PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buko vendor in Taytay wins car prize in Lunch Out Loud

Side car lang ang hiling, sabay nanalo siya ng jackpot prize!
by PEP Troika
Published Feb 10, 2022
Buko vendor, Lunch Out Loud, Alex Gonzaga
Nanalo ang buko vendor na si Winifredo Alvaredo Guimong (left) ng jackpot prize sa "Pera Usog" game show ng Lunch Out Loud. Kasama niya sa litrato ang Lunch Out Loud host na si Alex Gonzaga (right).
PHOTO/S: Lunch Out Loud

GORGY RULA

Isang buko vendor na taga-Taytay, Rizal ang masuwerteng nanalo ng isang bagong Suzuki car sa segment na "Pera Usog" ng Lunch Out Loud (LOL) ng TV5, noong Miyerkules, February 9, 2022.

Sobrang tuwa ng mga host ng LOL dahil, finally, napanalunan na rin ang jackpot prize na isang bagong kotse o PHP100,000.

Napakasuwerte ng buko vendor na si Winifredo Alvaredo Guimong dahil hindi raw niya alam kung paano siya makakasali sa variety-noontime show ng TV5.

Wala raw siyang cellphone at hindi pa siya gaanong marunong magsulat at magbasa.

Sa tulong ng isang kapitbahay, pinahiram si Guimong ng cellphone at tinulungan siyang makasali sa naturang game.

Ang laking tuwa niya nang tinawagan siya na isa siya sa maglalaro sa "Pera Usog."

Gusto lang naman daw ni Guimong madagdagan ang puhunan sa tinitindang buko nilang mag-asawa.

Hiling na rin niyang makabili ng sidecar para magamit sa kanyang pagtitinda.

Kaya sobrang nagpapasalamat siya nang napanalunan niya ang jackpot prize na bagong kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa lamang ito sa mga dagdag na papremyo ng LOL sa kanilang games. May bago pa raw silang segments na ideya ni Direk Bobet Vidanes na malapit na ring ilunsad.

Kaya nagtataka ang mga taga-LOL kung bakit may kumakalat pa ring tsismis na malapit nang mategi ang kanilang noontime variety show.

Mas okay na okay raw sila ngayon, lalo na’t dumadami na ang kanilang commercial loads.

Nakasanayan na rin nila ang set-up ng mga host na rotation ang schedule nina K Brosas at KC Montero. Regular namang napapanood sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, Jeff Tam, at Laboching.

Kaya sinasabi nilang maganda ang pasok ng taong 2022 sa Lunch Out Loud.

NOEL FERRER

Congratulations sa LOL!

Sana talaga, bumalik na ang sigla ng mga noontime shows dahil sila na lang talaga ang namimigay ng premyo sa mga tao to fill in their needs. Parang ayuda talaga.

Kitang-kita na nag-scale down ang lahat lalo na ngayong pandemic. Mahirap mag-live araw-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailan kaya magno-normalize na hindi ka na pa-swab nang pa-swab every time papasok ng studio? Kailan kaya magkakaroon ng live audience ulit?

Habang ang mga bansa tulad ng Sweden ay tinanggal na ang quarantine restrictions, kailan kaya tayo? Sana soon. Sana, all.

JERRY OLEA

Nag-umpisa ang national campaigns ng May 2022 elections natin noong Pebrero 8, Martes, kung saan sandamukal ang dedma sa social distancing.

Nitong Pebrero 10, Huwebes, ay 4,575 ang naitala ng DOH na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tatlong magkakasunod na araw nang below 5,000 ang nadaragdag na kaso ng coronavirus. Sana nga ay kumonti na nang kumonti ang nagkaka-COVID!

Masaya tayo na patuloy ang pag-ere ng Lunch Out Loud matapos ang unang anibersaryo nito noong Oktubre 19, 2021.

Inaasam nating tumagal pa ito sa ere, kahit magkaroon ng dagdag na kompetisyon kapag maging operational na ang Villar-owned network na nagkamit ng frequencies ng ABS-CBN.

The more noontime variety shows, the merrier! Advance Happy Valentine’s Day to one and all!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanalo ang buko vendor na si Winifredo Alvaredo Guimong (left) ng jackpot prize sa "Pera Usog" game show ng Lunch Out Loud. Kasama niya sa litrato ang Lunch Out Loud host na si Alex Gonzaga (right).
PHOTO/S: Lunch Out Loud
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results