GORGY RULA
Ngayong araw ng Lunes, February 21, 2022 ang balik ni Atty. Ferdie Topacio mula sa Davao.
Sabi ni Atty. Topacio, pagbalik niya ng Maynila ay pag-uusapan na nila ng kanyang kliyente na si Cristy Fermin ang kasong isasampa nila sa abogado ni Dawn Chang na si Atty. Rafael Vicente Calinisan.
Ito’y kaugnay sa public statement ni Calinisan tungkol sa veteran columnist na maglabas ng public apology kay Dawn dahil sa paratang ni Cristy na "wala kang mararating kung di ka nakikipaglandian sa mga boss."
Pagdidiin ni Atty. Topacio, labas ito sa isyu ni Dawn Chang. Sakop lang daw nito ang mga sinabi ni Atty. Calinisan sa kanyang statement tungkol kay Cristy.
“Sinabi naman namin mag-apologize siya [Atty. Calinisan],” sabi ni Atty. Topacio nang nakausap ko siya telepono nung nakaraang Sabado, February 19.
“Hiwalay naman ito kung ano yung ipa-file ni Dawn Chang. Ang task naman namin dito ay si Atty. Calinisan, for issuing that public statement na tingin namin ay labag sa batas at labag sa kanyang code of conduct bilang isang abogado. Iba naman po yun.
“We’re ready. Nag-usap na po kami ni Nanay Cristy before I left. Mag-uusap uli kami pagbalik ko sa Lunes.”
Sinundan ko ng tanong si Atty. Topacio kung anong kaso ang isasampa nila laban kay Atty. Calinisan, hindi pa raw niya masasabi sa ngayon.
“Pag naupuan namin nung witness, depende po sa statement ng witnesses, madi-determine namin kung anong ground.
“Yung kanyang misconduct as a lawyer ay administrative case yun for disbarment.
“Puwede ka naman mag-statement na abogado. Ako… I make public statement all the time pero hindi personal,” sabi niya.
JERRY OLEA
2-22-22 na bukas.
Matatandaang nag-ugat ang isyung Dawn Chang vs Cristy Fermin sa proclamation rally na hinost ni Toni Gonzaga noong Pebrero 8, Martes.
Pebrero 11, Biyernes, ipinost ni Atty. Rafael Vincent Calinisan sa social media ang demand letter kay Tita Cristy.
Nagbigay ng deadline si Atty. Calinisan na dapat malathala ang public apology ni Tita Cristy sa isang full page ad sa Philippine Daily Inquirer or The Philippine STAR on or before midnight of February 16, Wednesday.
Pebrero 12, Sabado, naglabas ng statement ang abogado ni Tita Cristy na si Atty. Ferdie Topacio na dapat mag-public apology si Atty. Calinisan. Ang deadline ay Pebrero 16, Miyerkules din.
Abangan natin ang mga susunod na kabanata!
NOEL FERRER
Iwas ako kapag sangkot si Atty. Ferdie Topacio dahil madalas siya na ang nagiging mismong pinag-uusapan sa kaso.
Sana may paraan pa para magkaayos sina Dawn at Nanay Cristy Fermin.
Sorry, pero akala ko si Dawn Zulueta, si Dawn Chang pala. Ano ba? Mea culpa!
