PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Verzosa on catching a partner having sex with another man

Kylie, walang mapangahas na love scene kay Paolo Gumabao sa Sisid.
by PEP Troika
Published Mar 24, 2022
kylie verzosa, paolo gumabao, vince rillon
In Sisid, Kylie Verzosa (right) plays the wife of Paolo Gumabao (left photo, left), who is having an intimate affair with his assistant, played by Vince Rillon (left photo, right).
PHOTO/S: Vivamax

JERRY OLEA

Nag-alab ang galit ni Abby (Kylie Verzosa) nang mahuli niya sa akto ng pagtatalik ang asawa niyang si Jason (Paolo Gumabao) at assistant nitong si Dennis (Vince Rillon).

Eksena iyan sa BL movie na Sisid, na mag-i-streaming umpisa Marso 25, 2022, Biyernes, sa Vivamax.

Kung mangyari ang ganoon sa totoong buhay ni Kylie, ano kaya ang mararamdaman niya?

“Feeling ko kasi, kung siya talaga yun… kung siya talaga yun, I’ll eventually be able to forgive him,” saad ni Kylie sa presscon matapos ang special screening ng Sisid noong Marso 22, Martes, sa isang mall sa Quezon City.

“And magpapasalamat na lang ako na naging part ako ng journey ng buhay niya. Siya talaga yun, e, wala na akong magagawa.

“And I’m glad na he found himself eventually, pero part yun ng journey ng isang tao, and we serve each other’s purpose in our lives. So, feeling ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masakit pero eventually, you’ll forgive din. Kasi, anong use ng pagbitbit ng grudge? Hindi ka rin makaka-move on sa buhay.”

Ang tagline ng Sisid, “Gaano kalalim ang pag-ibig?”

Gaano ba kalalim siyang magmahal?

“Depende rin yun sa tao, e. Depende rin sa minamahal mo. Kasi, iba rin yung pagmamahal na ibinibigay mo sa taong mahal mo,” lahad ni Kylie.

“Sa taong gusto mong mahalin, sa pamilya mo, sa friends… iba-iba, e. Pero malalim akong magmahal.

“Hindi lang obvious minsan pero siyempre, sa amin na yun.”

Ang boyfriend ngayon ni Kylie ay ang Kapamilya actor na si Xian Lim.

Nasa cast din ng Sisid sina Christine Bermas, Irma Adlawan, at Marco Novenario, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

GORGY RULA

Sabi ni Direk Brillante, base sa true-to-life story ang istorya ng Sisid, kung saan natuklasan ng isang misis na bading ang kanyang mister.

“Hindi ko na lang sasabihin kung sino. Yung nangyari, nagpatawaran din sila,” sabi ng multi-awarded director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And you’d be surprised na yung babae ang talagang nagparaya na, ‘OK lang, kung gusto mo, puwede pa nating ituloy.’

“Something like that, ‘no? Pero of course, ang nag-move on, yung lalaki na.

“So, makikita natin, minsan halimbawa, di ba, sa pelikula ganito. Pero sa totoong buhay, mas higit pa pala, e, sa ine-expect natin.

“Na ganun pa pala ang puwedeng mangyari, ‘no? Despite the pain and all. Imagine, yung nalaman ko yung ganung kuwento na parang…

“OK, pinatawad mo and gusto mo pang ituloy despite the fact…”

Sambot ni Kylie, “Parang mas malakas ang babae, ‘no? Yun ang natutunan ko kay Abby, e. Parang… mabilis siyang mag-forgive.”

Base rin sa pangyayari sa totoong buhay yung eksena sa Sisid na aligaga sa pag-aasikaso kay Jason ang nanay ni Dennis na si Gloria (Irma Adlawan). Napaka-symbolic pa ng dalawang turon na ipinamemeryenda ni Gloria, pero inisnab ni Jason.

NOEL FERRER

Pinaka-challenging para kay Kylie yung first day of shooting niya sa Sisid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag ni Kylie, “Kasi, hindi ko pa alam kung paano ba talaga yung style ni Direk Brillante. Medyo nangangapa ka pa.

“Hindi mo pa alam. Kasi, hindi ka sanay. Hindi mo alam. Yung ikaw kasi ang dadalhin mo sa set na, e.

“May direction ang character pero ikaw ang dadalhin mo, hahaluin mo siya sa karakter. Medyo tinatantiya ko pa noong una.

“Pero siguro, feeling ko, middle to end of the first day, medyo mabilis na, okay na, ‘Masarap pala ‘to.’ Ganun. So, dun ko na-enjoy.”

Tender lang ang intimate scene ni Kylie with Paolo. Walang umaatikabong lampungan.

Natawa si Kylie, “Kaya chill lang ako dito! Ha! Ha! Ha! Ha! Chill lang ako dito, nag-e-enjoy. Relaxed lang.

“Si Abby yun. Dito, walang love scenes si Abby. So, relaxed lang ako dito. Puwede akong mag-invite ng friends [para manood ng movie]. Puwede akong mag-invite ng mga angels ko diyan! Chill lang ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Sisid, Kylie Verzosa (right) plays the wife of Paolo Gumabao (left photo, left), who is having an intimate affair with his assistant, played by Vince Rillon (left photo, right).
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results