PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Agimat ng Agila ni Bong Revilla, magkakaroon ng book three?

"Agimat will always be agimat."
by PEP Troika
Published Feb 19, 2022
agimat ng agila
Senator Bong Revilla on continuing the Agimat legacy of his late father, Ramon Revilla Sr.: “Agimat will always be agimat. Sinimulan ito ng tatay ko, at hanggang ngayon, nandiyan 'yan. Mananatiling buhay ang agimat. Siguro, isa ito sa maipapamana ko sa kaapu-apohan ko, at mga apo nila. Sinimulan ito ng tatay ko, kaya tuluy-tuloy ang adventure ng Agimat.”
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Habang nasa taping ng Agimat ng Agila sa isang bundok sa San Mateo, Rizal noong Huwebes, Pebrero 17, 2022, nag-Facebook live si Senator Bong Revilla sa kanilang break at ipinakita niya ang malaking aviary sa location.

Na-amaze siya sa ganda ng mga ibong inaalagaan doon at isa-isa niyang inalam kung anu-anong klase ang ginamit sa taping. May cockatoo, golden pheasant, peacock, peahen, at iba pa.

May ginagamit na mga hayop sa taping ng Agimat ng Agila, pero nilinaw ni Senator Bong na pinapangalagaan nila ang mga ito upang walang masaktan o mamatay. May budget daw na nakalaan para sa mga hayop na ginagamit na tila katumbas ng talent fee ng bit players.

Ang Agimat ng Agila ay tumatalakay sa pangangalaga sa kalikasan at mga hayop. Bilang action-fantasy, tumatakbo na ang kuwento sa paghahanap ng talisman ng dragon.

Natutuwa si Senator Bong dahil alam na ng writers ang tipo ng Agimat story na gusto niyang lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa umpisa lang, nagtatanong pa sila sa akin, pero yung mga sumunod, alam na nila.

“Nagkokonsultahan pa rin kami from time to time, but they’re doing very well. Pabilis nang pabilis na ang istorya nito at paganda nang paganda,” pagmamalaki ng actor-politician.

May nagsasabi raw sa kanyang puwedeng gawing movie ang Agimat ng Agila at isali sa Metro Manila Film Festival.

Puwede naman daw, sabi ni Senator Bong, at isa raw iyon sa mga plano nila. Pero mahirap pa raw ngayong hindi pa full blast ang pagbubukas ng mga sinehan.

Sa ngayon ay masaya raw sila sa seryeng ibinigay ng GMA-7. Nagpapasalamat din si Senator Bong sa patuloy na suporta dahil patuloy ring naibabahagi sa mga tao ang kuwentong agimat na sinimulan ng namayapa niyang ama na si Ramon Revilla Sr.

Saad niya, “Agimat will always be agimat. Sinimulan ito ng tatay ko, at hanggang ngayon, nandiyan 'yan. Mananatiling buhay ang agimat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro, isa ito sa maipapamana ko sa kaapu-apohan ko, at mga apo nila.

“Sinimulan ito ng tatay ko, kaya tuluy-tuloy ang adventure ng Agimat.”

Napapanood ang Agimat ng Agila tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa GMA-7.

JERRY OLEA

Reklamo ng karamihan, ang dami-daming commercials ng Agimat ng Agila.

“That’s a very good problem naman. Masama naman kung puro ka eksena, wala namang sponsors, walang commercials,” tugon ni Bong.

“Yun dapat ang ipaintindi natin sa mga viewers natin na kaya natin ginagawa yung mga mga big scenes na 'yan, because sa ating mga commercials, sa ating mga sponsors.

“Kaya nagpapasalamat ako sa ating mga sponsors, at least patuloy silang sumusuporta, ang tiwala nilang binibigay sa atin dito sa Agimat ng Agila family. All out pa rin sila, palagi tayong full load, at sobra-sobra pa.

“Thank you very much, dahil without the sponsors, hindi tayo tatagal dito.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tatlong beauty queens ang co-stars ni Bong sa season 2 ng Agimat ng Agila — sina Rabiya Mateo, Michelle Dee, at MJ Lastimosa.

Sinadya bang kunin ang tatlo dahil beauty queens sila, o talagang bagay sa kanila ang role?

“Hindi naman sinadya. It so happened na sila yung mga napili ng GMA para gumanap dun sa roles, at hindi naman tayo napahiya. Kumbaga, ang gagaling nila!” bulalas ni Bong.

Dahil waging-wagi sa ratings itong season 2 ng Agimat ng Agila, ilalatag na ba ang season 3 nito?

“Actually, pinaghahandaan na rin iyan, for the book 3, o kung ano man yung plano ng GMA for me,” nakangiting sabi ni Bong.

“Abangan na rin lang nila. Hindi pa rin naman tayo tapos. Hanggang episode 14 ito, so hanggang first week of May ba ito? Basta after this, follow-up tayo ulit! So, we have to prepare for the book 3.”

Marami ang umaasam na gawin nang Monday-Friday primetime series ang ikatlong yugto ng Agimat ng Agila!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Mahirap mag-blocktime o mag co-prod ngayon pero parang this has been the way to go sa ating industriya.

Regal’s Mano Po Legacy series, MZet’s Daddy’s Gurl, at ito ngang Agimat Ng Agila ng Imus are good examples of programs na nakaangkla sa magandang samahan ng network at individual producers.

Hanggang saan ang itatagal nito? Medyo matagal na ang relasyon ni Senator Bong at ng mga taga-GMA. Hindi nga lang sa TV kundi pati na sa pelikula.

Hindi ako magtataka kung may iba pang business ventures na mabuo maliban dito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla on continuing the Agimat legacy of his late father, Ramon Revilla Sr.: “Agimat will always be agimat. Sinimulan ito ng tatay ko, at hanggang ngayon, nandiyan 'yan. Mananatiling buhay ang agimat. Siguro, isa ito sa maipapamana ko sa kaapu-apohan ko, at mga apo nila. Sinimulan ito ng tatay ko, kaya tuluy-tuloy ang adventure ng Agimat.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results