GORGY RULA
Umepek naman pala sa televiewers ang "Marites at Marisol" segment ng All-Out Sundays kaya mataas ang rating nito nung nakaraang Linggo, February 27, 2022.
Ayon sa datos ng AGB Nielsen NUTAM, naka-4.5% ang Kapuso weekly program, at 2.9% naman ang ASAP Natin ‘To.
Sinundan ito ng pelikulang Jowable sa GMA Blockbusters, na naka-3.3%. Ang katapat nito sa A2Z na FPJ Da King ay naka-2.2%.
Ang The Best Ka! naman ni Mikael Daez ay naka-3.7%, at 4% ang sumunod na Regal Studio Presents.
Bumaba nang slight ang Amazing Earth na naka-4.6%.
Pagdating sa primetime, naka-12.5% ang 24 Oras Weekend at 1.4% naman ang TV Patrol.
Medyo tumaas ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-11.9%.
Consistent pa ring mataas ang Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz na naka-13.7%. Si Bianca Umali ang special guest sa episode na yun na mas mataas sa guesting ni Herlene Budol nung nakaraang Linggo.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-16.8%, at tumaas din ang The Boobay and Tekla Show na may 4.5%. Nag-iisa lang si Jo Berry na guest sa episode na yun.
Samantala, naka-10.2% ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento nung nakaraang Sabado, February 26.
Malapit na raw itong matapos, at sa pagkakaalam ko ay nag-last taping na sila. Mahirap na rin sigurong pigain pa ang kuwento ng prequel ng naturang sitcom kaya tama lang na ibalik na sa present na Pepito Manaloto nina Michael V at Manilyn Reynes.
Sumunod sa Pepito Manaloto ang Agimat ng Agila, na napapansin naming lumalaki ang role ng StarStruck winner Kim de Leon. Naka-11.3% ang Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla.
Sumunod ang Magpakailanman na naka-11.3% din. Tampok dito ang kuwento ng TikTok sensation Danieca Areglado Goc-ong na mas kilala bilang Queen of Piyok, na ginampanan ni Rita Daniela.
JERRY OLEA
Ay! Bumaba ang rating ng TV show na The Best Ka! hosted by Mikael Daez. Maging better kaya ang rating nito next time, or worse?
Kung sakalam ang kabulastugan nina "Marites at Marisol" sa All-Out Sundays, isalang na sana riyan ang iba pang Kapuso stars na nginingitian lang ang mga isyu at intriga. Strike while the iron is sizzling hot, 'ika nga.
Happy tayo para sa ratings ng sitcom ni John Lloyd Cruz. Let us all clap our hands together.
Tuluy-tuloy ang mga pagbabago sa TV programming, pero GMA-7 pa rin ang namamayagpag nang bonggang-bongga.
Pathetic ang mga paandar ng ilang shows sa ibang istasyon, na sari-saring pralala at chuwariwap ang ipinagbabando, pero ni hindi man lang makapasok sa Top 20 TV programs ng anumang araw.
NOEL FERRER
I guess ang bilis ng turnover ng mga programa sa TV ngayon dahil ang iksi na ng attention span ng mga tao sa dami ng nagaganap af dami rin ng choices.
Good na ang viewers ay maraming choices. Pero sa inyo, tumatagal pa ba kayo sa mainstream TV viewing?
Ako kasi, major nabawasan na ang mga appointed local viewing ko… At puwede ko nang ma-access ang content sa mainstream elsewhere at my convenient time.
Kayo rin ba?
