PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Director JP Habac on Bea Alonzo, John Lloyd Cruz chemistry

JP Habac, napasigaw nang malamang ididirek sina John Lloyd at Bea.
by PEP Troika
Published Dec 3, 2021
Bea Alonzo and John Lloyd Cruz One True Pair Movie
Director JP Habac on working with Bea Alonzo and John Lloyd Cruz: "Pero nung dinidirek ko na, sobrang dali nilang kausap. Like, it’s not really direction, e. Mas collaboration yung nangyari sa set. Kung paano nila gustong i-treat yung mga dialogue, ganyan. Talagang it’s a collaboration, more than direction.
PHOTO/S: Screengrab from One True Pair Movie

JERRY OLEA

Grabe talaga ang chemistry nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ayon mismo sa direktor ng One True Pair The Movie na si JP Habac.

"Noong shoot, hindi naging struggle palabasin yung chemistry. Kasi, andun na talaga," patotoo ni Direk JP sa virtual mediacon noong Nobyembre 30, Martes.

Anong naramdaman niya na magdidirek uli siya ng One True Pair installment, but this time with Bea and Lloydie?

"Actually, nung inalok sa akin yung project, sinabi lang na One True Pair, it’s a film, ganyan. Wala pang sinabi kung sino yung lead actors," salaysay ni Direk JP.

"Tapos, so usap. Nung sinend na yung script, nung nakita ko yung script, kasi nakasulat yung names ng dalawa, as in no joke, napasigaw talaga ako!

"Sabi ko, 'Oh my god!' Ha! Ha! Ha! Ha! Ganun yung reaction ko talaga. As in, gulat. Sobrang na-excite talaga ako."

First time na idirek ni JP ang dalawang premyadong artistang nagbalik-tambalan para sa brand endorsement na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang kung anu-anong gimik at paandar ang One True Pair The Movie.

"Parang ang saya na bumalik uli dun sa roots ng romantic-comedy genre na walang gimmicks," pagngiti ni Direk JP.

"As in, as is lang yung location, yung dialogue. Parang dun ako dumako talaga in terms of treatment.

"Parang yung mga pegs ko for this one—Before Sunrise, Before Sunset, ganyan. When Harry Met Sally. Yung mga classic rom-com. Dun talaga ako kumuha ng inspiration for this one."

Kumusta ang pagdidirek kina Bea at John Lloyd after the initial shock and excitement?

"Nung first, kinakabahan talaga ako. As in first day, nung na-meet ko na silang dalawa," salaysay ni Direk JP.

"Nung nasa set na, sabi ko, 'Okey, eto na yun.' Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ako puwedeng magpakita ng kaba, ganyan. Ha! Ha! Ha! Ha!

"Pero nung idinidirek ko na, sobrang dali nilang kausap. Like, it’s not really direction, e. Mas collaboration yung nangyari sa set. Kung paano nila gustong i-treat yung mga dialogue, ganyan. Talagang it’s a collaboration, more than direction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Andun ako to guide them na lang. Kasi wala, e, ang galing na nung dalawa. Parang andito lang ako to guide them, kumbaga. Totoo! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Hangang-hanga si Direk JP kung gaano kaswabe magtrabaho nina Bea at John Lloyd na pati siya ay napapanood na lang din.

"Tapos, kapag nagte-take na, pag nanonood ako dun sa monitor, minsan nakakalimutan ko nang mag-cut.

"Kasi, ang ganda na ng flow nung conversation. Na parang pati ako, 'Ang galing! Ang ganda!' So, ayun.

"Minsan, nilapitan ako ng E.P. [executive producer], ‘Direk, parang cut na dapat.’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

As we write this, #10 trending sa YouTube ang One True Pair The Movie. Naka-1.2M views na ito sa YouTube channel ng Jollibee Studios.

GORGY RULA

Ang ganda nga ng short film nina Bea at John Lloyd. Nakaka-touch ang batuhan nila ng dialogue na parang walang script. Parang sila lang ang nag-uusap galing sa puso, hindi galing sa ilong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Parang lalong gumaling si John Lloyd, na tingin ko, lalo siyang pinalalim ng mga pinagdaanan niya. Kitang-kita rin kay Bea na sobrang kumportable siya kay Lloydie.

Habang pinapanood ko ang One True Pair The Movie, ang nasa isip ko lang, dapat silang dalawa na ang magsama sa isang drama series sa GMA-7. Perfect timing na magsama sila uli sa isang role na iba na ang maturity sa mas malalim na kuwento.

Pero nandiyan pa rin ang kilig sa kanilang dalawa. Nagsimula nang mag-tape si John Lloyd ng sitcom niya sa GMA-7, pero si Bea ay ay wala pang nasimulan.

Totoo kaya yung kumalat na kuwentong may mini-series dapat siyang gawin, pero gusto raw niyang maka-partner ay si Dingdong Dantes, Alden Richards, o John Lloyd lang?

May lumabas pang kuwentong tinanggihan daw ni Bea na maka-partner si Rayver Cruz. Pero wala kaming nakuhang kumpirmasyon sa mga taga-GMA 7 tungkol dito.

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba puwedeng sila na lang talaga? Iyan ang sinasabi ng followers nila, na nagpapasintabi sa partners nila.

Ibang level din kasi ang stature nila at sana patuloy silang makagawa ng magagandang pelikula.

Kasi, parang sila ang Vilma at Boyet ng generation ngayon. More, more of John Lloyd and Bea!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director JP Habac on working with Bea Alonzo and John Lloyd Cruz: "Pero nung dinidirek ko na, sobrang dali nilang kausap. Like, it’s not really direction, e. Mas collaboration yung nangyari sa set. Kung paano nila gustong i-treat yung mga dialogue, ganyan. Talagang it’s a collaboration, more than direction.
PHOTO/S: Screengrab from One True Pair Movie
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results