PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda on career with permanent loveteam partner

Kelvin Miranda, maipareha kaya muli kay Mikee Quintos.
by PEP Troika
Published Mar 14, 2022
kelvin miranda, bianca umali
Kelvin Miranda is paired for the first time with Bianca Umali (right) in Mano Po Legacy: Her Big Boss. “Isa din siya sa mga totoong tao na nakasama ko sa loob ng industriya, mahusay at very passionate sa kanyang craft. May sense at masarap din kausap kaya naman kahanga-hanga ang kanyang pagkatao at pagtatrabaho,” Kelvin says about Bianca.
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram / GMA Network

JERRY OLEA

Mag-i-sparkle kaya nang lubos ang career ni Kelvin Miranda kahit wala siyang partikular na ka-love team?

Nabuo ang MiKel tandem nila ni Mikee Quintos sa seryeng The Lost Recipe (Enero-Marso 2021) ng GTV. Hindi agad nasundan iyon, at itinambal si Mikee kay Sef Cadayona sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na nag-umpisa noong Hulyo 2021.

Umariba sa ratings ang pakikipag-partner ni Kelvin kay Beauty Gonzalez sa Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgette (Setyembre-Oktubre 2021) sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Nasundan iyon ng pagbibida nila sa pelikulang After All na kinunan noong Disyembre sa matulaing bayan ng Bolinao, Pangasinan, sa ilalim pa rin ni Direk Adolf.

Nag-reunion sina Mikee at Kelvin sa “Promises To Keep” episode ng Regal Studio Presents noong nakaraang Oktubre sa GMA. Magtatambal pa kayang muli sina Mikee at Kelvin?

“Wala pong kasiguraduhan kung kami po ay magtatambal pa, pero sana bigyan pa kami ulit ng pagkakataon para magkatambal ulit sa isang proyekto, sa TV man o pelikula,” sagot ni Kelvin nitong Marso 13, Linggo ng gabi, via Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What about Beauty, magtatambal kaya sila muli sa TV?

Tugon ni Kelvin, “Wala pa pong kasiguraduhan kung kami po ay bibigyan pa ulit ng pagkakataon na pagsamahin sa isang proyekto sa telebisyon.

“Para sa akin, wala namang problema at hindi naman mahirap katrabaho si Beauty. Sa katunayan ay marami akong natutuhan sa kanya.

“Sana, bigyan pa kami ng pagkakataon na muling magkatrabaho.”

Sa ikalawang installment ng Mano Po Legacy na Her Big Boss, third wheel naman si Kelvin kina Ken Chan at Bianca Umali. Ngayong Marso 14, Lunes ng 9:35 p.m., ito nakatakdang ipalabas sa GMA Telebabad, bilang kapalit ng The Penthouse: Season 3.

“Base sa mga pinagsamahan namin sa taping, off cam man o on cam, very professional at mabait na tao itong si Bianca, walang halong biro,” saad ni Kelvin.

“Isa din siya sa mga totoong tao na nakasama ko sa loob ng industriya, mahusay at very passionate sa kanyang craft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May sense at masarap din kausap kaya naman kahanga-hanga ang kanyang pagkatao at pagtatrabaho.”

Meron ding nabuong KelLy tandem dahil sa paggi-guest ng Kapuso actor sa music video ng kantang "Ating Kabanata" ng baguhang singer na si Ally Gonzales.

Magde-debut si Ally (na tinaguriang Singing Barbie Doll) sa Marso 24. Dadalo ba si Kelvin doon?

Sabi ng Kapuso actor, “Si Ally bilang baguhan, nakikita ko na sobrang devoted siya sa kanyang mga gusto gawin.

“Willing matuto para sa kanyang craft. Sana lang, magkaroon pa siya ng lakas ng loob para humarap sa laban sa loob ng industriya.

“Tungkol sa pag-attend ko sa kanyang kaarawan, yun po ay walang kasiguraduhan. Depende kung ako po ay walang taping o ginagawa.”

GORGY RULA

Marami pang mga Kapuso young actress na puwedeng i-partner kay Kelvin. Okay na siguro ang sa kanila ni Mikee Quintos.

Nagustuhan ng televiewers ang tambalan nina Mikee at Sef Cadayona sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Parang mahirap nang sundan iyon dahil papasok na ang original na Pepito Manaloto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Okay rin kung magkaroon ng book two ang Loving Miss Bridgette nina Kelvin at Beauty Gonzalez. Kaya tingnan natin kung swak si Kelvin with Bianca Umali.

Ibang-iba ang role ni Kelvin sa Her Big Boss kumpara sa mga nagawa niya before.

Aniya, “Yung pinaka naging challenge ko is kung papaano ko gagampanan yung pagiging mature.

“Kasi, yung last na nagawa kong proyekto talagang napaka-impulsive nung character ko. Itong bagong character ko na si Nestor Lorenzo, sobrang layo niya kumpara sa nakaraan."

Magaling na aktor naman si Kelvin at gustung-gusto siya ng mga staff, dahil mabait daw talaga ito sa set. Kaya sana, mabigyan siya ng iba pang magagandang projects

NOEL FERRER

So, Ken-Bianca-Kelvin ang matutunghayan ng Kapuso televiewers starting tonight.

Coming soon naman ang Lolong nina Ruru Madrid, Shaira Diaz at Arra San Agustin. Kailan naman kaya ang reel tambalan nina Ruru at Bianca?

At any rate, sino pa ba ang gusto ninyong i-partner kay Kelvin? Makakahanap pa ng iba pang swak na partner sa kanya!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda is paired for the first time with Bianca Umali (right) in Mano Po Legacy: Her Big Boss. “Isa din siya sa mga totoong tao na nakasama ko sa loob ng industriya, mahusay at very passionate sa kanyang craft. May sense at masarap din kausap kaya naman kahanga-hanga ang kanyang pagkatao at pagtatrabaho,” Kelvin says about Bianca.
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results