GORGY RULA
Muntik na palang nasa Siargao si Beauty Gonzales nung araw na hinagupit ng bagyong Odette ang isla.
Ikinuwento ni Beauty sa virtual mediacon ng bagong installment ng GMA-7 sa I Can See You anthology na Alter-Nate ang experience niya sa naturang super typhoon.
Ani Beauty, “I was supposed to go to Siargao, but I changed my mind kasi I remembered birthday ng mommy ko. So, sabi ng mommy ko, ‘Ba’t ka pupunta ng Siargao, pumunta ka muna dito sa Dumaguete. So, I went to Dumaguete.”
Nandun daw siya sa Dumaguete nang binayo ito ng Odette, pero mabuti na lang at hindi sila masyadong naapektuhan.
“Blessing in disguise, we were not that really affected like Siargao, but there are some places in Negros also that got affected.
“Yung farm namin, awa ng Diyos, yung bakod lang yung nasira, pero talagang naramdaman namin yung bagyo,” saad ni Beauty.
May ibang lugar daw sa Negros Occidental na naapektuhan din, pero nagpapasalamat siya na safe ang mga trabahador nila sa kanilang farm.
“I’m so happy, I was there also to help mga farmers namin and also the co-farmers and everyone else. But you know, we were blessed that it’s not as bad as Siargao.
“But still, they need help also, and until now kailangan pa rin… may mga places pa rin sa Negros na walang ilaw, walang tubig,” dagdag na pahayag ng Kapuso actress.
Mabuti na lang at natapos na rin nila ang taping ng Alter-Nate bago magbagyo.

Kaya panalangin ni Beauty na maayos na ang malaking sinira ng bagyong Odette sa ilang bahagi ng Kabisayaan.
Sa salitang Bisaya ay nag-promote na siya sa mga kababayan niya sa Dumaguete, pati na sa mga taga-Cebu na wala pa ring ilaw ang ilang bayan.
Sana, magkailaw na raw sa Cebu para mapanood na ang Alter-Nate na magsisimula na sa January 10 sa GMA Telebabad.
JERRY OLEA
Kung hindi ako nagkakamali, kasama sana itong Alter-Nate sa second season ng I Can See You anthology.
Ni-replay noong second season yung seryeng Truly. Madly. Deadly nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, remember? At na-delay rin ang pagpapalabas noon ng The Lookout series ni Barbie Forteza.
We’re glad na finally, matutunghayan na natin itong tambalan nina Dingdong Dantes at Beauty Gonzalez sa Alter-Nate.
Thankful si Beauty sa GMA-7 na sa kanya ipinagkatiwala ang role na ito sa Alter-Nate.
Sabi niya: "I’m so happy. I’m overwhelmed. I’m so blessed. Sana nga, tuluy-tuloy lang talaga. Tuloy pa yung magandang projects. Sana magka-book two pa yung Alter-Nate.
“Actually, nabitin ako sa show namin. I’m very confident na with this show also it will be amazing and people will talk about it, kasi it’s an intelligent show, e. It’s very different from the usual.
"Ang dami na kasi, e. May drama, may suspense, may romantic, may action. And I’m very happy with everyone.
"Actually, I get excited talaga kapag maganda talaga ang script, e. It doesn’t matter pag mahaba yung istorya o maikli. What’s important is the quality of the story.
"I’m so blessed na binibigay nila sa akin 'to. Daghang salamat."
Wish din ni Beauty na magka-book two yung Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgette nila ni Kelvin Miranda.
“I’m so proud of that show also kasi it’s my first show with GMA, and it did well,” pakli ni Beauty.
Syinuting nina Beauty at Kelvin ang pelikulang After All last December sa Bolinao, Pangasinan. Director ng proyekto si Adolf Alix Jr.

Ang deskripsyon dito ni Direk Adolf ay “a love story bounded by time.” Si Adolf din ang direktor ng Loving Ms. Bridgette, pati ng MMFF 2021 entry na Huwag Kang Lalabas kung saan bida si Beauty sa "Kumbento" episode.
NOEL FERRER
Nanghinayang daw si Beauty dahil sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Dumaguete, hindi kaagad siya nakapagbiyahe pabalik ng Maynila.
“Natagalan, kasi ang daming mga kahoy na natumba, madaming mga nasira talaga. Medyo na-shock nga ako, e.”
Pati tuloy ang pag-promote niya sa MMFF movie niyang Huwag Kang Lalabas ay naapektuhan.
Nanghinayang din si Beauty na hindi siya nakasali sa Fluvial Parade of Stars ng MMFF 2021 noong Disyembre 19. Ito pa man din ang nanalo na best float noong Gabi Ng Parangal ng 47th MMFF.
“I felt bad na hindi ako nakasama nung sa parade ng Huwag Kang Lalabas na movie, at hindi ako masyadong naka-promo, kasi walang signal, wala talaga.
“Parang ang hirap. Parang bumalik ako sa panahon ng mommy na kapag nakipagkita ka, nandun ka talaga. Kasi, hindi mo matawagan yung kakilala mo, e. Wala akong ma-contact, e.
“It’s really a different kind of experience for me. But I’m happy that all of my family are safe and everyone… even the farmers are safe.”
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
