PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards sizzles in topless photos

Pati celebrities, napa-react sa pa-abs ng Kapuso actor.
by PEP Troika
Published Feb 3, 2022
alden richards topless
Pasabog ang topless photos ng Kapuso actor na si Alden Richards na kuha ni Mark Nicdao. Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, para ito sa isang upcoming endorsement ni Alden.
PHOTO/S: Mark Nicdao

JERRY OLEA

Hot na hot ang topless photos ni Alden Richards na pinost niya sa Instagram ngayong Pebrero 3, 2022, Huwebes.

Ang komento ng Kapuso Little Princess na si Jo Berry sa pa-abs ni Alden ay dalawang emoji — raging flame at red heart.

Ang mga litrato ay kuha ng bantog na photographer na si Mark Nicdao.

Ipinost kapagkuwan ni Mark sa kanyang IG account ang topless pix ng 30-anyos na Asia’s Multimedia Star.

“Mr. Richards 2022” ang caption ni Mark, to which Alden commented, “Master!!” na may praying emoji.

Kabilang si Iza Calzado sa mga nag-like sa nasabing IG post ni Mark.

Maliban sa B&W, ginamit ang mga kulay na pula, luntian at bughaw sa pictures at ang pahiwatig, “Kapamilya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Pasabog nga ang pictorial na ito ni Alden.

Apat na oras pa lamang niya ito nai-post sa kanyang Instagram account ay 54,000+ na ang nag-like at mahigit isang libo na ang nag-comment.

Nagtanung-tanong ako sa ilang sources kung para saan ang pictorial na yun na kuha ni Mark Nicdao. Ayon sa ilang sources, para raw iyon sa isang bagong endorsement ni Alden na malapit nang i-launch.

Ang ganda nga naman na nagpasiklab muna siya sa Instagram account niya bago i-launch ang naturang endorsement.

Ayaw sabihin sa akin ng aking source kung anong klase ng produkto iyon dahil tiyak na mahuhulaan na raw kung ano yung brand. Malamang na meron silang non-disclosure agreement kaya nag-iingat lang.

Nung ginagawa pa lang ni Alden ang Kapuso primetime series na The World Between Us, talagang pinangalagaan na niya ang kanyang katawan.

Nagbago si Alden ng lifestyle, at pati sa diet ay nagpalit na siya. Itinuluy-tuloy na niya ito at na-achieve naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya abangan na lang kung ano itong ilu-launch na bagong endorsement ng Asia’s Multimedia Star.

NOEL FERRER

Aminin natin, lalo pang pagnanasaan si Alden ng mga babae at bading dahil sa pictorial na ito.

Ine-enjoy talaga ni Alden ang phase ng career niya na ganito. It’s the very career path na Piolo Pascual took during his heydays. Not John Lloyd Cruz.

We’ll see more of Alden, I’m sure.

And like Piolo, whose turning point was a role in Dekada ‘70 (2002), makahanap din sana si Alden ng ganun kasingkahalagang pelikula na maganda — hindi lang sa filmography kundi may significant contribution sa Philippine cinema.

For now, commercials muna. Congrats, Alden and your team!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasabog ang topless photos ng Kapuso actor na si Alden Richards na kuha ni Mark Nicdao. Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, para ito sa isang upcoming endorsement ni Alden.
PHOTO/S: Mark Nicdao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results