PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos takes a break from politics; Nora Aunor to try again

Vilma, itutuloy pa rin ang serbisyo kahit wala na sa pulitika.
by PEP Troika
Published Oct 8, 2021
Magkaiba ang tatahaking landas ng Star For All Seasons na si Vilma Santos (kaliwa) at ng Superstar na si Nora Aunor (kanan) sa 2022 elections. Pagkatapos ng 24 taon ay magpapahinga muna si Vilma sa pulitika, habang si Nora ay muling susubukan ang kapalaran sa pulitika.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Sa June 2022 ay isang simpleng mamamayan na si Congressman Vilma Santos-Recto dahil hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa susunod na taon.

Ang mister niyang si Senator Ralph Recto kasi ang tatakbo bilang congressman ng lone district ng Lipa City sa 2022 elections.

Pero sabi ni Vilma sa PEP Troika, tiyak na magiging abala pa rin siya kahit pahinga muna siya sa pulitika.

Magiging abala na kaya siya sa pagiging artista at matutuloy na rin ang paggawa niya ng pelikula?

Sagot ni Vilma sa text: “Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo lalo na kung congressman si Ralph.

“But may time na siguro ako to entertain my showbiz career… TV show, movie or indie, plus my vlog hehehe…

“Again, depende sa panahon. Really praying matatapos na pagsubok ng COVID na ito.”

Gustong iparating ng Star for All Seasons na handa pa rin siyang tumulong nang abot sa kanyang makakaya. Hindi raw siya magpapahinga lang, kundi tuloy pa rin ang serbisyo kahit wala na siyang posisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Vilma, “Kung may kailangan kayo at kakayanin ko… sa abot ng aking makakaya, nandito lang ako para sa inyo.

“Hindi lang ako puwedeng umikot buong Pilipinas na may pandemic pa, kasi ilalayo nila ang mga taong lalapit sa akin, lalo na matatanda at bata na siguradong lalapit at aakap sa akin.

“Kadalasan, naitutulak sila palayo.

“Modesty aside, nakadikit pa rin ang artista sa tabi ko… si Vilma Santos.

“Mag-iingat lang sa umpisa, pero sa dulo po, mahirap din pigilan ang mga lalapit."

Dagdag niya, “Kailangan nating mag-ingat, hindi para sa sarili kundi para din sa ating mga kababayan.

“Hindi pa ligtas ang lahat sa COVID o variants. Talking through experience.

“Kampanya ay importante pero kalusugan ang mas imporante sa akin, para sa lahat.

“God bless us. Pray for our people and country.

“Ingat din kayo. Hindi na tayo bumabata.”

JERRY OLEA

Titigil muna ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa pagiging pulitiko, pero tuloy ang paglilingkod niya sa sambayanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Megastar na si Sharon Cuneta, mananatiling “wind beneath the wings” ng asawang si Francis “Kiko” Pangilinan na kandidato sa pagka-vice president.

Ang Superstar na si Nora Aunor o Ate Guy ay susubok muli sa halalan.

Narito ang pahayag ni Nora na ifinorward sa PEP Troika ng kaibigan niyang si Rodel Ocampo Fernando ngayong Oktubre 8, Biyernes:

“Ako po si Nora Cabaltera Villamayor o mas kilala bilang Nora Aunor sa Phillipine Showbiz ay kumpirmado pong tatakbo po sa Halalan 2022 sa pamamagitan po ng party list na (NORA A) National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.

“Sa mahigit limampung taon ko po sa entertainment industry ay marami pong umuudyok sa akin na pasukin po ang public service.

“Ito na po siguro ang tamang pagkakataon para po pagbigyan ang mga taong nagsusulong at naniniwala sa akin na ako po ay makakatulong lalo na po sa mga nangangailangan.

“Panahon na po para maibahagi ko rin ang mga adbokasiya at mga plataporma na aking binuo para po sa kapakanan ng nakakarami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Una na po rito para po sa pinakamamahal kong sining na nagluklok sa akin sa munting kinalalagyan ko po ngayon. Sa mga manggagawa at mga taong bahagi rito mapaharap o likod man po ng kamera.

“Sa tagal ko na po sa industriya ay naging saksi po ako sa hindi magandang trato sa mga naging kasamahan ko sa trabaho lalo na po ang mga maliliit na manggagawa na bukod sa hindi po nababayaran ng tama ay hindi po naibibigay ang nararapat para sa kanila.

“Mayroon mang institusyong tumutulong ay nakikita ko po na hindi sapat ang medical assistance at mga tulong na naibibigay sa kanila. Kung ako po ay palarin, nais ko pong gumawa ng batas na mangangalaga sa kanilang karapatan at kapakanan lalo na yung mga hindi na makapagtrabaho at nagkakasakit.

“Bibigyang pansin ko rin ang dapat na benepisyong mapunta sa kanila at sa kanilang pamilya para makatulong sa kanilang kabuhayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasabay nito, bibigyan ko rin ng prayoridad ang mga nasa sektor ng media lalo na ang mga nasa entertainment. Karamihan sa kanila ay walang fix na suweldo kaya dapat din silang tulungan.

“Pangalawa, sa mga katulad ko naman pong senior citizen ay alam ko po na may mga benebisyo na ring natatanggap pero naniniwala po ako na dapat pa po itong dagdagan lalo na ang buwanang pensiyon.

“Sa akin po kasing obserbasyon ay mas nakikinabang ng malaki ang mga nasa mauunlad na bayan na may malaking IRA. Kawawa po ang mga nasa malalayong pamayanan na wala pong pondo ang kanilang mga munisipalidad. Ang gusto ko pong maisabatas dito ay magkaroon ng National Fund para makinabang po ang mga senior citizen sa buong Pilipinas.

“Pangatlo, noong ginagawa ko po ang isa sa mga pelikula na ‘The Flor Contemplacion Story’ na umiikot ang istorya sa mga OFW ay namulat po ako nang husto sa kalagayan at problema ng mga kinikilala nating mga Bagong Bayani ng ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami po talagang nagiging biktima ng rape, nakukulong ng walang sala, inaabusong pisikal ng mga amo, namamatay na hindi maiuwi, biktima ng human trafficking, illegal recruiting at marami pang iba.

“Nakakaawa po ang mga sinasapit nila na ang tanging dahilan lang kaya nangibang bansa ay para lang po makatulong sa kanilang pamilya.

“Gusto ko pong maisabatas na magkaroon po ng karagdagang pondo para sa kanila para po hindi na maulit ang malagim na sinapit ng iba po nating kababayang OFW.

“Karapat-dapat po silang bigyan ng atensiyon dahil napakalaki po ng kontribusyon nila sa ekonomiya ng ating bansa.

“Pang-apat naman po ay para sa mga Kabataan na Pag-asa po ng ating Bayan. Marami pa rin po sa sektor na ito na hanggang ngayon ang salat sa edukasyon na kailangang pagtuunan ng pansin.

“Malaki pong tulong ang nagagawa ng mga out of school youth at scholarship programs ng gobyerno pero kulang na kulang pa rin ito dahil napakataas pa rin ng antas ng hindi nakakapag-aral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marapat lang po na madagdagan ang pondo ng ating mga state university para marami pang mga kabataan ang makinabang at magkaroon ng magandang kinabukasan.

“Kaugnay nito, gusto ko ring isulong na mapataas ang suweldo ng mga guro na katuwang ng mga magulang sa pagbuo ng mga pangarap ng kanilang mga anak.

“Panlima, ang mga kaibigan natin na nasa sektor ng LGBTQIA+ na napalaki rin ng kontribusyon sa ating pamayanan at komunidad bukod sa pagiging makapamilya nila.

“Mula pa noong nagsisimula po ako sa showbiz at hanggang ngayon ay naging bahagi sila ng aking karera. Marami po sa kanila ang naiitsapuwera pa rin hanggang ngayon at nagiging biktima ng diskriminasyon.

“Gusto ko pong maging mabagsik ang isusulong kong batas na poproteksiyon sa kanila kung ako po ay papalarin. Gusto ko pong maging pantay ang pagtingin at respeto sa kanila gaya ng tinatamasa ng bawat mamamayang Pilipino.

“Pang-anim po ay ang mga magsasaka. Bilang anak ng magbubukid ay naniniwala po ako na isa rin po sila sa mga nakakalimutan na napakalaki ng naitutulong sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami po sa kanila ang umaaray lalo na sa mababang bentahan ng kanilang mga inaaning palay, gulay at prutas. Ako po ay naaawa sa kanila kapag binabarat ang kanilang mga produkto.

“Sa totoo lang po, karamihan sa kanila ay inutang lang ang puhunan na ginamit sa mga binhi, pataba, gamot at trabahador. Gagawin ko po ang aking makakaya na maiangat sila tulad ng mga magsasaka sa ibang bansa na mataas ang pagtingin at paghanga.

“Kapag ako po ay nanalo, isasabatas ko ang paglilimita sa importasyon ng produktong agrikultural ganundin ang malinaw na programa sa mga magsasaka para magkaroon ng magandang kita na hindi napupunta sa wala ang kanilang pinaghirapan gaya na lamang ng pagtulong ng gobyerno sa pagbenta ng kanilang mga aanihin.

“Pampito po sa aking plataporma ay pagtutok ko po sa Kalusugan na dapat din po nating bigyan ng pansin lalo na ngayong dumadaan po tayo sa pandemya.

“Dapat pang palawakin ang batas sa mura at mga libreng gamot ganundin sa pag-aayos at pagtatayo ng mga public hospital na nagbibigay ng libreng medikal at serbisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isusulong ko ang 'no down payment' policy sa pribado o publikong hospital. Dagdag pa po rito ang zero balance sa pampublikong hospital. Makakatulong ito ng malaki lalo na sa ating mga mahihirap na kababayan.

“Pangwalo po ay sa Pangkabuhayan. Maraming nawalan ng hanapbuhay dahil sa krisis na ating hinaharap hanggang ngayon. Kailangan po ng ating mga kababayan ang mayroong mapagkakakitaan.

“Napakalaking hamon po ito sa bagong gobyerno na paparating. Sa ngayon, limitado ang mga puwede nating gawin para makapagtrabaho at kumita ng pera. Kapag ako po ay pinalad gagawa po ako ng mga batas na magbibigay ng hanapbuhay na kahit nasa bahay lamang ay puwede nang kumita na hindi na kailangang pang lumabas.

“Ang lahat po ng ito ay maisasakatuparan ko po kung ako po ang inyong susuportahan. Wala po akong ibang hangad kundi ang makatulong at maipadama po sa inyo ang aking mabuting hangarin.

“At kung sakali po na ako ay manalo umasa po kayo na pipilitin ko na maging mabuting lider para po sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Muli, ako po si Nora Cabaltera Villamayor, Nora Aunor at ang inyo pong Ate Guy na nagsasabing gagawin ko po ang aking makakaya upang kayo po ay mapagsilbihan ng may malinis na hangarin, tapat at may pagmamahal. Gabayan nawa po tayong lahat ng Poong Maykapal at Maraming Salamat Po.”

NOEL FERRER

Nagtapos na ang filing ng candidacy forms ng mga tatakbo sa 2022 elections.

Totoo ba itong lumabas na balitang humabol si Joed Serrano na tatakbo sa pagka-senador?

Bilib ako kina Ate Vi, Lucy Torres-Gomez, at Willie Revillame na nagpakatotoo at realistic sa mga ganap ngayong pandemya.

Ibang klaseng eleksyon at kampanya ang magaganap. Good luck sa mga kakandidato, pero good luck din sa ating lahat.

Sana maging mas mapanuri at mapagmatyag tayo talaga this time around. Hindi sa pang-aliw tayo magwawagi, kundi sa husay at buti talaga sa huli!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkaiba ang tatahaking landas ng Star For All Seasons na si Vilma Santos (kaliwa) at ng Superstar na si Nora Aunor (kanan) sa 2022 elections. Pagkatapos ng 24 taon ay magpapahinga muna si Vilma sa pulitika, habang si Nora ay muling susubukan ang kapalaran sa pulitika.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results