GORGY RULA
Aminado si Marian Rivera na malaking realization sa kanya ang karanasang nakapag-judge siya sa Miss Universe 2021.
Napatango ang Kapuso Primetime Queen nang tinanong ng PEP Troika kung nabago ba ang pananaw at ang definition niya sa salitang "beauty"?
“Oo, e. Kasi, hindi ko makakalimutan yung sinabi sa akin ni Ms. Paula [Shugart, president ng Miss Universe Organization], na ang sabi niya, ‘Marian, ang hinahanap natin sa Miss Universe yung kaya niyang dalhin yung sarili niya. Na kailangan kapag ginagawa niya ang isang bagay, masaya siya.'
"At the same time, parang…I don’t care kung mahaba yung buhok, maikli, payat, matangkad, o whatever. Gusto ko kung paano niya dalhin ang sarili niya.
“Even sa question-and-answer portion, kung hindi sila makapag-straight English, I really don’t care.
“Kung saan sila kumportableng salita na ma-express nila ang sarili nila, na masasagot nila nang tama, okay ako dun.
"So, parang nagsi-sink lahat na ang pagiging maganda, oo kailangan ang panlabas lang, pero maganda pa rin kung ang kalooban mo mabuti, buo, at magaling ang intensiyon mo para sa ibang tao,” seryosong pahayag ni Marian.
Iyon naman ang sinasabi ni Marian noon pa na kilala naman daw natin siya na napakatotoo niya at wala siyang pretensiyon.
“Sabi ko naman sa inyo, di ba? Hindi naman ako mapagpanggap, kung ano ang nararamdaman ko, yun ang gagawin ko. Kilala niyo naman ako, di ba?
“Siguro mas nagpatibay talaga na mas maganda talaga ang mangyayari sa ‘yo kapag totoo ka sa sarili mo.
“Kapag ini-enjoy mo ang bawat sandaling nangyayari sa buhay mo, at saka wala, e… ang saya talaga ng flow, ang nangyayari sa Miss U na parang ang pagkakataon na napili ako.
"Ang at the same time, sobrang thankful ako na nandiyan lahat sa akin, kay Dong, especially ang mga kasama ko na nag-judge ay na-extend talaga na naging kaibigan ko sila.
“So, parang ang daming blessings talaga na sabay-sabay na ibinigay sa akin ng pagkakataon,” dagdag niyang pahayag.
JERRY OLEA
Ang dami nga raw natutunan ni Marian sa pagdya-judge niya sa 70th Miss Universe.
Sabi pa niya, “Siguro isa ito sa experience ko na ipagpasalamat ko sa buong buhay ko.
"Tama ka, hindi ako makapaniwala na nandun ako, maghuhusga ako ng 80 na magagandang babae sa iba’t ibang panig ng mundo.
“So, ako rin, nang nandun ako, saka pa lang nag-sink in sa akin na, 'Ah, eto na talaga ‘to. Magdya-judge ako, idya-judge ko sila. Nandito ako sa Miss U.'
“Alam mong sobra-sobrang pasasalamat talaga sa experience at napaka... sabi ko nga, grateful talaga ako sa nangyari dito sa akin.
“Sabi ko nga, 'Wow! Lord, salamat sa ang daming blessings na nandun ko, nandun yung team ko, kasama ko si Dong. Tapos naging kaibigan ko pa ‘tong naging mga kasama ko na nag-judge.
“Tapos, thankful din ako kay Ms. Paula na head ng Miss Universe na palagi niya akong kinakausap, na ang dami kong natutunan sa kanya na naa-apply ko sa buhay ko talaga.”
Hindi naman naiwasang nahaluan ng pulitika ang pagsuot ni Marian ng pink gown na gawa ni Francis Libiran. Pink din ang kulay ng iba niyang suot at obvious namang "kakampink" ang mister niyang si Dingdong Dantes.
Pero sabi ni Marian, huwag na itong lagyan ng ibang interpretasyon. Favorite color lang daw talaga niya ang pink.
“Kahit dati naman sa slumbook ko naman, sinasabi ko favorite color ko is pink, white.
“Huwag na lang silang maglagay ng kung ano mang kulay. Basta ako, I’m happy, I’m grateful,” nakangiting sabi ni Marian.
NOEL FERRER
Thank you, Marian, for representing us well sa Miss Universe!
Now that the industry is slowly opening up, I am excited for all the good things that you can do.
Feeling ko, with all your experiences, you will only get better and, hopeffully, the industry becomes more loving and supportive to hardworking and brave Pinoy icons like you!
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
