PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katips movie, patunay sa mga reyalidad ng Martial Law

Katips, may premiere sa iba't ibang prestigious international film festivals
by PEP Troika
Published Dec 4, 2021
Katips movie
Ayon sa writer, direktor, producer at bida ng Katips musical film na si Vince Tañada, layunin nilang bigyang patunay ang mga reyalidad noong panahon ng Martial Law. Sabi niya, “Nangyari po ito sa ating kasaysayan. Nobody can ever invalidate the experience of people. Nobody can ever say na, ‘Hindi iyan totoo!’"

JERRY OLEA

Sinulat, prinodyus, idinirek at pinagbidahan ni Vince Tañada ang musical film na Katips, na tungkol sa mga karanasan ng mga aktibista noong 1970s na panahon ng Martial Law.

Katips movie

“Alam niyo naman, yung pandemya, masyadong maraming itinuro sa atin,” pahayag ni Direk Vince bago umpisahan ang press screening ng Katips noong Nobyembre 27, Sabado ng gabi, sa Gateway Cinema, Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi nga, nobody will ever leave this pandemic the same person again.

“Kaya palagay ko, ang pinakamalaking natutunan natin sa pandemya… number one, time is short. Di ba? Life is indeed short.

“And tomorrow is never promised. At kung may pagkakataon na maipamalas natin ang talento natin sa iba, ngayon na yun.

“Huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Ngayon na!

“This is the most opportune time for us to present this film. Kasi ang napakahalaga siguro, para sa mga naniniwala, na ito po ay talagang nangyari.

“Nangyari po ito sa ating kasaysayan. Nobody can ever invalidate the experience of people. Nobody can ever say na, ‘Hindi iyan totoo!’

“Kasi, even po ako, sa pamilya ko, nangyari po iyan sa amin. Kaya inspired din po ako dito, kasi, talagang…

“Mukha man akong bata, pero buhay na po ako nung panahon ng Martial Law, at kasama po ako sa mga nagtatago sa ilalim ng kama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At meron ditong sinabi si Jerome [Ponce], na it struck me really hard. Yung sinabi niya na wala siyang… paiba-iba kasi siya ng address.

“Kasi lumaki kami na paiba-iba yung mga address. Kasi parati kaming… huhulihin. Yung pamilya namin.

“Kaya ito ay nangyari, ito’y naganap. Pasensya na po dun sa mga maaapektuhan, pero totoo po itong nangyari.

“Wala po itong patamang politikal. Ito po ay pagpapamalas lang kung ano ang naganap sa kasaysayan.”

Jerome Ponce
Vince Tanada

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maliban kina Vince at Jerome, nasa cast din ng Katips sina Mon Confiado, Dexter Doria, Lou Veloso, Johnrey Rivas, Joshua Bulot, Afi Africa, Dindo Arroyo, Nicole Laurel Asensio, Sazchna Laparan, Adelle Ibarrientos, Patricia Ismael, at iba pa.

GORGY RULA

May butt exposure si Mon Confiado sa Katips.

Dexter Doria
Mon Confiado

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Direk Vince matapos ang screening, “Sabi ko kay Mon, ‘O, Mon, magpapakita ka ng puwet.’ Sabi naman ni Mon, ‘OK lang, walang problema basta maganda yung ano...’

“Nung nakita ko kanina, ang ganda… ang ganda pala ng puwet ni Mon! Ayos! Pinag-usapan namin yun the night before we shot it.”

Mahigit 300 pelikula na ang nagawa ni Mon, at may photo shoot pa ito noon na walang saplot.

Usap-usapan ang kadakilaan ni Mon, pero hindi pa namin nababalitaang nag-frontal ito.

Kuwento pa ni Direk Vince, “Sabi ko, kung wala sigurong lock-in at hindi pandemic, baka mahirapan kami at saka hindi ganito ka-close yung grupo.

“Kasi we were very comfortable acting together. Para kaming naglalaro, at the same time, most of the lines na ginagawa namin, biglang may nai-inject kami.

“I cherish the relationship we have built together as artists sa shooting namin habang may pandemic.”

Aspiring entry ang Katips sa MMFF 2021, pero pinagkaitan ito ng pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Direk Vince, “I talked to several peple, like si Tita Evelyn Vargas na alam naman natin na yung husband niya is a festival director.

“And when they saw the movie—ipinadala ko yung link—sabi nila, ‘Magpasalamat ka’t hindi ka nakapasok ng MMFF. Kasi kapag nag-commercial release na sa Pilipinas, hindi ka na puwedeng mag-premiere sa Big Five.

“'If ever, yung mga A-list na international filmfest, hindi mo na puwedeng salihan. Kasi siyempre, kailangan, dun ka mag-premiere.’

“So, sabi nila, ‘Magpasalamat ka na lang, kasi, this is really for international.’”

Ang Big Five sa lipon ng international filmfests ay yung sa Cannes (France), Venice (Italy), Berlin (Germany), Toronto (Canada) at Sundance (USA).

Ibinalita rin ni Direk Vince na may mga grupo ng supporters ni VP Leni Robredo na kumokontak sa kanya at gustong magpa-special screening ng Katips.

Lahad ni Direk Vince, “Ang sinasabi ko naman, I don’t want to utilize this platform for any political cause. Kasi this is an advocacy on my part.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala itong politics. Wala nga kayong nakitang kulay, di ba? Wala kasi tayong dapat patulan…

“The priority for us is to show this abroad. So, yun na muna.”

NOEL FERRER

We need more materials like Katips para ipamulat sa mga tao na patuloy tayong magkakamali kung hindi natin seseryosohin ang mga aral ng kasaysayan.

Kaya ngayon na may pagkakataon tayong baguhin ang kinabukasan ng ating bansa, huwag na sana tayong pabulag sa pangakong mas maayos na buhay na magbabalik sa atin sa mga Marcoses ng Martial Law at Duterte na nagpabago ng ating pagtingin sa tama o mali, mahusay at inutil, at mabuti’t masamang panunungkulan.

#NeverForget #NeverAgain

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa writer, direktor, producer at bida ng Katips musical film na si Vince Tañada, layunin nilang bigyang patunay ang mga reyalidad noong panahon ng Martial Law. Sabi niya, “Nangyari po ito sa ating kasaysayan. Nobody can ever invalidate the experience of people. Nobody can ever say na, ‘Hindi iyan totoo!’"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results