PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo, lucky charm Bong Revilla Book 2 ng Agimat ng Agila

Rabiya Mateo, leading lady ni Bong Revilla sa Agimat ng Agila Book 2
by PEP Troika
Published Jan 23, 2022
Bong Revilla
Rabiya Mateo
Maging lucky charm din kaya ni Senator Bong Revilla (left) si Rabiya Mateo (right) sa Book 2 ng Agimat ng Agila, gaya ng nagawa nina Sheryl Cruz at Sanya Lopez sa naunang season nito? (Screen Grab by Mario Bautista from Agimat ng Agila Press Conference)

GORGY RULA

Malaki ang pasasalamat ni Sen. Bong Revilla at ng buong team ng Agimat ng Agila na napaka-supportive ni Sanya Lopez sa Book Two ng action-fantasy series na ito ng GMA-7.

Bong Revilla

Kahit si Rabiya Mateo na ang leading lady ngayon ni Sen. Bong, nandiyan pa rin si Sanya bilang si Maya na may mahalagang role pa rin sa bagong seryeng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ni Sanya, masaya na siya na naging bahagi pa rin siya ng Agimat ng Agila dahil gusto talaga niyang gawin.

Sana nga raw, sa mga susunod pang Book 3 o Book 4 ay kasali pa rin siya, dahil may pasabog pa rin ang role niya rito bilang si Maya.

Pero ang isa sa ikinatuwa ni Sanya ay kasama si Rabiya na gustung-gusto rin niyang makatrabaho.

Marami kasi ang nagsasabing magkamukha sila, kaya sana’y mabigyan daw sila ng project na talagang sa kanilang dalawa ang kuwento.

Ganundin ang wish ni Rabiya dahil napakabait daw ni Sanya sa kanya.

Sanya Lopez
Rabiya Mateo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, grateful po talaga ako pag may nagsasabi na magkamukha kami.

“Siyempre po, Sanya Lopez iyan. Big star ng GMA and from the first time we saw each other, during the dinner, she was so kind to me,” pakli ni Rabiya sa nakaraang virtual mediacon ng Agimat ng Agila na magsisimula na sa January 29.

Agimat ng Agila Book 2 Zoom Press Conference

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Agimat ng Agila

Sinundan na rin namin ng tanong si Sanya kung nagbibigay ba siya ng payo kay Rabiya kung paano i-handle ang trabaho, lalo na kung may lovelife ka.

Si Sanya kasi ay mukhang sa trabaho talaga naka-focus at isinantabi muna ang makipag-date o mag-entertain ng mga manliligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naku! As long as hindi naman nakakahadlang yung lovelife niya, yung relationship niya dun sa career niya… kasi minsan nakakatulong naman yung alam mong merong inspirasyon ka habang nagtatrabaho ka.

“So, kung makakatulong yun para sa kanya, e di go niya lang. Basta yung work, andiyan yun, galingan niya lang.

“Give your best all the time,” napapangiting pahayag ni Rabiya.

Halatang hindi pa kumportable si Rabiya na pag-usapan ang lovelife at kung ano talaga ang namamagitan sa kanila nI Jeric Gonzales, kaya tinanong na rin namin kung ano ang mas bibigyan niya ng priority, ang career niya o ang lovelife.

“Career po talaga yung focus. Opo naman,” matipid na sagot ng Miss Universe Philippines 2020.

NOEL FERRER

Natuwa raw ang buong pamilya ni Rabiya sa Iloilo dahil ito na agad ang first project niya sa GMA-7.

Sabi raw ng Mama niya, baka raw kamag-anak pa niya si Sen. Bong.

“Sinusuportahan din po ng local government unit namin yung project, lahat ng promotion ng Agimat ng Agila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung Mama ko, sabi niya sa akin, ‘Galingan mo, anak, kasi ang mga kasama mo, hindi biro.’

“Sabi niya rin, ‘Baka tito mo pa si Sen. Bong…’ kasi ang last name po I think ng lola ko was Bautista.

“So, my mom is trying to connect everything na baka tito ko po siya.”

So, hindi na lang ito guesting—talagang welcome bilang Kapuso si Rabiya!

JERRY OLEA

Lucky charm ni Sen. Bong sina Sheryl Cruz at Sanya Lopez sa Season 1 ng Agimat ng Agila.

Nawa’y suwerte rin ang hatid ni Rabiya sa second season ng Kapuso action-fantasy series, maging sa career ni Jeric Gonzales na ilulunsad sa pelikulang Broken Blooms!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maging lucky charm din kaya ni Senator Bong Revilla (left) si Rabiya Mateo (right) sa Book 2 ng Agimat ng Agila, gaya ng nagawa nina Sheryl Cruz at Sanya Lopez sa naunang season nito? (Screen Grab by Mario Bautista from Agimat ng Agila Press Conference)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results