PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Loren Legarda, patuloy ang environmental advocacy para sa Antique

Antique's diverse marine attractions featured in Discovery Channel documentary
by PEP Troika
Published Mar 20, 2022
Loren Legarda
Ipinagmamalaki ni House Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda ang tourist attractions sa probinsya ng Antique, lalo na ang likas na kagandahan ng marine biodiversity nito na na-feature sa isang 20-minute Discovery Channel documentary.

GORGY RULA

Malapit na ang Holy Week at karamihan ay nagbabalak na kung saan magbabakasyon at magtitika.

Sa mahilig sa dagat, isa sa interesting na puntahan ay ang lalawigan ng Antique, na napapabalita dahil sa mayaman nitong karagatan.

Kaya ngayon pa lang ay sinisimulan na itong i-promote dahil lumuluwag na ang pagpunta sa mga probinsya.

Ito ang isa sa pinu-promote ngayon ng Deputy House Speaker at representative ng Lone District ng Antique na si Loren Legarda.

Humarap si Cong. Legarda sa ilang miyembro ng entertainment press para ibahaging meron silang nabuong 20-minute documentary na pinamagatang Antique: Where the Mountains Meet the Sea.

Ito ay prinodyus ng Studio H2O na tinulungan ng kongresista, ang Department of Tourism at ng lalawigan ng Antique.

Dito makikita ang kayamanan ng marine areas ng Antique, na isa sa maipagmamalaki natin sa buong mundo.

Loren Legarda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung nakaraang taon lang ay nag-organize ang Studio H2O ng isang expedition team na binubuo ng mga marine researchers, scientists, at underwater cinematographers para mapag-aralan at ma-capture ang maipagmamalaki nating marine treasures ng Antique.

Loren Legarda

Sabi nga ni Cong. Loren Legarda, “Antique is a paradise where the mountains meet the sea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It is a province that may have been in the doldrums for three decades but is now experiencing its Golden Age.”

Kaya nagkaroon ng scientific survey ang grupong ito sa mga reefs doon sa Antique, lalo na sa coastal areas ng Pandan Bay at Libertad.

Nagkaroon din sila ng freediving workshop sa mga tagaroon para sila na mismo ang susunod na mag-survey at mapangalagaan ang kanilang marine areas.

Doon nila nakita kung gaano kayaman ang marine areas ng Antique, lalo na’t doon matatagpuan ang manta ray.

Sabi ng mga experts, manta ray is famous for its majestic form that could reach up to twenty-three feet across.

Kakaiba raw talaga ang nasaksihan nila sa kanilang survey, at ito ang nilalaman ng kanilang 20-minute documentary na mapapanood na sa Discovery Channel sa March 23 ng 6:15 ng gabi at magkakaroon ng replay sa March 24 ng 8:15 at 11:25 ng umaga.

NOEL FERRER

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung ganun pala na nakikita ni Senator Loren na puwedeng pagtuunan ang Antique at marami pang magagawa rito, bakit niya ito iiwan para tumakbong muli sa pagka-senador?

Nalulungkot ako sa napabalitang mula sa progresibong ka-tandem ni FPJ noon, si Loren ang tinutukoy sa isang umpukan na pumigil sa local leaders na salubungin si VP Leni sa kanyang probinsya.

Sayang naman, lalo pa’t kung pag-uusapan ang suporta sa kababaihang nagtataguyod ng pamilya, tulad ni Loren noon ang oryentasyon ni VP Leni ngayon.

Hindi ba kasama si VP Leni sa gusto niyang pagpakitaan ng ganda ng kultura ng kanyang lalawigan sa pamamagitan ng maganda at may paggalang na pagtanggap?

Ibang-iba ito sa Loren na nakilala at kaibigan ko, ha, simula pa noong nasa ABS-CBN kami!

JERRY OLEA

Maraming puwedeng bisitahin ngayong tag-araw, lalo pa’t kumonti na ang mga nadaragdag na kaso ng Covid-19 sa bansa. Andami ngang nag-o-offer ng mga tour sa socmed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ganda ng corals at mga isda sa fish sanctuary ng Lobo, Batangas. Siyempre, puntahan din dito ang Malabrigo Lighthouse na ilang beses nang pinagsyutingan.

Pebrero hanggang Mayo ang peak season ng pakikipaglangoy sa mga butanding (white shark) ng Donsol, Sorsogon. Isa ito sa the best na animal encounter.

Miss na miss ko na ang white sand ng Saud Beach sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Napaka-hospitable pa ng mga kaibigan namin doon ni Dr. Rex Gaculais, ang mag-asawang Imee at JJ Llanes ng Villa del Mar Ivory Beach Resort.

Marami akong kaibigang dumarayo sa iba’t ibang falls sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Napakarami ring falls sa lalawigan ng Oriental Mindoro, at inaasam nating mabisita sa Pola sina Ejay Falcon at Mayor Ina Alegre.

Andami ring tourist attractions sa lalawigan ng Pangasinan, at nais kong ma-explore pa roon ang Bolinao.

Sa Nueva Ecija, hopia tayong makabalik sa Minalungao National Park ng General Tinio, na pinagsyutingan ng pelikulang Magikland.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
Read More Stories About
Loren Legarda, Antique province
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagmamalaki ni House Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda ang tourist attractions sa probinsya ng Antique, lalo na ang likas na kagandahan ng marine biodiversity nito na na-feature sa isang 20-minute Discovery Channel documentary.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results