PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male celebrity, nais ireklamo ng cyber libel si Xian Gaza?

Male celebrity, umiinit ang ulo sa mga payanig ni Xian Gaza.
by PEP Troika
Published Dec 23, 2021
male celebrity blind item
Male celebrity, umiinit ang ulo kay Xian Gazasa na aniya'y nawiwili sa pandadawit sa mga kilalang artista sa mga wala naman daw basehan na intriga.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA:

Isang kilalang male celebrity ang pinag-iisipang kasuhan ang blogger na si Xian Gaza dahil sa inilabas na maling balita tungkol sa kanya.

Ayaw na raw sana niyang patulan ang mga pinagsasabi nito, pero laging nauungkat ang inilabas nitong pasabog na hindi raw totoo.

Pagkatapos ng Pasko ay kakausapin na raw nitong kilalang male celebrity ang abogado niya para ikunsulta at humingi na rin ng opinyon kung tama bang kasuhan na niya si Gaza.

Pawang kasinungalingan daw ang mga kuwentong ikinalat.

Unfair daw sa kanya na maaring isipin ng ibang taong nakabasa na totoo iyun. Kaya dapat daw talagang ireklamo ito ng cyber libel.

Tinanong ko ang male celebrity kung magkano ang involved sa kasong isasampa niya kung sakali.

Kakausapin pa raw niya ang kanyang abogado, para hingin na rin ang opinyon.

Gusto na raw sana niyang deadmahin na lang.

Pero tuwing may nababasa siyang payanig itong si Xian Gaza, umiinit daw ang ulo ni male celebrity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naiinis siya dahil tuloy pa rin daw ang pagkakalat ni Xian Gaza ng maling balita na nagagamit ang ibang kilalang artista.

Dapat daw talagang sampolan na ito.

JERRY OLEA:

Hindi ganun kadali ang magsampa ng legal complaint, lalo na kapag cyber libel.

Kung milyun-milyong danyos ang hihingin mo sa isasampa, kailangan mo ring maglabas ng malaking halaga para sa filing fee nito.

Pero baka ikatuwa pa ito ni Xian Gaza para lalo siyang pag-usapan. Hindi kaya?

Ang iba kasing artistang iniintriga niya ay hindi na lang pinapansin, para hindi na lumaki pa ang isyu.

Huwag lang sana idemanda si Xian sa isang malayong lugar na probinsya ni male celebrity, ang laking hassle nito, at dagdag-gastos.

NOEL FERRER:

Tingnan natin ang kahihinatnan nito.

Katulad na rin ng kaso ng isang mambabatas sa isang makisig na aktor.

Dismissed na ang kaso ng iba pang nadawit including a reporter and an actress.

Tanging ang makisig na aktor na lang ang nanatili sa demanda. Sana, maayos ang lahat ng ito sa huli’t huli!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Male celebrity, umiinit ang ulo kay Xian Gazasa na aniya'y nawiwili sa pandadawit sa mga kilalang artista sa mga wala naman daw basehan na intriga.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results