PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rico Gutierrez wants to direct Bong Revilla in a film

Bong Revilla, gusto ring gumawa ng pelikulang pangsinehan.
by PEP Troika
Published Jan 25, 2022
rico gutierrez bong revilla agimat ng agila
Direk Rico Gutierrez: "I think, madami pa kaming puwedeng gawin kung gagawa kami ng pelikula. May mga baon pa si Senator Bong na puwedeng ilagay doon."
PHOTO/S: Twitter / GMA Network

GORGY RULA

Itinodo na nina Direk Rico Gutierrez at Senator Bong Revilla ang mga maaaksyong eksena sa book two ng Agimat ng Agila, na magsisimula na sa Sabado, January 29, 2022, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento.

Pero sinasabi noon pa ni Direk Rico na gusto pa rin niyang idirek sa pelikula si Senator Bong at marami pa raw silang puwedeng gawin sakaling magmu-movie na sila.

“Very hands on kasi si Senator Bong, e. Alam niya talaga yung gusto niyang mangyari sa bawat eksena. Saka sa mga actors na mga kasama niya, talagang tinuturuan niya.

“So, even sa mga shots ko, sinasabi niya na, ‘Direk, what do you think kung may insert tayo ng ganito?’ Yung talagang collaborative lahat kami dito sa Agimat ng Agila.

"I think, madami pa kaming puwedeng gawin kung gagawa kami ng pelikula. May mga baon pa si Senator Bong na puwedeng ilagay doon,” pahayag ni Direk Rico sa nakaraang virtual mediacon ng Agimat ng Agila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalulungkot lang si Senator Bong dahil hanggang ngayon ay mahirap pa rin talaga magpalabas ng pelikula sa mga sinehan, dahil sa sitwasyon natin ngayon dala ng pandemya.

Tantiya raw niya, mga two years pa ang hihintayin bago mabalik sa normal ang panonood natin ng sine. Pero iniisip na rin daw niyang mag-shoot ng pelikula, at itabi na lang muna at hintaying okay na okay na sa mga sinehan saka ipalalabas.

“Gusto ko nang gumawa. I might do Alyas Pogi. Gagawa ako, kahit itabi lang muna natin. Hindi muna ipalalabas, hintay tayo ng right timing.

“I wanna do something big talaga na pang-theater, pansinehan, para makapanood uli ng malaking pelikula,” saad ni Senator Bong.

Gusto raw sana niyang mabalik ang dating ginagawa natin na ang panonood ng sine ang madalas na bonding ng ating pamilya.

“The way I look at it, iba talaga kapag na-experience nila sa sine. Kasi, pag pinapanood mo, dire-diretso, ‘no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Although, nandiyan na rin yung mga Netflix… pero iba pa rin yung experience sa sinehan pag nanood ka.

“Yung lalabas kayo ng pamilya nyo, kakain kayo, tapos manood ng sine. Iba yung experience na ganun,” sabi pa niya.

JERRY OLEA

Subok na ang tandem ni Senator Bong with Direk Rico. Swak ang kanilang mga collab. Kaya excited tayo sa second season ng Agimat ng Agila!

Batid nating may gagawin na sanang pelikula noon si Senator Bong. Naudlot iyon dahil sa pandemya.

Andami nang pelikulang natapos na naghihintay ng magandang playdate sa sinehan, at sa pagbabalik ng moviegoers.

NOEL FERRER

Dapat talaga, EVENT MOVIE ang gagawin para it can drive people back to the theaters.

With the restrictions now at over 20,000 pang new cases daily, baka kailangang maghintay pa si Senator Bong until mag-ease ng restrictions sa mga shoot bago siya gumawa ng pelikula.

Nakaka-miss din talagang manood ng sine, but between health of your family and leisure, alam na natin ang priyoridad ng ating mga kababayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Still and all, aasahan pa rin natin ang outputs ni Senator Bong mapa-TV man o pelikula.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Rico Gutierrez: "I think, madami pa kaming puwedeng gawin kung gagawa kami ng pelikula. May mga baon pa si Senator Bong na puwedeng ilagay doon."
PHOTO/S: Twitter / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results