JERRY OLEA
Totoo bang ayaw ni AJ Raval na makatrabaho muli si Diego Loyzaga?
Tanong iyan ng katotong Roldan Castro sa tsikahan with AJ noong Abril 27, 2022, Miyerkules, sa Wing Zone restaurant, Araneta Coliseum, Quezon City matapos ang special screening ng pelikula nila ni Vince Rillon na Kaliwaan.
Matatandaang si Diego ang katambal ni AJ sa unang pelikulang pinagbidahan niya, ang Death Of A Girlfriend (2021).
Read: Mga nagpapantasya kay AJ Raval, hindi mabibigo sa Death of A Girlfriend
Kapagkuwan ay nasangkot si AJ sa isyu ng dating magkasintahang sina Diego at Barbie Imperial.
Read: Barbie Imperial slams AJ Raval for not speaking up after being linked to Diego Loyzaga
Pahayag ni AJ, “Ano po kasi, e. Parang ano po, ang nakikita kong mangyayari is…
“Magtatrabaho po kami ni Diego, OK po kami, and then magiging OK yung movie, maraming manonood.
“'Tapos, sila lang po yung parang gaganun. Ako lang po yung maba-bash.
“Parang ganun po yung nakikita ko sa pelikula.”
Payag ba siyang makatrabaho sa pelikula si Barbie, if ever?
“Si Barbie? OK lang naman po. Kung magkakaroon po ng chance, wala naman pong problem,” malumanay na tugon ni AJ.
“At least, kung may mga bagay na may mga sinasabi siya, mako-confront ko po siya.
“Actually, nung pumutok po yung isyu namin, ako po nag-message sa kanya. Minessage ko po siya na mahaba.
“Sabi ko sa kanya, ‘Huwag magpapadala sa mga tao,’ naiintindihan ko po siya, na-provoke lang po siya kung bakit nagsalita siya nang ganun.
“Tapos, nag-reply po siya, sabi po niya, ‘Thanks, AJ.’”
Susog ng katotong Maricris Valdez, nasaktan ba siya sa pinagsasabi noon ni Barbie laban sa kanya?
“Hindi naman po. It’s more of understanding,” mabining pagbuntong-hininga ni AJ.
“Kung gaano po kalawak ang understanding ko, si Barbie, siguro merong sitwasyon na hindi niya maintindihan kaya nakapagsalita ng ganun.
“Ako na lang po ang umintindi kay Barbie na kaya po siya nakapagsalita ng ganun, dahil na-provoke lang po siya sa mga netizen, sa mga tao.”
Tahasang sinabi ni AJ na wala siyang problema kay Barbie.
“Ako po, OK po ako sa kanya, wala po akong problema sa kanya. Hindi ko lang po alam sa kanya,” sabi ni AJ.
Streaming na umpisa ngayong Biyernes, Abril 29, ang Kaliwaan sa Vivamax. Idinirek ito ni Daniel Palacio, at nilikha ni Brillante Mendoza.
Maliban kina AJ at Vince, nasa cast ng splatter film na Kaliwaan sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Juami Guitierrez, Denise Esteban, at Irma Adlawan.
GORGY RULA
Wala naman sigurong isyu dun kung magsama-sama man sila sa isang pelikula. Tapos na ang isyu nila, at hiwalay na sina Diego at Barbie.
Baka nga mas masaya pa ang love life ngayon ni AJ. Pero itinatanggi niya kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ni Aljur Abrenica.
Nang tinanong ko siya sa premiere night ng Kaliwaan tungkol sa kanyang love life, ang safe ng sagot ni AJ.
Pero napapangiti siya kapag si Aljur ang tinutukoy namin.
“Ang masasabi ko po diyan, may mga priorities po na dapat unahin. May mga problem po na dapat ayusin muna bago pumasok sa love life.
"As long as may nakakaintindi po sa akin, okay lang naman po ako dun," sagot ni AJ.
Sinundan ko ng tanong kung si Aljur ba ang taong nakakaintindi sa kanya.
“Kami po ni Aljur, wala naman po talaga kami naging relasyon. Hindi po kami... wala naman po kaming kinonfirm,” sabi ng sexy star.
Pero sabi rin ni AJ, wala siyang ibang lalaking dini-date, at sila lang ni Aljur ang lumalabas minsan. Kaya umayon naman siya sa sinabi ko kung maituturing bang "exclusively dating" sila ni Aljur.
“Nasa point pa po kami na kinikilala pa namin ang isa’t isa. Iyon nga po. May mga priorities na dapat unahin, may problems na dapat ayusin muna,” pahayag ni AJ.
Nagkalapit sina AJ at Aljur nang gawin nila ang pelikulang Nerisa, na nag-streaming noong Hulyo 30, 2021 sa Vivamax.
Ayon kay AJ, mula noon ay "Kuya" ang tawag niya kay Aljur, at "Hija" naman ang tawag sa kanya ng hunk actor. Hanggang ngayon ay ganun pa rin ang tawagan nila.
Naka-bonding na rin ni AJ ang dalawang anak nina Aljur at Kylie Padilla. Ang tawag sa kanya ng dalawang paslit ay "Ate Bats."
“Kasi, nickname ko po is Bats,” sambit na AJ, na parang ayaw raw magpatawag na "mommy" sa mga anak ni Aljur.
Dagdag ni AJ, “Actually, tawag ko rin po sa stepmother ko, Ate.”
NOEL FERRER
Ang dami nang breaks ang nabigay kay AJ.
Maganda naman talaga ang rehistro niya sa camera. Pero bakit ang kulay ng nipples niya ang nagtatatak sa mga usapan ng mga showbiz reporter?
Sana sa susunod, yung husay na niya sa aktingan ang pag-usapan, lalo pa’t patuloy siyang nahahasa sa paggabay ng magagaling na mga direktor!
Good luck, AJ!
