PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vince Rillon, Paolo Gumabao steamy love scenes on Sisid

"Pag sinabi sa akin ni Pao na, 'Vince, bibigay ako, totodo ako,' nagugulat ako."
by PEP Troika
Published Mar 23, 2022
Vince Rillon, Paolo Gumabao, Sisid, Christine Bermas
Usapan nina Vince Rillon at Paolo Gumabao bago sumabak sa love scene: "Pag sinabi sa akin ni Pao na, 'Vince, bibigay ako, totodo ako,' nagugulat ako. 'Ha?! Anong ibibigay?!' 'Basta.' 'Kung anong gagawin mo sa akin, gagawin ko rin sa ‘yo!' sabi ko sa kanya. 'Kung didilaan mo ako, didilaan din kita!'" Leading lady din ni Vince si Christine Bermas (upper right) sa Sisid.
PHOTO/S: Screengrab from Sisid trailer

JERRY OLEA

Mas maalab ang pakikipagharutan ni Vince Rillon kay Paolo Gumabao kesa kay Christine Bermas sa pelikulang Sisid.

Sa trailer pa lang ay todo na ang love scenes nila habang sakay ng bangka.

Paano niya nagawa yun?

"Di ko po alam, e, kung paano," pagkunot-noo ni Vince matapos ang special screening ng Sisid nitong Marso 22, 2022, Martes, sa isang mall sa Quezon City.

"Kasi, nagawa ko yun, first time ko rin kasi, ibang mundo ko nung ginagawa ko yun.

"And then, yung pag-prepare ko naman kay Pao, okay naman po si Pao dahil may connection kami. And then, hindi ako nahirapan sa kanya.

"Kasi, alam naman namin yung limitasyon namin bilang lalaki. So, yun… Basta, hindi pa ako maka-move on, e!"

Kanino siya mas nag-enjoy sa pakikipag-love scene sa Sisid—sa lalaki o sa babae?

Pilyo ang ngiti ni Vince, "Ahh, sa lalaki! Kay Pao! Aaminin ko na, kay Pao. Kasi, para lang po kaming naglalaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag sinabi sa akin ni Pao na, 'Vince, bibigay ako, totodo ako,' nagugulat ako. 'Ha?! Anong ibibigay?!'

"'Basta.' 'Kung anong gagawin mo sa akin, gagawin ko rin sa ‘yo!' sabi ko sa kanya. 'Kung didilaan mo ako, didilaan din kita!'

"Kaya parang naglalaro lang kami sa set, ganun po. So, masaya. Para sa akin, sa lalaki. Hindi ako nahirapan!"

Hindi nakaramdam ng awkwardness si Vince sa intimate scenes nila ni Paolo, dahil batid niyang BL (boys’ love) movie ang kanilang ginagawa.

Streaming ang Sisid umpisa Marso 25, Biyernes, sa Vivamax. Nasa cast din nito sina Kylie Verzosa at Irma Adlawan, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

Read: Vince Rillon inaming nakaranas na ng threesome: "Siyempre mapusok tayo noong kabataan natin."

GORGY RULA

Tinutukan ko sandali ang IG live ni Paolo Gumabao nung Martes, Marso 22 ng umaga.

Nasa set siya ng fantaseryeng Darna at magtatagal pa raw siya roon. Karamihan sa mga tinatanong sa kanya ng followers niya ay tungkol sa paggawa ng BL movie o series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May diretsahang nagtanong kung tinitigasan ba siya sa love scene na ginagawa niya. Never daw siya nadadala, dahil trabaho lang talaga.

Okay lang daw kung gagawa pa siya uli ng iba pang BL projects, pero excited daw siya sa natapos niyang pelikulang Mamasapano dahil balot na balot daw siya rito at nag-action siya.

Kaya ibang-iba raw iyon sa mga nagawa niya. Baril ang pinaputok niya roon.

Sa Lockdown, Silip sa Apoy, at Sisid ay ibang “sandata” ang pinaglaruan niya.

NOEL FERRER

Ito na ang bagong Sisid!

Naaalala ko ang dating Sisid (2001) directed by Joey Romero, with cast members Raymond Bagatsing, Assunta de Rossi, Rodel Velayo, and Karen Montelibano.

Siyempre, iba naman itong Sisid na ito. Iba na rin at online ang Sisid ni Brillante Mendoza sa naunang Sisid sa sinehan.

Nakaka-miss manood ng pelikulang Pilipino sa sinehan ulit. Matatagalan pa ba iyon? May mga sinehang sarado kung Lunes at Martes, at operational lang mula Miyerkules hanggang Linggo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano kaya ang naghihintay sa mga sinehan sa new normal? Good luck.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Usapan nina Vince Rillon at Paolo Gumabao bago sumabak sa love scene: "Pag sinabi sa akin ni Pao na, 'Vince, bibigay ako, totodo ako,' nagugulat ako. 'Ha?! Anong ibibigay?!' 'Basta.' 'Kung anong gagawin mo sa akin, gagawin ko rin sa ‘yo!' sabi ko sa kanya. 'Kung didilaan mo ako, didilaan din kita!'" Leading lady din ni Vince si Christine Bermas (upper right) sa Sisid.
PHOTO/S: Screengrab from Sisid trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results