PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelley Day camp on Kapuso actress being linked to married men

Kelley Day, babalik na ng Pilipinas para patunayang di siya nagtatago.
by PEP Troika
Published Jan 27, 2022
kelley day third-party rumor
Ayon sa kampo ng actress-beauty queen na si Kelley Day, nagulat ito nang madawit ang pangalan niya sa napapabalitang hiwalayan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.
PHOTO/S: @itskelleyday on Instagram

GORGY RULA

Bandang first week of February ay babalik na sa Pilipinas ang beauty queen at Kapuso actress na si Kelley Day, na kasalukuyang nasa London.

Tiniyak ito sa amin ng ilang taong malapit sa dalaga upang mapatunayang hindi siya buntis at nagtatago sa London. Kaya raw umuwi ng London si Kelley dahil dumalo siya sa libing ng pumanaw niyang lola.

Nagulat na lang daw si Kelley na idinadawit siya sa isyung diumano’y hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Sinagot na ito ni Kelley sa kanyang Instagram account, pero ang dami pa rin daw nangungulit sa kanya at sa kampo ng aktres kung totoo iyon o hindi.

Read: Kelley Day denies being third party in Tom Rodriguez-Carla Abellana rumored breakup

Nagsimula ito sa pa-blind item na kuwento ni Tita Cristy Fermin sa radio program nila ni Rommel Chika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi ni Tita Cristy, may nag-text sa kanyang si Kelley ang itinuturong third party. Bagamat pa-blind item niya ito sinabi, giveaway ang clues na ibinigay ng veteran columnist-radio host.

Sabi ng kampo ni Kelley, hindi na ito papatulan ng aktres dahil hindi naman totoo. Nagtataka lang daw sila kung bakit laging nali-link si Kelley sa mga lalaking may sabit.

Minsan na siyang na-link noon sa isang aktor na kaagad din niyang itinanggi dahil aware siyang may asawa’t anak ito. Iniiwasan niyang pag-usapan iyon, dahil ayaw na niyang lumaki ang isyu at nakakahiya raw sa pamilya ng aktor.

NOEL FERRER

At hindi ba, may boyfriend diumano si Kelley Day?

Bakit nadadalas ang pagkaka-link niya sa ibang mga lalaki, at napag-uusapan tuloy siya ng mga kasama sa produksiyon? At kailangan niya talagang maglabas ng statement tungkol sa napapabalitang diumano’y hiwalayan?

Is Kelley Day relevant? Will we give her our time of day?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Mga ‘dong at mga ‘day, may “K” si Kelley na magpaliwanag kung ikinakabit siya sa mga isyung kaliwaan. Sa huli’t huli’y mahuhuli ang nagsasabi ng totoo.

Meron pa kayang ibang Kapuso actress ang sasakay o madadamay sa isyu nina Tom at Carla? That will be the day?!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa kampo ng actress-beauty queen na si Kelley Day, nagulat ito nang madawit ang pangalan niya sa napapabalitang hiwalayan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.
PHOTO/S: @itskelleyday on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results