GORGY RULA
Sa susunod na buwan ay magsisimula nang mag-promote ang kauna-unahang drama series ni Xian Lim, ang False Positive kasama si Glaiza de Castro.
Kaya maaring hindi na sa June ang airing nitong serye, kundi mapapaaga na.
Maaring bahagi na rin ito ng promo ng kanyang drama series kaya kasama siya nina Julie Anne San Jose at Jessica Villarubin sa GMA Pinoy TV Expo sa Dubai sa darating na March 30.
Pinamagatang GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai ang show na gaganapin sa Dubai Millennium Ampitheatre, Dubai Expo Grounds.

Bale ito ang first event ni Xian sa ibang bansa bilang isang Kapuso na ipu-promote ang GMA Pinoy TV.
Sabi niya sa mensaheng ipinadala ng handler niya sa PEP Troika, “It’s such an honor to be part of the GMA Pinoy TV at Expo 2020 Dubai.
“I’m looking forward to seeing all our Kapuso in Dubai. It’s been two years since my last on stage performance in front of a crowd, so this is truly a big moment for me.”
Sa pagkakaalam ko, wala pang pinirmahang exclusive contract si Xian. Dito lang sa False Positive siya committed, pero isa nang Kapuso ang turing sa kanya.
Puwede na rin kaya si John Lloyd Cruz na maimbitahan sa mga ganitong event, kasama si Bea Alonzo?
Ang ganda pa rin ng performance sa rating ng sitcom ni JLC na Happy ToGetHer.
Naka-13% ito nung nakaraang Linggo, March 13 at inaasahang mataas pa rin itong mapapanood bukas.
Nakakatuwa na ang teaser nito na kung saan ay si Kim Domingo ang kanilang special guest.
JERRY OLEA
May isa pang Kapuso series si Xian, remember? Yung Love. Die. Repeat nila ni Jennylyn Mercado.
May second season ang sitcom ni John Lloyd, at may naka-line up na projects for him ang Crown Artist Management.
Inaasam nga nating itampok si John Lloyd sa Magpakailanman drama anthology ng GMA-7.
Hopefully, maging bahagi ng kahit Kapuso regional event si John Lloyd para lalo pang ma-promote ang Happy ToGetHer.
NOEL FERRER
Tama, baka nasa wait-and-see mode pa ang GMA-7 kay Xian Lim because after so many attempts at a first project, finally maipapalabas na ang False Positive niya.
Alam ko, gusto rin ni Xian maging writer at director. Dito kaya sa Kapuso network mag-flourish ito? We’ll see.
Kasi, even with their co-prods, parang wala pa ulit Viva star na nag-e-exclusive Kapuso talent with a guaranteed salary deal?
Not even Mark Bautista ba?
Bakit kaya?
