PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes describes Coco Martin as walang kaere-ere

Gladys, proud na mapabilang sa powerhouse cast ng movie ni Direk Brillante.
by PEP Troika
Published Dec 22, 2021
Gladys Reyes working with Coco Martin in movie Apag directed by Brillante Mendoza
Sa pelikula ni Brillante Mendoza na Apag, nagkaroon ng pagkakataon ang Kapuso actress na si Gladys Reyes na makatrabaho ang Kapamilya actor na si Coco Martin. Powerhouse ang cast ng Apag dahil narito ang mga beteranong aktor na sina Gina Pareno, Jaclyn Jose, Lito Lapid, at Julio Diaz.
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram

GORGY RULA:

Ratsada ngayon si Gladys Reyes sa taping ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento at ang shooting ng Apag kay direk Brillante Mendoza.

Thankful naman si Gladys na tinambakan siya ng trabaho ngayong holiday season dahil gusto niyang kahit paano ay pansamantala niyang makakalimutan ang namayapa niyang ama.

Hindi naman sila nagpa-Pasko dahil sa Iglesia ni Kristo sila, pero nagkakasalu-salo sila tuwing Bagong Taon.

Pero ang sobrang ikinatuwa ni Gladys ay ang shooting niya ng Apag (hango sa salitang hapag) ni Direk Brillante Mendoza dahil sa first time niyang makatrabaho ang acclaimed director.

Nagsimula na silang mag-shoot noong kamakalawa lang at nakaeksena niya si Coco Martin.

First time din niyang nakatrabaho si Coco at sobrang napupuri niya ang ABS-CBN Primetime King.

"Ay! Super chika kami ni Coco, Kuya! Lalo na siya, kakatuwa, walang kaere-ere, marespeto.

"First time namin magkasama at magka-work, pero parang tagal na namin magkakilala," text sa akin ni Gladys noong Martes, December 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang ipinost nga niya sa kanyang social media account, may ilang co-actors ni Coco sa FPJ's Ang Probinsyano ang sumang-ayon sa mga sinabi ni Gladys.

Coco Martin, Gladys Reyes, Gina Pareno

Ang saya pa raw dahil may special participation din sa pelikulang iyun si Gina Pareño, kaya parang nag-reunion lang daw ang ilang cast ng Serbis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kakatuwa na para na kami one big family. Si Coco marespeto, warm, hahanga ka talaga sa sipag niya at dedication sa work.

"Parang reunion din ng Serbis kasi may special participation si Tita Gina Pareño sa movie.

"Ang sarap ng tawanan namin nung sabay-sabay kami kumain ng lunch.

"Si Sen. Lito lagi me dalang pagkain para sa amin,” dagdag na text sa akin ni Gladys.

Ang tinukoy niyang "Sen. Lito" ay si Lito Lapid.

Pagkatapos ng second day shoot niya sa Pampanga, tumuloy muna siya sa taping ng Unang Kuwento para sa dalawang episode na iti-tape nila.

Sa December 26 pa raw ang balik niya sa Pampanga para sa shooting ng Apag. Hanggang December 30 raw sila roon.

NOEL FERRER:

Pagkatapos manalo ng kanyang Urian Award, nakakatuwa lang si Gladys at talaga namang committed pang mapaganda at maging mahusay ang kanyang filmography.

Buti na lang at okay sa kanyang magpadirek sa pinamagagaling na mentors at marami siyang matututunan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Masaya rin ako at nagbabalik-pelikula na hindi formula si Coco Martin.

Sana’y tunay na maganda ang kalabasan ng pelikulang Apag.

JERRY OLEA:

Nang inalok kay Gladys itong Apag, hindi na niya inalam ang talent fee niya.

Gusto niya talagang gawin dahil first project niya ito kay Direk Brillante Mendoza.

Nagpasalamat siya dahil hindi sumasapaw sa schedule niya sa Unang Kuwento.

Nang umatras ang lead actor, at nang nalaman niyang si Coco ang ipinalit, mas lalo siyang na-excite.

Kaya sabi niya, dapat ayusin niya ang acting dahil may Coco na, may Jaclyn Jose pa.

Gladys Reyes Apag

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung binasa raw niya ang script, parang bida na rin daw sya sa kuwento.

Kaya dapat hindi raw siya mapahiya kay Direk Brillante, na gusto rin naman talagang idirek ang aktres.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pelikula ni Brillante Mendoza na Apag, nagkaroon ng pagkakataon ang Kapuso actress na si Gladys Reyes na makatrabaho ang Kapamilya actor na si Coco Martin. Powerhouse ang cast ng Apag dahil narito ang mga beteranong aktor na sina Gina Pareno, Jaclyn Jose, Lito Lapid, at Julio Diaz.
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results