PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame to transfer to Manny Villar-owned TV station?

Willie Revillame, iiwan na ang GMA-7 para lumipat sa TV station ni Manny Villar?
by PEP Troika
Published Feb 5, 2022
willie revillame wowowin
Gaano katotoo ang balitang lilisanin na ni Willie Revillame ang GMA Network para lumipat sa pag-aaring TV station ni Manny Villar? Kilalang malapit si Wilie sa mga Villar.
PHOTO/S: Wowowin YouTube

NOEL FERRER

Totoo kaya ang sinabi ng Queen of Feng Shui na si Marites Allen na 2022 may be a Year of Separation (of all sorts)?

Inamin na ni Barbie Imperial ang paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga.

Sweet-sweet-an pa naman sila sa promo ng pelikula nilang Dulo na nag-streaming noong Disyembre 10 sa Vivamax.

Gaano kaya ka-reliable ang nasagap nating balita tungkol sa separation sa isang network?

Totoo kayang nagpaalam na si Kuya Wil — oo, si Willie Revillame — sa GMA-7 at nakaamba na ang kanyang paglipat sa Villar-owned network?

Noon pa lang maianunsiyo ang pagkaka-award ng dating ABS-CBN frequency sa Advanced Media Broadcasting Systems owned by the Villars, agad nang naikonek ang pangalan ni Willie.

Read: Manny Villar media company acquires ABS-CBN frequencies

Kilalang malapit at kasosyo ni Willie si dating Senator Manny Villar sa kanyang show pati na sa kanyang businesses tulad ng Wil Tower.

Kung ganoon, ano na kaya ang mangyayari sa timeslot ng Wowowin sa Kapuso Network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Wowowin ay co-produced ng WBR Entertainment Productions, Inc. ni Willie at ng GMA Network.

Balitang magsisimula ang test broadcast ang Villar channel sa Pebrero 14, Lunes, at ang isa sa magiging expected flag carriers nila ay si Willie.

Ano ang masasabi ninyo rito, mga Ka-Troika?

GORGY RULA

Naku! Naku! Sabi ko na nga!

Napansin ko kasi sa Tutok to Win nung Huwebes, February 3, 202, na sinabi ni Willie na kahapon, February 4, ang huling araw nila sa kanyang resort/hotel sa Tagaytay.

Hindi lang niya idinetalye kung babalik na sila sa studio ng GMA-7. Sinabi lang siyang sana raw ay makabalik sila at tuluy-tuloy pa silang mapanood.

Lagi ring sinasabi ni Willie bago siya magpaalam na gusto niyang patuloy pa rin silang mapanood dahil ang tanging hangarin lang ng kanyang programa ay makapagbigay ng tulong sa sambayanan.

Hindi ko lang gaanong pinansin, pero tila makahulugan ang sinabi niyang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pang aabangan natin ay kung ano ang desisyon ng GMA-7 sa programa ni Willie dahil meron palang party-list na Tutok to Win. Si Sam Versoza ng Frontrow ang first nominee, at hindi ko lang tiyak kung kasama rin sa nominees si Willie.

Alam mo namang maingat ang GMA-7 pagdating sa pulitika.

Nung nakaraang birthday ni Willie ay nagbigay ng mensahe ang ilang executives ng GMA-7, kagaya nina Atty. Annette Gozon-Valdes at Mr. Philip Yalung. Ramdam mo namang kailangang-kailangan si Willie sa GMA-7.

Pawang papuri rin ang mga pahayag ni Willie sa GMA-7 dahil sa maganda ang kalagayan niya sa Kapuso network at okay naman ang ratings ng Wowowin.

Pero alam din natin kung gaano ka-close si Willie sa pamilya Villar. Kaya kung sakaling mangangailangan ang network ni Mr. Manny Villar ng mga bigating TV personalities, tiyak na nangunguna sa listahan si Willie.

Kaya abang-abang na lang tayo sa mga susunod na magaganap, dahil marami talaga ang curious kung ano ang aasahan natin sa AMBS Network sa Channel 2.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Umalis man si Willie sa GMA-7, may mailalagay agad na programa sa timeslot ng kanyang programa.

Noong 2021 ay namayagpag nang bonggang-bongga ang TV ratings ng GMA-7, at pumangalawa ang kapatid nilang network na GTV.

Di ba, usap-usapan na sa dami ng patalastas na pumapasok sa GMA-7, pinalakas nila ang line-up ng GTV upang mailagay roon ang sobra nila sa commercial load?

Game changer ang pag-uumpisa ng Villar-owned network, at naulinigan nating ipapalabas dito ang ibang Kapamilya shows. Happy days are here again na ba para sa mga Kapamilya?!

Take note na noong Pebrero 1 at 2, Martes at Miyerkules, ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin ang nangunang primetime TV series. Ayon mismo iyan sa AGB Nielsen NUTAM Ratings.

However, mag-uumpisa na sa Pebrero 14, Lunes, ang First Lady nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Ikalawang yugto ito ng First Yaya, ang pinakamalakas na primetime series ng nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tutukan natin ang kahihinatnan ni Cardo Dalisay kontra sa tandem nina President Glenn & Melody Acosta!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gaano katotoo ang balitang lilisanin na ni Willie Revillame ang GMA Network para lumipat sa pag-aaring TV station ni Manny Villar? Kilalang malapit si Wilie sa mga Villar.
PHOTO/S: Wowowin YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results