GORGY RULA
Kakaibang excitement at experience para kay Xian Lim na isasalang na siya sa isang event ng Kapuso network para sa GMA Pinoy TV.
Nabanggit sa mga nakaraang balita natin na bahagi si Xian sa GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai na gaganapin sa Dubai Millennium Ampitheatre sa March 30, 2022. Kasama niya ang kapwa Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Jessica Villarubin.

Nawawala ang kaba ng bagong Kapuso leading man dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya sa GM- 7.
Ani Xian sa nakaraang mediacon ng Stronger Together: GMA Pinoy TV at Expo 2020 Dubai, “As a newbie sa Kapuso network, masasabi ko lang po na I’ve been here a couple of months, and ramdam na ramdam ko po yung, kumbaga, yung warmness na binibigay po sa akin from everyone.
“Nakakatuwa lang because I feel very welcome. I feel very comfortable, and it’s such an honor and privileged na mabigyan po nila ako ng trust.
“Katulad nga po ng sinasabi ni Mr. Francia na there’s so many talented artists in GMA, and mabigyan lang po kaming tatlo ng pagkakataon, yun nga po, it’s such a blessing. So, dapat lang po na pagbutihin namin.”
Si Mr. Francia na binanggit ni Xian ay ang GMA International First Vice President and Head na si Mr. Joseph Francia.
Natutuwa si Joseph sa pagkakasali kay Xian na magdagdag-kinang sa malaking event na ito sa Dubai.
Malaking bagay raw ang partisipasyon ng Kapuso artists sa pagbibigay-pugay na rin sa mga kababayan nating magiging bahagi ning Expo 2020 Dubai. Kasama raw ito sa finale ng naturang show.
Pahayag ni Mr. Francia, “In the show itself, dedicated po ang isang segment doon sa mga volunteers and staff na Filipino na nasa Expo.
“Inclusive naman po tayo, kahit ibang lahi, welcome doon sa ating show.
“So… I hope in fact that you will be able to attract also in through stronger spirit, hindi lang pam-Pinoy, puwedeng pang-non-Pinoy rin.
“I hope we will be able to attract that spirit.”
Dagdag na pahayag ni Xian, “It's my first time also na Kapuso na makakasampa dito sa Dubai Expo, and nakakatuwa because of… yun, it’s such a special event for all the Filipinos.
“And for the non-Pinoys naman, gusto kong ipagyabang na meron tayong Pinoy na camaraderie the way we are. How we uplift each other.
“Ang sarap lang iyabang. Ang sarap lang i-showcase.”
JERRY OLEA
Doon sa Expo Dubai ay ipu-promote na rin daw ni Xian ang first project niya sa GMA-7, ang False Positive.
Hindi na sa June ang airing nito kundi mapapaaga na.
“I think si Glaiza po ang nagsabi na April 25 po ang labas po ng False Positive. So, that’s my first show as a Kapuso.
“So, it’s gonna be a fun one for everyone,” sabi ni Xian.
NOEL FERRER
Kagaya ng ibang artists na first time magsu-show nang live sa gitna ng pandemya, maaaring maging emotional daw si Xian kapag makita niya ang mga kababayan natin sa Dubai, ang mga fans niya, lalo na’t dalawang taong hindi tayo nakakapag-show ng live.
“I can really see myself being emotional dahil, seeing your fellow kababayans abroad is such a wonderful feeling. Alam mo yun, kasi nga tayong mga Pilipino, ano tayo, e… katulad ng temang ito, Stronger Together,” pahayag ni Xian.
“When we see each other, natutuwa tayo na parang di ba, pag nakakita tayo ng mga kababayan, parang matagal na kayong magkakilala because Filipinos have that instant connection.
“So, I think, iyon yung pinanggagalingan ng mga artists, and I feel na mangyayari din sa akin yun dahil ang daming nangyayari, e.”
