JERRY OLEA
KathNiel goes Bollywood!
Ire-remake sa India ang limang pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Makikipagsanib-puwersa ang ABS-CBN Film Productions sa Global One Studios ng India para sa adaptation ng blockbuster hits na She’s Dating the Gangster (2014), Crazy Beautiful You (2015), Barcelona: A Love Untold (2016), Can’t Help Falling In Love (2017), at The Hows Of Us (2018).

Ang India ay itinuturing na isa sa pinakamalaking film market sa buong mundo.
“We are happy to be associated with ABS-CBN Films to bring their well-crafted love stories to the people of India by adapting their heartrending films in Indian languages,” ayon kay Ramesh Krishnamoorthy, President ng Global One Studios.
“Family bonding and cultural values are common to both Philippines and India, which are captured seamlessly in their films.
“This will be the first time that five Filipino films will be remade in India and we are excited to join hands with ABS-CBN to showcase their relationship stories with the same intense and emotions through our films.”
Kasabay ng proyekto ang pagdiriwang ng KathNiel ng kanilang ika-10 taon bilang love team.
Nagsama sina Kathryn at Daniel sa Kapamilya TV series na Growing Up (Setyembre 2011-Pebrero 2012).
Inamin nilang nagkakamabutihan sila noong Agosto 22, 2018 sa presscon ng The Hows Of Us.
Magkatambal muli sina Kathryn at Daniel sa teleseryeng 2 Good 2 Be True, sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.
Kasama sa cast nito sina Ronaldo Valdez, Irma Adlawan, Gloria Diaz, Romnick Sarmenta, Gelli de Belen, Cris Villanueva, Smokey Manaloto, Matt Evans, Jenny Miller, Pamu Pamorada, Krystel Fulgar, Yves Flores, Alyssa Muhlach, Gillian Vicencio, at Bianca de Vera.
GORGY RULA
Noon pa man ay kinakagat na ang mga drama series natin sa ibang bansa.
Type na type daw sa Costa Rica ang mga drama natin na parang di rin nalalayo sa mga telenobela nila. Kahit ang ibang lumang pelikula ng Viva ay bentang-benta rin daw doon.
Kahit sa South Africa ay tinatangkilik din ang ibang drama series natin. Pati sa ibang Asian countries, kaya nagkakaroon ng collaboration minsan.
Magandang balita ito sa KathNiel fans na na-penetrate ng mga drama series nina Daniel at Kathryn ang Bollywood.
Dito na muna siguro sila mag-focus para positive na balita naman. Lubayan na muna nila si Karla Estrada na kailangang paghandaan na rin naman ang kanyang pangangampanya.
NOEL FERRER
Bagong revenue stream ang pagbabayad ng franchise/format fee sa atin ng ibang bansa.
“Isang napakagandang oportunidad ito para sa ABS-CBN Films na mabahagi ang mga di malilimutang kwento natin at maghatid ng inspirasyon sa global audiences,” sabi ni ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan.
“Maraming pagkakatulad ang Pilipinas at India, gaya ng pagpapahalaga natin sa pamilya na talaga namang ramdam sa ating mga pelikula at ngayon ay maaari na ring umabot sa mga Indian.”
Ang ganda na meron tayong content na puwedeng i-adapt ng ibang lahi, at honor ito hindi lang ng mga nasa forefront na mga artista kundi tribute ito sa husay ng ating mga creative group na siyang tunay na nagbubuo ng konspeto at materyal ng ating magagandang teleserye! Bravo, Filipino!!!
