PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruffa Gutierrez reenacts GMA Supershow dance number in It's Showtime

Ruffa Gutierrez, kumasa sa hamon ni Vice Ganda na humataw sa It's Showtime.
by PEP Troika
Published Jan 28, 2022
Ruffa Gutierrez, It's Showtime, GMA Supershow
Ruffa Gutierrez, kumasa sa hamon ni Vice Ganda na mag-impromptu dance number sa It's Showtime. Walang arte si Ruffa at game na nagpabuhat kina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Ryan Bang, Ion Perez, at Elmo Magalona.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / Twitter (inset)

JERRY OLEA

Trending ang pagsasayaw ni Ruffa Gutierrez noong Enero 26, 2022, Miyerkules, sa It’s Showtime.

Ni-reenact niya ang dance number niya noong 1992 sa GMA Supershow, ang musical-variety show ng GMA-7 mula 1984 hanggang 1997.

Ruffa Gutierrez, It's Showtime

Walang takot si Ruffa kesehodang may mga lifting ang production number. Binuhat si Ruffa ng mga kasamahan niya sa It’s Showtime, kabilang si Ogie Alcasid na halatang nahirapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ruffa Gutierrez, It's Showtime

Hirit ni Vice Ganda, mahina ang tuhod ni Ogie. Biro ni Ruffa, "Alam mo, Ogie, ang dami mong naging girlfriend na matatangkad, hindi mo kayang buhatin!"

Sumakit ba ang mga braso at kasu-kasuan ni Ruffa matapos siyang magpabuhat?

"Of course not. I’m physically fit," sambit ni Ruffa.

Ruffa Gutierrez, It's Showtime

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil patok ang paghataw ni Ruffa, hinamon siya ni Vice na mag-dance number uli this Saturday, January 29, sa It’s Showtime—with all the lifting, balibagan, and bardagulan. Kumasa naman agad si Ruffa.

Game! Aligaga at stressed tuloy si Ruffa sa kare-rehearse nitong Enero 28, Biyernes. Walang balak si Ruffa na agawin kay Kim Chiu ang pagiging dance royalty ng ASAP Natin ‘To.

Bilang isa sa mga hurado ng "Sexy Babe," nagpaka-professional lang si Ruffa at nais patunayan na kering-keri pa niyang humarot habang humahataw sa entablado!

Ruffa Gutierrez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Mabuti ang It’s Showtime at nakakapag-live na kahit nandiyan pa rin ang pangamba sa pagkalat ng Omicron variant.

Ang Lunch Out Loud ay nagsimula na ring mag-taping ng mga bagong episodes nung nakaraang linggo. Marami rin daw sa kanila ang nag-positive sa COVID-19, pero okay na sila ngayon at back to work na sila.

Bagong episodes na ang napapanood sa noontime show na ito ng TV5.

As of now, pawang replay pa rin ang Eat Bulaga dahil nag-iingat pa rin talaga sila. Pero inaayos na rin daw ang pagbabalik nila sa live at magte-tape ng mga bagong episodes.

Baka sa February ay okay na sila at, hopefully, normal na rin ang ibang mga programang mapapanood natin sa telebisyon.

Samantala, kuwela rin ‘yan pag mag-showdown sina Ruffa at Vice Ganda. Pero sana, yung todong hataw sa sayawan, hindi idaan sa pa-lifting lifting.

Masaya naman ang samahan nila, at tapos na siguro dun sa isyung pasabog ni Manay Lolit Solis na may power tripping na nagaganap. Ang mahalaga ay masaya sila, na nakikita naman ng mga supporters nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang hirap talagang kumita ng pera ngayon, di ba?

Ang ganda lang at game na game sina Ruffa at Vice para magbigay ng buwis-buhay na aliw para sa kanilang mga tagasubaybay.

Doble, triple, at marami pang effort talaga ngayon para lang makuha ang interes ng mga viewers.

Sana nga, itong mga gimik ng mga shows will bring back yung sigla ng ratings sa free TV na nabawasan talaga lalo na ngayong pandemic.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez, kumasa sa hamon ni Vice Ganda na mag-impromptu dance number sa It's Showtime. Walang arte si Ruffa at game na nagpabuhat kina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Ryan Bang, Ion Perez, at Elmo Magalona.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / Twitter (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results