JERRY OLEA
Prinomote ni Robin Padilla ang TV docu drama film ni Aljur Abrenica na ipapalabas sa Linggo, September 26.
Post ni Robin sa kanyang Facebook page, “Mabuhay Mga kababayan! Abangan niyo po ang ‘ESKAPO’ starring Aljur Abrenica sa September 25 | 5PM-6PM Sa Magandang Gabi Pilipinas in PTV4.”
Kalakip ng post ang teaser ng suspense-drama documentary na idinirek ni Cesar Soriano.
Nakakatawa ang ilang comments ng netizens sa nasabing post.
May mga nag-suggest na magsama sina Robin at Aljur sa pelikula, iyong mala-Mistah. May humirit pa na isama sa project si Rustom Padilla.
Dawit din siyempre ang asawa ni Aljur na si Kylie Padilla. May nagtanong kung iyon ba ang ESKAPO ni Aljur kay Kylie.
Meron ding humirit, “Eskapo sa Pamilya! Part 1.”
“Kylie has left the group,” pagbibiro pa ng isang netizen.

Matatandaang umugong ang tsika na nagkakalabuan sina Kylie at Aljur noong Pebrero, matapos ang Valentine’s Day.
Noong Hulyo 7, kinumpirma ni Robin sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na hiwalay na sina Aljur at Kylie dahil sa merong third party.
Noong Hulyo 8, inamin ni Kylie na totoong hiwalay na sila ni Aljur at sinusubukan nilang magkaroon ng "healthy co-parenting" relationship para sa kapakanan ng dalawa nilang anak.
Sa Instagram post ni Aljur noong Setyembre 2, nag-like si Kylie.
NOEL FERRER
Propesyunal lang nilang ginagawa ang kanilang mga trabaho and, at least, proper pa rin sila sa harap ng publiko.
Pero nananatili ang tanong: Sino ang dahilan ng breakup nina Aljur at Kylie? Naayos na ba ito?
Ano na kaya ang mangyayari sa dalawang anak nilang sina Alas Joaquin at Axl Romeo?
Buti na lang, may kani-kaniyang trabaho ang mga magulang at ang lolo ng dalawang tsikiting.
Sana manatiling maayos, o kung hindi naman, basta civil lang ang relasyon ng dating mag-asawa at magbiyenan.
GORGY RULA
Malapit sa administrasyon si Robin Padilla, kaya maaaring pinu-promote niya ito dahil show ito ng PTV 4, hindi dahil kay Aljur.
At least, may napapaglaruan na naman ang netizens.
Pero mukhang okay naman sina Aljur at Kylie dahil nahihiram ng aktor ang kanilang mga anak.
Kamakailan lang ay ipinost ni Aljur sa kanyang Instagram na naliligo siya sa ulan kasama ang mga anak.
Nag-e-enjoy sila sa paliligo sa malakas na ulan, kasama pa ang daddy ni Aljur.
Si Kylie naman, inaabangan kung ano ang sisimulan niyang drama series sa GMA-7.
Napapanood pa ngayon sa afternoon prime ng GMA-7 ang replay ng The Good Daughter, at okay ang rating nito. Minsan nga, mas mataas pa iyon sa ibang bagong afternoon drama.
Dapat na ring bumalik sa trabaho si Kylie, at mukhang tuluy-tuloy naman ang trabaho ni Aljur. Marami pa rin ang humuhulang magkakabalikan silang mag-asawa.
Iyon naman ang winu-workout ni Aljur. Gusto raw sana niyang makumpleto sila sa darating na Pasko.
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
