vargas (left, with brother Alfred Vargas) on death threat: “Maliwanag na ang intensiyon ng nagpadala ay takutin kami at ang aming pamilya. Sa mahigit isang dekada na nating paglilingkod sa distrito, ngayon lamang po ako nakatanggap ng death threat. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong klaseng halalan. Marumi. Magulo. At mapanganib.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nakatanggap ng death threat ang magkapatid na Conngressman Alfred Vargas at Councilor PM Vargas nitong Mayo 2, 2022, Lunes ng hapon.

Base sa police blotter ng Pasong Putik Police Station, Quezon City, dumating sa office nina Alfred at PM ang isang pakete na naglalaman ng dalawang dalawang bala ng baril kahapon ng bandang 1:20 p.m. Ini-report ang insidente sa nasabing police station bandang 4:40 p.m. ng araw na iyon.

Ang sealed box ay naka-address kay Patrick Michael Vargas, at tinanggap ng 61-anyos na si Erlene Acapulco na nasa receiving desk ng satellite office nina Alfred at PM.

Babae ang nag-deliver ng sealed box. Nang usisain ni Erlene ang di nagpakilalang babae kung saan galing ang pakete, sinabi raw ng babae na hindi nito alam. Kaagad daw tumalilis ang babae papunta sa exit at iniwan ang pakete sa mesa.

Nang buksan ng naka-duty na roving security guard ang pakete, napag-alamang naglalaman iyon ng dalawang 5.56 mm ammunitions. Nakunan ng CCTV ang pagde-deliver ng nasabing pakete sa office nina PM at Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Mayo 3, Martes ng hapon, sa Annabel’s restaurant, Morato Avenue, Quezon City, binasa nina PM at Alfred sa harap ng media ang kanilang salaysay kaugnay sa insidente.

Humingi sila ng paumanhin na hanggang doon lang muna ang kanilang maihahayag hangga’t hindi pa tapos ang imbestigasyon. Iyon ang payo ng kanilang legal team.

Bahagi ng pahayag ni PM, “Maliwanag na ang intensiyon ng nagpadala ay takutin kami at ang aming pamilya.

“Sa mahigit isang dekada na nating paglilingkod sa distrito, ngayon lamang po ako nakatanggap ng death threat. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong klaseng halalan. Marumi. Magulo. At mapanganib.”

Kandidato si PM para congressman sa ikalimang distrito ng Quezon City. Ipinagdiinan niyang hindi siya magpapatakot sa ganitong klaseng pulitika.

Dagdag ni PM, “Gusto nila kaming takutin pero lalo lang nila kaming inuudyok lumaban. Hindi po ako magpapatinag! Hindi po ako nag-aalinlangan!

“Dahil alam ko po ang ating samahan na binuo sa loob ng maraming taon ay hindi mabubuwag. Hinding-hindi po ako aatras at hinding-hindi ko iiwan ang aking mga kadistrito!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalong hindi ko hahayaang mapunta tayo sa kamay ng sindikato na ang tanging hangarin ay makagawa ng limpak-limpak na pera habang nasa posisyon.

“Sila lang ang may kakayahang makagawa sa atin ng ganitong klaseng pananakot.”

Hindi pinangalanan nina PM at Alfred kung sino sa tingin nila ang nagbanta sa buhay nilang magkapatid.

Read: Brothers Alfred and PM Vargas receive two bullets; claim death threat politically motivated

GORGY RULA

Pahayag ni Alfred, “Narito po ako ngayon hindi bilang isang congressman o artista kundi bilang isang kapatid, isang kuya…

“Ngayon ay nahaharap kami sa ganitong klaseng death threat na itinaon pa sa dulo ng kampanya.

"Nananawagan kami sa aming mga kadistrito, mga kaibigan, at supporters na samahan ninyo kaming maging vigilant sa lahat ng uri ng kasamaan, pananakot at pandaraya na ginagawa ng ating mga kalaban ngayong eleksyon.

“Kitang-kita naman natin kung paano nila pinaiiral ang pera sa halalang ito. Kami mismo ni PM ay hindi naging exempted sa kanilang istilo ng pambubuyo at panunuhol.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa totoo lang, apat na beses kaming inoferan na umatras sa laban na ito. Umabot sa daan-daang milyong piso ang inalok sa amin para talikuran na namin ang distrito singko. Gumamit pa sila ng iba’t ibang emisaryo para paatrasin kami sa laban na ito.

“Ni minsan, hindi naming naisip na ikumprumiso ang aming dangal at prinsipyo. Hindi namin kayang talikuran ang Novaleño.

“Nang hindi nila kami makuha sa pera, dinaan naman nila kami ngayon sa paninindak. Umabot na sa puntong ito na nagkaroon ng banta sa aming buhay.”

Totoo bang parang budget ng tumatakbong senador ang gastos ng kalaban ni PM sa pagka-congressman sa nasabing distrito? Nakakapanlumo ang talamak na bilihan o bentahan ng boto habang papalapit ang eleksyon!!!

NOEL FERRER

Tuloy ang paninidigan nina PM at Alfred Vargas para sa maayos at maprinsipyong Novaliches.

Pahayag pa ni PM, “Hindi po natin hahayaang dumanak ang karahasan. Lalo na’t buhay ng ating pamilya ang nakataya sa usaping ito…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kamakailan lamang po sa unang pagkakataon, at sa pamamagitan ng blessing ng Panginoon, ako ay naging isang tatay na! Ang pangalan ng aking kaisa-isang anak ay Aiden Michael.

“Gabi-gabi, kahit pagod na pagod ako, tangan ko siya aking mga kamay at dinuduyan hanggang siya ay makatulog nang mahimbing. Habang pinapagmasdan ko siyang natutulog sa aking piling, wala akong iniisip para sa aking anak kundi ang mapalaki sya sa ligtas at kaaya-ayang mundo kung saan maaari niyang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay.

“Ngayong nahaharap ako sa ganitong pagsubok kung saan ang aking buhay ay nasa panganib, lalo kong ipaglalaban ang kinabukasan ng aking anak.

“Lalo kong ipapakita sa kanya na ang kanyang ama ay marunong manindigan, at lalo kong ipapakita sa kanya na ang kanyang ama ay kayang ipaglaban ang kanyang prinsipyo.

“Para sa aking anak na si AM, kung mapapanood mo ito balang araw, sana malaman mo na ang tatay mo ay lumaban, nanindigan at handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalaban tayo!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Councilor PM Vargas (left, with brother Alfred Vargas) on death threat: “Maliwanag na ang intensiyon ng nagpadala ay takutin kami at ang aming pamilya. Sa mahigit isang dekada na nating paglilingkod sa distrito, ngayon lamang po ako nakatanggap ng death threat. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong klaseng halalan. Marumi. Magulo. At mapanganib.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results