PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dear Uge ni Eugene Domingo magpapaalam na after six years sa ere

"...all things, even the good ones they say, have to end."
by PEP Troika
Published Jan 1, 2022
Eugene Domingo's Dear Uge is going off air
Sa isang Instagram post, inanunsiyo ni Eugene Domingo na "last few episodes" na ng Dear Uge ngayong January 2022 sa GMA-7.
PHOTO/S: Dear Uge on Facebook

GORGY RULA

Bago nagpaalam ang taong 2021, isang malungkot na balita ang ibinahagi ni Eugene Domingo sa kanyang Instagram account.

Nakatakda nang tapusin ang weekly show niyang Dear Uge.

Sabi ng actress/TV host sa kanyang Instagram post kahapon, Biyernes, December 31, “Dear loyal viewers, I hope you are celebrating the holidays with hope, faith and charity.

"Anyway, I would just like to share with you this…

"Our show premiered in Feb. 2016 and has been a part of many wonderful memories in my life since then.

“Thank you very much to everyone who has been a part of this show that surpassed all challenges encountered in keeping a show alive & exciting! But all things, even the good ones they say, have to end.

“Congratulations to the team! I hope to work with you again. Thank you so much @gmanetwork for the opportunity.

“Catch the last few episodes of Dear Uge in January 2022!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Happy new year & Happy new beginnings, everyone!"

Sa GMA New Year Countdown ay napakaraming bagong shows pa ang nakalatag. Bukod sa mga bagong afternoon drama, meron pang malalaking mini-series ang mga big stars, kagaya ng Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla, ang "Alter-Nate" ng I Can See You ni Dingdong Dantes, at ang False Positive na first project ni Xian Lim sa Kapuso network, at ang Mano Po Legacy ng Regal Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nandiyan pa ang Lolong ni Ruru Madrid, Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, at ang inaabangang Voltes V: Legacy.

Meron pang mga bagong programang in-announce na hindi pa sinasabi kung sino ang mga bidang artista. Kasali kaya rito si Eugene Domingo?

Ilan sa mga naka-line up ay ang The Fake Life, Raising Mamay, Apoy sa Langit, Abot-Kamay na Pangarap, Frozen Love, Return to Paradise, Underage, Heaven in My Heart, Nakarehas na Puso, Big Boss, Bolera, The Witness, The Bread House, Love Before Sunrise, What a Joy, at Sang’gre.

Wala pa naman siyang binabanggit na may kapalit na show. Pero posible kayang si Uge ang mag-host ng nakuhang franchise ng GMA-7 na Family Feud o Running Man Philippines?

Meron ding talent-reality show na Sing for Hearts at isa pang bagong programang The Best Ka.

JERRY OLEA

Matagal-tagal nang nanganganib ang Dear Uge anthology, kaya nga nag-reformat ito umpisa Mayo 30, 2021.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang bases nang nabigyan ng babala ang Dear Uge kaugnay sa mababang ratings nito.

Last Sunday, December 26, ay naka-2.9% lamang ito, kaya hindi kataka-taka kung sibakin na ito.

Andami namang ibang programa na pwedeng pumalit dito. Bukod sa bagong offerings ng GMA-7, ini-announce na rin ang naka-line up na shows sa GTV na karamihan ay mga K drama.

Andiyan ang Sweet 16, Heart of an Angel, at One Knife Only.

Sa Heart of Asia naman ipalalabas ang ilang pelikula ng Viva na Hindi Tayo Puwede, Tililing, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Pakboys: Takusa, at ang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar na pinalitan ang title ng Sexy Star.

Sa Heart of Asia rin mapapanood ang pelikulang Huling Ulan sa Tag-araw nina Rita Daniela at Ken Chan.

NOEL FERRER

Kung magpaalam man sa ere ang Dear Uge, abangan natin at it might be a good idea at mas napapanahong ibalik na muna ang award-winning and highly rated game show ni Uge na Celebrity Bluff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At least, sa paghihigpit muli ng mga quarantine restrictions, baka naman mas bumongga pa ang ratings—dahil pera ang kailangan ng tao at aliw na rin!

Basta, now is not the time to dwell on disappointments.

Baka ang change of mindset ay kahit magpahinga muna ang Dear Uge, puwedeng-puwede siyang i-welcome ulit sa talk-game-show format at ipakita ang kanyang husay at saya as a thinking host!!!

Happy New Year, Uge!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang Instagram post, inanunsiyo ni Eugene Domingo na "last few episodes" na ng Dear Uge ngayong January 2022 sa GMA-7.
PHOTO/S: Dear Uge on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results