GORGY RULA
Sinagot na ni Ellen Adarna kung may prenup agreement sila ni Derek Ramsay.
Dati na itong tinatanong sa kanila, pero di nila pinapansin.
Sa nakaraang interviews namin kay Derek ay hindi rin niya diretsahang sinagot. Pero base sa mga dati pa niyang pahayag, tila wala silang ganung agreement ni Ellen.
Ganito rin ang sagot ni Ellen nang sa wakas ay pinatulan niya ang mga nagtatanong sa kanyang Instagram account.
Sabi ng aktres: “So many people asked me and Derek this, and this is a very personal question.
“So, let’s put it this way. Dili ko lugi ni Derek o si Derek di sa lugi nako. So, patas ang show.”
Bilang Bisaya, ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Ellen, hindi siya lugi kay Derek at ganundin si Derek sa kanya. Pareho silang mayaman, kaya patas lang.
Related Story: Ellen Adarna answers question about prenup with husband Derek Ramsay
Sa mga pahayag ni Derek sa nakaraang interview sa kanya sa DZRH, hindi rin isyu sa kanila ang prenup agreement. Ang mahalaga ay masaya sila sa kanilang pagsasama.
Sabi ni Derek, "Para sa akin, the relationship is so perfect. Sulit talaga yung patience, yung paghihintay to find the right one, and binless talaga ako ni Lord to find Ellen.
“Sobrang swak kami, e… talagang in every aspect. Yung personality namin, yung likes and dislikes, yung kung paano lang kami magsama. Yung pag nag-uusap, nagkukuwentuhan... in every aspect of married life.
“Whether it’s the communication, whether it’s paglalambing, halikan, yakapan, swak lahat.
“Ilang beses na nakahiga lang kami sa kama, sinasabi lang namin sa isa’t isa na, 'Grabe, no, we're really meant for each other.'
"Kasi, in all aspects of married life, may check,” pahayag ni Derek sa interview sa kanya sa DZRH.
Hindi maiwasang ma-offend si Ellen sa tanong tungkol sa prenup agreement. Pero sa panahon ngayon, lalo na’t pareho silang may anak sa una nilang karelasyon, practical bang magkapirmahan ng prenup agreement?
Ano sa tingin ninyo, ka-Troiks?
JERRY OLEA
Huwaran ni Derek ang kanyang mga magulang.
Ang pinakasalan niya, pam-forever. Till death do us part, 'ika nga.
Kaya sa ganyan niyang prinsipyo, hindi kailangan ang prenup. Lalo pa’t pareho silang yayamanin ni Ellen.
NOEL FERRER
Ang sa iyo ay akin — iyan ang tila ipinahihiwatig nina Derek at Ellen at wala silang problema roon.
Since hindi nila concern ang prenup, they can create and build on more moments and memories para lalo pang tumatag ang kanilang pagsasama, at nandito lang tayong nakasuporta sa kanila.
They are two consenting adults na.
