PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryna Pimentel, hinikayat ang showbiz moms na mag-breastfeeding

Kathryna Yu-Pimentel, one year and six months nagpa-breastfeeding.
by PEP Troika
Published Mar 10, 2022
Kathryna Pimentel
Two years old na ang unica hija ng mag-asawang Koko at Kathryna Pimentel. Sabi ni Kathryna na advocate ng breastfeeding, "So far naman po, actually one year and six months po akong nag-breastfeeding sa kanya, sa awa po ng Diyos, malakas po talaga siya, healthy. Hindi naman po siya nagkakasakit."

GORGY RULA

May pakiusap ang misis ni Senator Koko Pimentel na si Kathryna Yu-Pimentel sa showbiz moms na tumulong sa pag-promote ng breastfeeding, lalo na sa bagong mommies.

Marami sa showbiz moms ang talagang nagpapa-breastfeed, pero malaking impluwensiya raw kasi ang celebrities na nakikita ng mga nanay.

Inaasahang gagawin ito ng mga malapit nang magluwal ng kanilang baby na sina Jennylyn Mercado, Angeline Quinto, at Winwyn Marquez.

Pahayag ni Kathryna nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang linggo, "Sana, mas lalo pa nating i-promote yung breastfeeding lalo na po sa mga kapapanganak pa lang.

"Bukod po sa mas nakakatipid ‘yan dahil sa hindi ka na kailangang bumili ng formula milk, mas makakabuti po yun sa babies and sa nanay din po.

"Pangalawa po, sa tingin ko po, dapat ma-promote din po yung healthy nutrition para sa mother and child.

"Katulad po ng malunggay. Ang malunggay po, kahit saan puwede tayong humingi sa kapitbahay natin ng malunggay. Napaka-healthy po ng malunggay para po sa mga breastfeeding mothers, at para din po sa pamilya natin, sa mga ulam, sa tinola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I-promote po natin ang healthy nutrition para lalo pong tumalino, at healthy ang buong pamilya."

Pero sa panahon ngayon ng COVID, may mga natutunan si Mrs. Pimentel na mas nakakatulong daw sa baby ang pagpapadede ng nanay na bakunado laban sa COVID-19, pati ang ibang nanay na nagka-COVID.

March 2020 nang ipanganak niya ang anak nila ni Senator Koko Pimentel.

Aniya, "Kasi, naging positive COVID mother ako bago nanganak.

"Nung ipinanganak ko po siya, positive pa rin ako sa COVID.

"Kahit nagkalayo kami nang ilang linggo, talagang minotivate ko yung sarili ko na no matter what, kailangan ko pong mag-breastfeed sa kanya para makuha niya po yung antibodies ng COVID para po lumakas siya.

"So far naman po, actually one year and six months po akong nag-breastfeeding sa kanya, sa awa po ng Diyos, malakas po talaga siya, healthy. Hindi naman po siya nagkakasakit."

Patuloy pa raw niyang pinapa-breastfeed ang baby niyang si Helena nung nagpa-vaccine siya laban sa COVID-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kami po kasi ng family namin, nagpa-vaccine din po kami later on after one year. Nagpi-breastfeeding po ako nun.

"After po ng vaccination namin, sinikap ko pa rin pong tuluy-tuloy pa rin po ang breastfeeding para makuha niya ulit yung antibodies na nakuha namin sa vaccine,” dagdag na pahayag ni Mrs. Pimentel ng PDP Cares Partylist.

JERRY OLEA

Sabi pa ni Kathryna Yu-Pimentel, sa tingin daw niya ay mas mabuting huwag munang magpa-vaccine ang mga buntis.

"Ang personal opinion ko po kasi diyan, di ba, ang mga buntis, during the first trimester dun pa lang nabubuo yung bata. Doon nabubuo yung cells, yung brain, yung heart, yung bones.

"Para po talaga sa akin, huwag po sana muna mag-introduce ng any chemicals o vaccine sa katawan ng nanay.

"Hayaan po muna natin na mag-develop ang babies natin sa loob ng tiyan.

"Pero hindi po ako anti-vaxxer. Later on, pag nanganak na ang nanay, puwede naman po mag-vaccine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Basta healthy lang po na maipanganak natin ang mga babies natin. Kasi, di ba, ang vaccine po is hindi pa po natin naaaral talaga yung long-term effect nun sa katawan ng tao.

"So, huwag po nating i-risk ang mga babies natin. Iyan po ang personal opinion ko, lalo na po sa first trimester nang pagbubuntis."

NOEL FERRER

Anong marginalized sector ang nire-represent nila sa Congress?

Or isa ba ito sa mga backdoor entries ng political families to get more power?

Nahihiwagaan talaga ako sa mga party-list. Sana makatulong talaga ito sa mga tao in the long run.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two years old na ang unica hija ng mag-asawang Koko at Kathryna Pimentel. Sabi ni Kathryna na advocate ng breastfeeding, "So far naman po, actually one year and six months po akong nag-breastfeeding sa kanya, sa awa po ng Diyos, malakas po talaga siya, healthy. Hindi naman po siya nagkakasakit."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results