PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Gay staff caught kissing hunk mestizo actor's jacket

Gay staff ng isang show, lalong nainlab sa mestisong hunk actor dahil sa jacket.
by PEP Troika
Published Feb 4, 2022
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Gustong sabunutan, sampalin, at ibalibag ng ilang bading na staff ng isang daily TV show ang kasamahan nilang bading din dahil sa sobrang inggit.

Parang sa Wowowin lang na "bigyan ng jacket 'yan!" ang nangyari sa bading na staff nang mag-guest ang isang mestisong hunk actor.

May isang segment sa naturang show kung saan kasali si mestisong hunk sa isang fun game. Hinubad ni mestisong hunk ang suot na jacket para kumportable siya sa paglalaro.

Ipinakiusap ni mestisong hunk sa bading na staff kung puwedeng pakihawak muna ang kanyang jacket. Tuwang-tuwa naman si bading na staff dahil matagal na pala siyang may pagnanasa kay hunk actor.

May kabataan pa si mestisong hunk na aktor. Sariwa, as in sariwa pa sa showbiz.

Wala naman sigurong malisya pero may pagka-flirt ang dating ni mestisong hunk actor dahil siguro bagets pa ito at masayahin lang. Malabnaw pa ang kaalaman sa kamunduhan, at siguro nami-misinterpret lang ang pagiging magiliw nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang hawak-hawak ni bading na staff ang jacket ni mestisong hunk, nakatuwaan niyang amoy-amuyin iyon. Hindi lang once, twice, thrice, dahil nababanguhan siya sa jacket ni mestisong hunk.

Hindi niya alam, nakita ito ni mestisong hunk actor.

Pagkatapos ng taping, ibinalik na ni bading na staff ang jacket. Napangiti si mestisong hunk actor.

Tinanong ng mestisong hunk actor si bading na staff kung mabango ba. Hindi nakasagot si bading na staff. Hiyang-hiya siya.

Pero muntik na siyang hinimatay nang hinalikan ni mestisong hunk actor ang jacket at ibinigay ito sa bading na staff.

“Huwag mong labhan, ha?” sabi ni mestisong hunk actor kay bading na staff. Natulala si bading at parang hiyang-hiya itong nagpasalamat.

Next taping, ang ganda pa rin ng ngiti ni bading na staff. Tsika niya sa mga kasamahan, katabi niyang matulog ang mabangong jacket.

Dahil diyan, lalong na-in love kay mestisong hunk actor ang kabadingang nakakaalam ng kuwentong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon pa lamang inilunsad si mestisong hunk actor sa isang drama series. Pero ang lakas ng dating dahil sa ganda ng katawan at angking kakisigan.

Kapangalan niya ang isang superhero ng DC comics na gustung-gusto nating panoorin sa pelikula.

JERRY OLEA

Sariwang-sariwa ang mestisong hunk actor, na sa pangalan pa lang ay mahihinuha mo nang may dugong-banyaga.

Naku! Ano kaya kung used underwear pa ang ibigay ni mestisong hunk actor sa bading na staff, hindi kaya himatayin ito?

And if ever… baka ang mga ‘terang kasamahan ni bading na staff, kaladkarin siya at ihulog mula sa rooftop!

NOEL FERRER

Kamukha siya ng isang aktor na ex ni Sunshine Dizon.

Sana pagpatuloy ni mestisong hunk actor ang pagiging mabait. Tapos, asikasuhin din niya ang pagiging magaling sa pinasok niyang karera.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results