PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto, papayagan bang mag-showbiz ang anak na si Tali?

Vic Sotto, sinabing priority pa rin nila ni Pauleen Luna ang edukasyon ni Tali.
by PEP Troika
Published Oct 22, 2021
Vic Sotto on possibility of Tali, his daughter with wife Pauleen Luna, joining showbiz: "Okay naman sa akin if she’s into it. Although, katulad sa iba kong mga anak, hindi ko naman talaga ini-encourage and, at the same time, hindi ko naman dini-discourage kung saan ang gusto nila, kung saan sila masaya, support lang ako."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Mapapanood ang espesyal na episode ng Daddy’s Gurl bukas, Oktubre 23, Sabado, kung saan ipagdidiwang nila ang kanilang third anniversary.

Sa nakaraang virtual mediacon ng Daddy’s Gurl ng GMA-7, napapangiti na lang si Vic Sotto habang sinasabi nitong hindi niya akalaing aabot ng tatlong taon ang sitcom nila ni Maine Mendoza, lalo na’t hinarap din nito ang pandemya.

Medyo mahirap daw ang taping dahil sa safety protocols at kailangan ay work from home lang siya, pero medyo nakakasanayan na rin niya ito.

Sinisikap nilang may bago silang idadagdag sa kuwento habang nagtatagal ito, at bukas din si Bossing Vic sa posibilidad na baka sa mga susunod na taon ay kasali na ang bunsong anak niyang si Talitha.

Nakikita naman sa Eat Bulaga! na may pagkakomedyante rin ang bagets nila ni Pauleen Luna, at posibleng pasukin na rin nito ang pag-aartista.

Sabi ni Vic, “Hindi malayo dahil yun ang kinalakihan niya, e. She’s growing up with all the lights and cameras in front of her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag sa Bulaga, hindi mo mapigilan yun pag gusto niyang sumingit.

"Okay naman sa akin if she’s into it. Although, katulad sa iba kong mga anak, hindi ko naman talaga ini-encourage and, at the same time, hindi ko naman dini-discourage kung saan ang gusto nila, kung saan sila masaya, support lang ako."

Pero kagaya ng ibang showbiz couples, kahit hilingin sa kanila ni Tali na gusto na nitong mag-artista, kailangan ay makapagtapos muna raw ito ng pag-aaral.

“Dapat naman kasi, unahin ang pag-aaral, pinakaimportante sa lahat bago yung… if ever na magsu-showbiz, ano lang yun, hindi priority. Ang priority pa rin is education, pag-aaral, at doon namin siya igi-gear.

“Sa ngayon, dun namin siya gini-gear kahit online yung mga klase niya… nag-online classes pa rin siya. Para sa amin ni Pauleen, number one pa rin is education,” dagdag niyang pahayag.

Matagal na rin daw nilang gustong magkaroon ng kapatid si Tali. Pero walang pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahala na raw si Lord kung mabibiyayaan sila ng isa pang anak.

NOEL FERRER

Sabi ni Bossing Vic, malaki ang nagawa ng pandemya kaya naka-focus siya kay Tali. Si Tali raw talaga ang anak na natutukan niya nang 100 percent dahil nasa bahay lang siya.

Sina Pauleen at Tali raw ang entertainment niya sa bahay. Iyan ang flipside ng pandemya—tutok talaga sa pamilya!

Excited na ba ako kay Tali sa showbiz? Desisyon niya iyan sa hinaharap.

Pero kaisa ako ng mga magulang niya na pag-aaral muna sana ang asikasuhin ni Tali. Saka na ang muna ang showbiz.

JERRY OLEA

Oktubre 13, 2018 nag-umpisa ang Daddy’s Gurl.

Sa loob ng tatlong taon ay nag-guest dito sina Kiko Estrada, Lovi Poe, Janine Gutierrez, at Sunshine Dizon, na ngayon ay mga Kapamilya na.

Memorable din ang guesting sa programa nina Alden Richards at Arjo Atayde.

Si Pasig City Mayor Vico Sotto, magge-guest din kaya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa bagong season ng Daddy’s Gurl ay may mga bagong aabangan sa weekly sitcom nina Maine Mendoza at Bossing Vic Sotto.

Papasok sa istorya ang Kapuso hunks na sina Carlo San Juan, Prince Carlos, at Prince Clemente, maging ang comedian na si Jem Manicad.

Happy third anniversary, Daddy’s Gurl!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on possibility of Tali, his daughter with wife Pauleen Luna, joining showbiz: "Okay naman sa akin if she’s into it. Although, katulad sa iba kong mga anak, hindi ko naman talaga ini-encourage and, at the same time, hindi ko naman dini-discourage kung saan ang gusto nila, kung saan sila masaya, support lang ako."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results