GORGY RULA
Tuloy ang balak ni Paulo Avelino na dalawin ang anak niyang si Aki sa New York, pagkatapos ng concert tour nila nina Ogie Alcasid at Janine Gutierrez sa California.
Nakausap na raw ni Paulo ang ex-girlfriend na si LJ Reyes tungkol dito.
"Na-mention ko na sa mommy niya at tinatanong lang kung ano yung dates. “
"Nandun na rin ako, I might as well see my son. I haven’t seen him since they left," pahayag ni Paulo sa nakaraang mediacon ng concert tour ni Ogie na OA sa Love in the USA.
Read: LJ Reyes, kinontak ni Paulo Avelino sa Amerika; Paolo Contis, di pa nagpaparamdam
Huling bahagi ng Agosto 2021 nang lumipad si LJ Reyes sa New York bitbit ang anak nila ni Paulo na si Aki. Kasama rin ni LJ sa New York ang anak nila ni Paolo Contis na si Summer.
Read: LJ Reyes alludes to money issue, third party in breakup with Paolo Contis
Ang ganda ng ngiti ni Janine nang sinundan ko nang tanong si Paulo kung kasama ba si Janine sa pagdalaw nito kay Aki.
Paano niya ipakikilala si Janine sa kanyang anak?
"Diretso na! Aki, Nanay mo. Joke lang," pabiro niyang sagot.
"Pero excited na akong makausap ang anak ko kasi nag-school na siya," dagdag niyang pahayag.
Kapansin-pansin ngang ang saya ng mukha ni Paulo, at kahit si Janine na napapangiti na lang tuwing tinutukso namin silang dalawa.
Pero aminado si Paulo na masaya talaga siya ngayon.
"2022 na kasi kaya pinapalitan ko na yung outlook ko in life," pakli ng Kapamilya actor.
Sinundan ko siya ng tanong kung kasama ba si Janine sa pagpapalit ng outlook na iyon sa kanyang buhay.
"Hindi naman. Para sa sarili ko yung ginagawa ko. Sabi nga nila, paano mo mapapasaya ang ibang tao kung ikaw mismo, hindi ka masaya?" saad niya.
Sa tono ng mga sagot nina Paulo at Janine, hindi na siguro tayo magugulat kung magkakaaminan na rin pagdating nila sa Amerika.
Sa March 26 na magsisimula ang kanilang OA sa Love in the USA concert sa Alex Theater sa Glendale, California. Ang kasunod nito ay sa April 2 sa San Diego, at April 3 sa Cabazon, California.
JERRY OLEA
Kung dadalaw si Paulo Avelino kay Aki, dadalaw rin kaya si Paolo Contis kay Summer?
Paano rin kaya ipapakilala ni Paolo Contis si Yen Santos sa anak nila ni LJ Reyes, just in case?
If ever, handa siguro sina Yen at Janine na maging stepmother.
Read: Paolo Contis, nag-react kung "as a friend" pa rin sila ni Yen Santos; LJ Reyes, deadma sa nega
NOEL FERRER
Exciting ang mga ganitong side trips na may naaayos.
Kasi, kung nasa masaya ka namang lugar, you would like all the others around you to be happy and well, too.
"We wish Paulo, Paolo, and LJ well—plus their new relationships, perhaps Janine with Paulo and Yen with Paolo—as friends.
