GORGY RULA
Sobrang natuwa si Glaiza de Castro sa pagdalo sa Film Ambassadors’ Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Manila Metropolitan Theater nung Linggo, February 27.
Isa si Glaiza sa tumanggap ng parangal mula sa FDCP dahil sa pagkapanalo ng pelikula nilang Midnight In a Perfect World sa iba’t ibang international film festivals. Nagkaroon ito ng North American premiere sa Fantasia Film Festival nung nakaraang taon.
Pagkatapos ng magdadalawang taong nasa pandemya, ngayon lang daw siya nakadalo sa isang face-to-face event, kasama ang asawa niyang si David Rainey.
Pawis na pawis si David sa suot na barong Tagalog at sa sunud-sunod na tanong ng entertainment press.
Kuwento ni Glaiza, ine-enjoy muna ni David ang buhay Pinoy, pero inaayos na raw nila ang kanilang kasal na gagawin dito sa Pilipinas.
“Pinag-uusapan na po. Pero we’re still finalizing the date, kasi we’re also considering yung weather, yung logistics. Baka next year pa naman,” pakli ni Glaiza.
Christian wedding ito daw ang napagkasunduan at pinag-iisipan nilang gawin ito sa beach.
“Naghahanap pa kami ng lugar. Kasi, special sa amin yung dagat, so iniisip pa namin kung magdadagat ba. Hindi ba mahihirapan yung organizer? Hindi ba kami ulanin?
“Kasi kung magsi-set up kami ng event, ng lugar, tapos kung uulanin, masasayang din yung effort.
“So, isa yun sa kinu-consider namin sa pagpaplano. Pero we already met with yung event stylist. May tumutulong na rin sa amin mag-organize.”
Ang isa pang ikinea-excite ni Glaiza sa kanilang kasal dito ay ang pagdalo ng pamilya ni David. First time ng mga ito sa Pilipinas kaya dapat ma-enjoy nila lalo na ang mga magagandang lugar dito sa atin.
“For the first time. Kaya gusto ko na rin magpakitang-gilas. Gusto ko talaga ipakita yung kultura natin dito. Kasi, first time nilang makikita yung Pilipinas,” napapangiti niyang pahayag.
Oktubre 12, 2021 ikinasal sina Glaiza at David sa Northern Ireland.
Ni-reveal nila iyon sa Valentine episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Pebrero 13, 2022.
Read: Glaiza de Castro reveals getting married to David Rainey October 2021
JERRY OLEA
Second time pa lang daw ito ni David na magsuot ng barong Tagalog.
The first time was sa wedding ng brother ni Glaiza na si Alchris Galura noong Nobyembre 30, 2019 sa resort nila sa Baler, Aurora.
Ito ring Film Ambassadors’ Night 2022 ang first showbiz event na dinaluhan nila bilang mag-asawa.
Bakas sa mukha ni David ang pagmamahal kay Glaiza habang pinagmamasdan ang aktres.
Nag-honeymoon na ba sila?
'“Actually, we did it backwards. Kasi, we met in Spain, that’s our sort of honeymoon, but not ano,” saad ni Glaiza.
“Siyempre, marami pa rin… after our wedding here. Gusto ko, yun talagang mas mahaba na time.
“We had to meet in Spain to avoid the quarantine. Kasi, yung vaccination card ko rin was an issue.
“Kasi, if I go straight to United Kingdom, hindi accepted ang Sinovac. So, medyo struggle din yun figuring out kung saan.
“Thankfully, Spain was accepting Sinovac. So, it was one of the few countries na nire-recognize yung vaccine.”
Wala raw muna sa plano nila ang magka-baby.
“Gusto ko munang i-enjoy yung time namin together, kasi medyo ang tagal naming apart, long distance. We want to travel more, gusto pa naming gumala. So, medyo matagal-tagal pa,” lahad ni Glaiza.
“Napapag-usapan na po namin yung having a baby. Kahit yung nanay ko tinatanong ako kung kailan. Wait muna. Medyo malaki-laking desisyon yun…
“Nakita ko sa mga sister ko, nakita ko sa sister ni David, na once you have a baby, or babies, ganyan, medyo ibibigay mo talaga, 100 percent.
“Hindi naman medyo. 100 percent, ibibigay mo yung time mo for them, and they will be your priority.”
Dalawa lang daw ang gusto nilang maging supling, isang lalaki at isang babae.
“Tapos kambal, para tapos na! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Glaiza.
“Sa family niya… si David actually is a twin, may twin sister niya. Sa side namin, meron ding twin.
“So, baka ako na ang next generation na magkaroon ng twin.”
Siyanga pala, OK lang ba kay Glaiza sakaling gustuhin ni David na um-enter din sa showbiz?
“Ako na lang,” mabilis na sagot ng Kapuso actress, na natapos na ang lock-in taping ng Kapuso series na False Positive katambal si Xian Lim.
“I don’t think he’ll be comfortable din. Siguro, yung mga ganito, picture-picture, ganyan, okey lang. He’s a very private person.”
Nang usisain si David kung may Tagalog message ba ito para sa asawa, napakatamis ng ngiti nito sa pagsagot, “Mahal kita!”
“Palagi!” dugtong ni Glaiza. “Mahal kita palagi.”
NOEL FERRER
Congratulations sa mga pinarangalan bilang 2022 Film Ambassadors.
Of course, masarap maparangalan at kilalanin. Inquirer does this also every year sa kanilang Indie Bravo Awards.
But at this point in our history, especially sa kundisyon at estado ng Philippine cinema, ang magandang tanong: what does being an FDCP Film Ambassador mean really?
