PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessica Soho, Boy Abunda presidential interviews become hot topic

Boy Abunda, hindi na raw sasagot sa mga batikos sa kanya.
by PEP Troika
Published Jan 29, 2022
presidential interviews 2022
Usap-usapan nitong mga nakaraang linggo ang isinagawang presidential interviews ng veteran broadcaster na si Jessica Soho (below, left) at ng veteran host na si Boy Abunda (below, right) sa presidential candidates na sina (top, L-R) Ping Lacson, Bongbong Marcos, Isko Moreno, Manny Pacquiao, at Leni Robredo.
PHOTO/S: GMA-7 / Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Pinag-usapan ang The Jessica Soho Presidential Interviews bago at matapos ipalabas noong Enero 22, Sabado ng 6:15 p.m., sa GMA 7.

Sa limang nangungunang presidential aspirants, apat lang ang nakipagtalastasan kay Jessica — sina Leni Robredo, Isko Moreno, Manny Pacquiao, at Ping Lacson.

Tumanggi si Bongbong Marcos dahil biased daw si Jessica. Siyempre, kaagad ipinagtanggol ng GMA si Jessica sa nasabing paratang.

Read: GMA-7 may sagot sa "biased against Marcoses" remark ng Bongbong Marcos camp kay Jessica Soho

Tweet ni Ping Lacson: “Jessica Soho, biased? I was asked very hostile questions like my role during martial law, why I evaded arrest in 2010, my co-authorhip and sponsorship of the Anti-Terror Law, human rights issues and other hard questions. I don’t think so. Like any journalist, trabaho niya yun.”

Sa TV5, sinabi kapagkuwan ni Bongbong Marcos na ang pakahulugan niya sa biased ay “anti-Marcos.”

Nag-simulcast ang The Jessica Soho Presidential Interviews sa GMA Pinoy TV, DZBB 594 Super Radyo, at Radio GMA. Nag-streaming din ito sa GMA News Online, maging sa YouTube channel, Twitter, at TikTok account ng GMA Public Affairs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As we write this, umabot na sa 7.1M views ang The Jessica Soho Presidential Interviews (2:25:20) sa YouTube mula noong Enero 22.

Ikinukumpara ang views nito sa views ng The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda, na nag-streaming mula Enero 24 hanggang 28, Lunes hanggang Biyernes ng 6:00 p.m., sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube. Ipinalabas din iyon gabi-gabi ng 11:00 p.m. sa Kapamilya Channel.

Nainterbyu ni Tito Boy ang Top 5 presidential aspirants — kabilang si Bongbong. Pinag-usapan din siyempre ang mga ito.

Enero 24, Lunes, ang panayam kay Ping Lacson (1:09:45), na naka-4.4M views na.

Enero 25, Martes, ang interbyu kay Bongbong Marcos (1:10:48), na naka-9.5M views na.

Enero 26, Miyerkules, ang panayam kay Leni Robredo (1:13:35), na naka-5.3M views na.

Enero 27, Huwebes, ang interbyu kay Isko Moreno (1:12:10), na naka-2.7M views na.

At Enero 28, Biyernes ang panayam kay Manny Pacquiao (1:13:24), na naka-1.9M views na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, madadagdagan pa ang YouTube views na mga ito habang tumatagal.

Kontrobersiyal ang pagpuna ng kakampink na si Rita Avila sa panayam ni Kuya Boy kay VP Leni. Andaming memes na bida si Kuya Boy!

Read: Rita Avila to Boy Abunda on his interview with VP Leni Robredo: "Parang ayaw mo na pasagutin."

Mapapanood ang ilan pang presidential interview special sa darating na Enero 30 at Pebrero 6, Linggo, 11:00 p.m., sa Kapamilya Channel.

NOEL FERRER

Siyempre, napanood natin at sinuportahan ang efforts na magpapakilala sa mga kandidato nang maayos sa sambayanan bago ang halalan.

Nakakalungkot ang mga balitang after the interviews, si Jessica ay heavily trolled ng Marcos Jr. supporters.

Samantalang si Tito Boy naman ay gamit na gamit ng mga Marcos Jr. loyalist din even using his image sa mga artcard.

After their interviews, sila naman ang gusto kong mainterbyu—at pag-usapan ang proseso na kanilang pinagdaanan.

Sa darating na KBP Presidential interviews with Rico Hizon and Karen Davila, hindi pa rin daw nagko-confirm si Bongbong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

abs-cbn presidential forum

Sana, talaga kumpleto sila sa lahat ng ganitong public forum. The candidates owe it to their public and voters na sumailalim sila sa ganitong proseso. We deserve no less!

GORGY RULA

Pagkatapos ng comprehensive interview ni Jessica Soho sa apat na presidentiables, at ang pag-snub ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., nabaling ang atensiyon sa interview ni Boy Abunda sa limang presidentiables.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maiwasang pagkumparahin sina Ma'am Jessica at Kuya Boy na hindi na dapat.

Nagkausap kami ni Kuya Boy tungkol sa mga isyung pinag-usapan gawa ng one-on-one interviews niya, pero ipinakiusap niyang huwag na lang isulat.

Tinawagan lang daw niya ang ilang kaibigan para magkaroon ng linaw at maipaliwanag niya ang buong pangyayari. Kaya nga kinausap ni Kuya Boy ang isa sa mga kaibigan niyang si Rita Avila, at tingin ko nagkaliwanagan naman.

Ewan ko lang kung magsasalita pa si Kuya Boy kaugnay sa isyung ito dahil naipalabas na ang lahat niyang interviews.

Pero itong interview sa mga presidentiable ang isa sa tinutukan ngayong linggo. Meron ding "Bakit Ikaw? The Presidential Job Interview" ng Manila Broadcasting Company’s DZRH at ng Manila Times, kung saan naisalang na rin sina Bongbong Marcos, Ping Lacson, at ngayong alas-kuwatro ng hapon, si Manny Pacquaio naman. Sila lang ang pumatol sa iba pang presidentiables na sina Ka Leody de Guzman at Norberto Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa February 2 ang schedule ni VP Leni Robredo sa naturang radio and TV network.

bakit ikaw presidential forum

Si Bongbong naman ay sinisikap ding makapanayam ng GMA-7 para sa DZBB pero hindi pa sila nagkakasundo sa schedule. Pero magpapa-interview raw siya sa Kapuso network.

Samantala, para sa mga hindi pa nakapanood sa The Jessica Soho Presidential Interviews sa GMA-7 nung nakaraang Sabado, muli itong mapapanood sa GTV ngayong 7:05 ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Usap-usapan nitong mga nakaraang linggo ang isinagawang presidential interviews ng veteran broadcaster na si Jessica Soho (below, left) at ng veteran host na si Boy Abunda (below, right) sa presidential candidates na sina (top, L-R) Ping Lacson, Bongbong Marcos, Isko Moreno, Manny Pacquiao, at Leni Robredo.
PHOTO/S: GMA-7 / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results