PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN Foundation ffundraising activities for Odette victims

Halos P92 million na ang nalilikom ng ABS-CBN Foundation para sa Odette victims.
by PEP Troika
Published Jan 27, 2022
truth or dare abs-cbn foundation
Tampok ang ilang Kapamilya actors sa “Truth or Dare: A Benefit Interactive Show” (Enero 19-28) na mapapanood pa rin sa FYE Channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel, at iWantTFC. Ito ay kaugnay ng isinasagawang fundraising activity ng ABS-CBN Foundation para sa mga biktima ng bagyong Odette.
PHOTO/S: ABS-CBN Foundation

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang fundraising activities at relief operations ng ABS-CBN Foundation para sa survivors ng bagyong Odette, na karamihan ay nananatili sa evacuation centers.

Ito ay sa ilalim ng kampanyang “Tulong-Tulong sa Pag-Ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan.”

Nakalikom ng P5.18M ang sampung gabi ng By Request: A Benefit Concert (Enero 9-18) sa FYE Channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel, at iWant TFC.

Nag-concert ang ASAP Natin ‘To family kabilang sina Regine Velasquez-Alcasid; Kyle Echarri; Ogie Alcasid; KD Estrada at Alexa Ilacad; Jed Madela; Gigi De Lana at GG Vibes Band; Moira de la Torre kasama sina Jason Marvin at I Belong to the Zoo; Darren Espanto; Erik Santos; at sina Kiana Valenciano at Gary Valenciano.

Ikinakasa na ang part 2 ng benefit concert series na ito.

by request abs-cbn foundation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pangalawang payanig para makalikom ng pondo ay ang “Truth or Dare: A Benefit Interactive Show” (Enero 19-28) na mapapanood pa rin sa FYE Channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel, at iWantTFC.

Itinampok dito ang Kapamilya actors na sina Joshua Garcia, Jeremiah Lisbo, Anthony Jennings, Aljon Mendoza, JC Alcantara, JC de Vera, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Hyubs Azarcon, L.A. Tenorio, Seth Fedelin, Jeremy Glinoga, Joao Constancia, Jameson Blake, Jake Cuenca, Gerald Anderson, BGYO, Carlo Aquino, Nikko Natividad, at Jerome Ponce.

Naka-lineup dito ngayong Enero 27, Huwebes ng 8:00 p.m., sina Edward Barber at Robi Domingo, with Alora Sasam and Melai Cantiveros as hosts. Pam-finale bukas si Luis Manzano.

truth or dare abs-cbn foundation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Online selling naman ang gagawin ng housemates ng PBB Kumunity Season 10 mula Enero 29, Sabado, hanggang Pebrero 7, Lunes, tuwing 8:00 p.m. sa @PBBKumuRoom sa Kumu, ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ABS-CBN Facebook page, iWantTFC, at SKYcable HD Ch. 955 at SD Ch. 155.

As of January 25, nakapaghatid na ng ayuda ang ABS-CBN Foundation sa 141,634 na pamilya o 708,170 na Pilipinong naapektuhan ng bagyo sa iba’t ibang lugar sa Palawan, Visayas, at Mindanao.

Sa kabuuan, umabot na sa P75,944,000 ang cash donation na natanggap ng ABS-CBN Foundation noong Enero 25, habang nagkakahalaga ng P15,687,000 ang in kind donations tulad ng bigas, de lata, tubig, hygiene kits, at kumot.

Maaari ring makatulong sa pag-avail ng Tulong Bag donation vouchers sa Lazada at Shopee na may katumbas na food pack (bigas at canned goods) para sa isang indibidwal o isang pamilya.

abs-cbn foundation typhoon odette victims

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Sa gitna ng takot sa patuloy na pagkalat ng Omicron variant, at sa pagkilatis sa mga presidentiable, nakakatuwang merong hindi nagpapabaya at hindi nakakalimutan ang mga kababayan natin sa ilang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao na sinalanta ng super typhoon Odette.

Nung nakaraang linggo ay nakita ko sa Facebook live ni Senator Bong Revilla na dinalaw niya ang mga taga-Siargao at Dinagat Islands. Nadaanan niya ang ibang kalye sa Siargao kung saan sa tent pansamantalang nakatira ang ilang pamilya roon.

Nung December 2021 pa ang bagyo at hanggang ngayon ay marami pa ring naghihintay ng tulong mula sa gobyerno.

Nagdala roon si Senator Bong ng sampung libong UPVC roof and various roofing panels para magamit sa ipinapatayo nilang bahay. Nagdala rin siya ng mga food packs na kinulang pa raw sa mga dapat na bibigyan sa Siargao at Dinagat.

Nangako ang actor-politician na pagkatapos ng taping sa Agimat ng Agila ay magsisimula siyang mag-ipon ng roofing materials at food packs para dalhin uli roon. Mabuti at marami pa rin daw ang willing tumulong at magbigay ng kanilang ambag sa mga dadalhing tulong doon ng senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito nakikita ang isang magandang ugali ng mga Pinoy na pagdating sa ganitong kalamidad, meron at meron talaga silang naidudukot para tumulong.

Pinakinggan at tinandaan ko ang sagot ng mga tumatakbong presidente kung ano ang dapat nilang gawin pagdating sa disaster relief, kapag may dumating na naman na bagong kalamidad.

Sana gawin at masunod ang mga ipinangako ng kung sinumang manalong pangulo ng bansa.

NOEL FERRER

Namamangha lang ako na kahit alam nating nag-sink in na sa ating mga Pinoy ang hirap ng buhay ay patuloy pa rin ang spirit ng bayanihan sa ating lahat.

Lahat naman tayo ay nagsasakripisyo, pero laking pasasalamat natin na sa kabila ng paghihirap ngayon ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang tumutulong sa mga kapatid nating hikahos at naghihirap.

Iyan ang ating spirit ng Bayanihan. Ke kapamilya, kapuso, kapatid, dabarkads o anuman, Pilipino tayo at dapat magtulungan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok ang ilang Kapamilya actors sa “Truth or Dare: A Benefit Interactive Show” (Enero 19-28) na mapapanood pa rin sa FYE Channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel, at iWantTFC. Ito ay kaugnay ng isinasagawang fundraising activity ng ABS-CBN Foundation para sa mga biktima ng bagyong Odette.
PHOTO/S: ABS-CBN Foundation
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results