GORGY RULA
Maiksi na kaya talaga ang atensiyon ng mga tao sa napapanood nila sa TV? Parang mas gusto nilang bago nang bago ang napapanood nila, at madali na siguro silang magsawa.
Pitong taon din ang pamamayagpag ng Wowowin sa GMA-7. Pero nang pinalitan ito ng Dapat Alam Mo?, mas tumaas ang rating sa timeslot na yun.
Baka ganoon din ang Dear Uge ni Eugene Domingo na parang rollercoaster ang rating. Pero nang napabalitang tatapusin na, umokey ang rating hanggang sa huling episode nito.
Pero nang magsimula ang ipinalit sa timeslot na yun na The Best Ka! ni Mikael Daez noong Linggo, February 20, 2022, ang taas ng rating nito na naka-5.1%.
Tingnan natin kung ma-sustain nito sa susunod na Linggo, February 27.
Samantala, bahagyang bumaba noong Linggo ang All-Out Sundays (AOS), na naka-3.7%. Ang ASAP Natin ‘To naman ay 3% ang combined rating.
Inaasahang tataas ang AOS sa darating na Linggo dahil live na silang mapapanood.
Mataas naman ang kasunod ng AOS na GMA Blockbusters, na naka-4.5% versus FPJ Da King na 1.3%.
Okay rin ang Regal Studio Presents na 4.5% at sumunod ang Amazing Earth na 5.9%.
Pagdating sa primetime ay 11.9% ang 24 Oras Weekend, at 1.6% ang TV Patrol.
Sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-10.5%, at bumongga uli ang Happy ToGetHer na naka-13.3%. Malaki siguro ang naitulong ng guesting ni Hipon Girl na rater naman talaga ang babaeng ito.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 16.7%, at sumunod ang The Boobay and Tekla Show na naka-4.2%.
Noong nakaraang Sabado, February 19, okay rin ang viewership at medyo tumaas ang nasa primetime.
Naka-8.5% ang 24 Oras Weekend, at 1.9 percent ang combined ratings ng TV Patrol Weekend. Sumunod ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na naka-9.8%.
Tumaas din ang Agimat ng Agila na 12.7% versus Pinoy Big Brother na 1.3%. Okay rin ang rating ng Magpakailanman na naka-13.4%, at 1.4% naman ang Maalaala Mo Kaya.
Ang mga datos na ito ay base sa AGB Nielsen NUTAM.
NOEL FERRER
Malapit na ang eleksyon, kaya hindi ko alam how the networks will try to help our kababayans in voters' education.
Exciting ang darating na weekend, kasi may CNN Presidential at Vice Presidential debates. I hope the other networks follow suit.
I’m sure we need all these fora para maging mas informed ang ating pagpili ng susunod na leader.
Dito mo makikita ang commitment ng mga network sa pagbabago ng ating lipunan. Hindi yung binubulag at inaaliw lang ang mga mamamayan sa entertainment kundi pinag-iisip at ginagabayan sa pagdedesisyon nang mabuti.
How I miss the relevant entertainment shows like Sic O’Clock News and Abangan Ang Susunod Na Kabanata sa mga panahong ito…
JERRY OLEA
Ang meron tayo sa panahon ngayon ay ang First Lady na kahit paano ay tatalakay sa mga isyung politikal. Ganun din naman ang katapat nitong FPJ’s Ang Probinsyano.
Sayang at na-delay nang na-delay ang Lolong, na nasa lock-in taping pa. Swak sana ang kuwento nito sa mga pulitikong ganid at masahol pa sa buwaya.
Nasa huling linggo na ang Chinoyseryeng Mano Po Legacy: The Family Fortune. Papalitan ito ng Widows’ Web, sa direksyon ng dating Kapamilya na si Jerry Lopez Sineneng.
Sa Kapuso afternoon block, nalalapit na rin ang Artikulo 247.
As expected, patuloy ang pagratsada ng GMA-7 programs.
Ngayon pa lang ay nananabik na tayo sa pagsasalpukan ng Voltes V: Legacy ng GMA at Darna: The TV Series ng Kapamilya Channel.
Abang-abang din tayo sa teleserye nina Bea Alonzo at Alden Richards. Totoo bang makaka-love triangle nila si Jeric Gonzales? Tikom ang bibig ng mga inurirat natin tungkol dito.
Curious tayo kung ano ang kahihinatnan ng mga paandar ng Sparkle (dating GMA Artist Center). Inilunsad noong Enero bilang Sparkle’s Next Brightest Stars for 2022 sina Bianca Umali, Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Miguel Tanfelix, Khalil Ramos, Derrick Monasterio, at Ruru Madrid.
Ngayong Pebrero, ibinida naman ng Sparkle ang Sparkle Sweethearts — limang pa-cute na love teams. Una sa mga ito ay ang tandem nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi na nagkamabutihan sa I Left My Heart In Sorsogon. Tinaguriang “Team Jolly” sina Sofia Pablo at Allen Ansay ng Prima Donnas. Andiyan din ang tambalang Shayne Sava at Abdul Raman ng Legal Wives, Zonia Mejia at Jamir Zabarte ng Heartful Cafe, plus Althea Ablan at Bruce Roeland.
Bakit kaya hindi pa ginawang pito ang Sparkle Sweethearts? Bakit hindi isinama ang tambalang Cassy Legaspi at JD Domagoso ng First Yaya at First Lady, pati na ang tambalan nina Jillian Ward at Will Ashley?
More and more artists should be shined by Sparkle or another talent agency.
Wait, what did we hear that a young actress is in interesting stage times two? Is it times two as a twin rival ?!
, "widget": "Hot Stories"}]
