JERRY OLEA
Nag-comment si Kuya Kim Atienza via Facebook sa PEP story ni katotong Jojo Gabinete na, “Marco Gallo may mensahe sa dating ka-loveteam na si Kisses Delavin.”
Bahagi ng mensahe ni Marco: “Kisses, post a little bit of your life more.
"All we see on your Instagram are Colgate and Palmolive. That is all we see, your sponsors.
“Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore."
Sinabi iyon ni Marco sa virtual mediacon ng pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso, na nakatakdang mag-streaming sa Oktubre 1 sa Vivamax.
Komento ni Kuya Kim: “Your private life need not be shared on social media Marco. She is blessed she has lots of endorsements. You should be happy for her. Back to you guys.”

Mahigit 300 na ang nag-reply sa nasabing komento ni Kuya Kim.
Siyempre, naungkat ang nakalipas nina Marco at Kisses noong nagkasama sila sa Pinoy Big Brother Lucky 7 (Hulyo 2016-Marso 2017).
Sa nasabing edition ng PBB ay winner si Maymay Entrata, at runner-up si Kisses.
Natanggal si Marco sa 6th Teen Eviction Night, kaya ligwak siya sa Dream Team (top 12), Lucky 7 (top 7), at Big 4 (top 4).
Umani ng patutsada si Marco dahil sa matalinhagang mensahe niya para kay Kisses. Pinag-uusapan sina Kisses at Marco these days dahil sa kani-kanyang project.
Iyong second teaser ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso kung saan pwetmalu na naliligo si Marco sa bakuran ay mahigit 15.1M views na sa Facebook page pa lang ng VinCentiments mula nang in-upload noong Setyembre 15, Miyerkules.
Kabilang si Kisses sa Top 30 delegates ng Miss Universe Philippines. Kabugin kaya ni Kisses si Maureen Wroblewitz?
GORGY RULA
Agree ako sa komento ni Kuya Kim.
Hindi naman dapat nakasalalay ang lahat sa social media. Puwede namang tawagan o i-text ni Marco si Kisses kung gusto nitong kumustahin.
Pero maiba lang tayo, ang lakas nga ni Kisses sa laban niya sa Miss Universe Philippines.
Ang laki ng ipinagbago niya, at may kakaiba siyang aura sa angkin niyang oriental beauty. Ang tindi ng suporta ng fans niya sa social media.
May pauso pa ang mga fans sa Tiktok na tinatawag nilang "Ostrich Walk" ang rampa ng aktres. Kakaiba raw ang pasarela nito.
Pero siyempre, isipin din nating hindi ito popularity contest. Nasa mga hurado ito kung sino ang tingin nilang karapat-dapat ilaban sa Miss Universe.
Narinig ko mula sa kampo ng ilang kandidata na hindi threat si Kisses sa kanila. Marami pang ibang kandidata na mas kinatatakutan nila, kahit hindi sila maingay sa social media.
NOEL FERRER
Tama naman si Kim. Ito’y payo ng mas may wisdom na hindi padalus-dalos ang pagpo-post lalo pa’t may kaugnayan sa iyo.
It’s actually your comment reading you, kaya ingat talaga sa pagpo-post.
Good luck kay Kisses sa pageant.
And good luck, Marco, sa buhay!
Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
