JERRY OLEA
Maraming first para kay Direk Brillante Mendoza ang erotic drama na Palitan, kung saan bida sina Cara Gonzales, Luis Hontiveros, Jela Cuenca, at Rash Flores.
“First time kong gumawa ng LGBT,” sambit ni Direk Brillante sa presscon nitong Disyembre 7, Martes, sa Wingzone restaurant, Araneta City, Cubao, Quezon City.
“At the same time, first time kong gumawa sa Viva, at yung mainstream na pelikula. So, enjoy naman ako.
“At na-excite ako dun sa paggawa ng pelikula, at naitawid namin.”
Mag-i-streaming ang Palitan umpisa Disyembre 10, Biyernes, sa Vivamax.
Bongga ang pa-boobey at harutan dito nina Cara at Jela sa kubo at waterfalls. Pwetmalu si Luis, at nag-frontal si Rash.
May dalawa pang natapos i-shoot si Direk Brillante para sa Viva — ang Sisid nina Paolo Gumabao, Vince Rillon, Kylie Verzosa, at Christine Bermas, at iyong Bahay Na Pula nina Julia Barretto, Marco Gumabao, at Xian Lim.
Nae-enjoy ba ni Direk Brillante ang kalayaang ipinagkatiwala sa kanya ng Viva?
“Oo naman, siyempre. Kahit naman sinong direktor, sino ba ang hindi masisiyahan kapag ibinigay talaga sa ‘yo yung full creative freedom, ‘no?” pagngiti ni Direk Brillante.
“Hindi naman lahat ng producers, ganun. So, sa Viva, pumayag sila sa ideas ko, saka kung paano ko magagawa yung tatlong pelikulang yun…
“Hindi naman sabay-sabay, one after another. Everything was well planned, at saka kumbaga, hindi naman basta ginawa lang namin, ‘no?
“Unang-una, iba-iba yung mga writers ko. Tapos, pinaghandaan talaga namin ito. Kumbaga, buung-buo na namin ang konsepto bago kami sumabak.
“Pinagtuunan talaga namin sila. Binigyan ng atensiyon. Natapos namin yung tatlong project na matiwasay.
“Walang nagkasakit. Masaya kami lahat.”
Mga ilang pelikula pa ang gagawin niya next year para sa Viva o Vivamax?
Natatawang tugon ni Direk Brillante, “Hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam sa ngayon. Basta, pahinga muna ako sa ngayon.”
GORGY RULA
Si Direk Brillante na kaya ang raratsada at bagong paborito ng Viva?
Nasaid na kaya ni Direk Darryl Yap ang mga gusto pa niyang gawin para sa Vivamax o hindi na muna siya ang "flavor of the season" ng naturang streaming platform?
Ngayong 2021, sampung pelikula ni Direk Darryl ang nag-streaming sa Vivamax — Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, Tililing, Gluta, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Revirginized, 69 + 1, Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso, Sarap Mong Patayin, Barumbadings, at Pornstar 2: Pangalawang Putok.
Meron pa siyang rantserye na KPL: Kung Pwede Lang.
Itong Palitan ang buena mano ni Direk Brillante sa Vivamax. May sisimulan pang magandang project si Direk Brillante tampok ang mga magagaling na aktor.
Ayoko lang munang pangunahan dahil ia-announce daw nila ito kapag nagsimula na silang mag-shoot. Ang dinig ko kasi, umatras ang aktor na siyang magbibida dapat.
Pero blessing in disguise naman, mas magaling at mas sikat di hamak ang aktor na ipinalit. Kaya nag-adjust sila ng schedule, dahil hihintayin pa nila ang availability ng magaling at mas sikat na aktor.
At dahil sunud-sunod ang pelikulang sinu-shoot ni Direk Brillante, hindi pa siya makapag-resume sa shooting ng pelikulang Bangsa na bida si Piolo Pascual. May natitira pa siyang two shooting days for that.
Si Piolo naman ay may bagong Kapamilya teleserye, yung Flower of Evil with Lovi Poe. Kaya hindi pa rin ito pwedeng mag-resume ng shooting ng Bangsa.
NOEL FERRER
Mas magiging accessible ba si Direk Brillante Mendoza sa mga tao, o isa ba itong sell out move para sa premyadong direktor?
Sana, hindi naman. Sana, mapanatili pa rin ang kalidad ng output ni Direk Brillante in keeping with his reputation as an international award-winning auteur.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
