PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Christian Bables and JC de Vera on MMK; Bilog and Bunak on MPK

JC at Christian, #lovewins ang peg sa MMK.
by PEP Troika
Published Sep 4, 2021
JC de Vera at Christian Bables (kaliwa), #lovewins ang peg bilang gay couple sa Maalaala Mo Kaya, Bida naman sina Kenken Nuyad at Leanne Bautista (kanan) sa replay episode ng Bilog at Bunak story sa Magpakailanman.
PHOTO/S: MMK / GMA Network

JERRY OLEA

Ngayong Setyembre 4, Sabado ng 7:15 p.m., ay ire-replay na ng Magpakailanman ang episode na “Viral Siblings: The Bilog and Bunak Tiongson Story.”

Nabalitaan nating noon pa dapat Agosto 28, Sabado, ire-replay sa GMA-7 ang nakaka-inspire na kuwento ng magkapatid na sina Bilog at Bunak sa Magpakailanman.

Sa kung anong kadahilanan ay naudlot iyon.

Sa halip, ang ini-replay ng nasabing drama anthology noong nakaraang Sabado ay ang episode na “Lotto Winner Naging Loser” na tinampukan ni Super Tekla.

Sa likod ng kanilang nakakatawang viral video na pumatok sa netizens, malungkot ang kuwento ng buhay nina Bilog (Leanne Bautista) at Bunak (Kenken Nuyad).

Ano ba ang istorya kung bakit gumawa ng musical cover sina Bilog at Bunak para sa kanilang ama (Gardo Versoza)?

At least, one week lang na-delay ang replay ng istorya nina Bilog at Bunak.

Iyong “Janitor Love” episode nina Joem Bascon at Denise Laurel, ire-replay sana ng Maalaala Mo Kaya (MMK) noong katapusan ng Hulyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

E, nakagintong medalya si Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics noong Hulyo 26, Lunes, kaya ini-replay ng MMK ang life story ni Hidilyn noong Hulyo 31.

Iyong “Janitor Love” ay wala sa line-up ng MMK noong Agosto, maging ngayong Setyembre.

Pampakilig sa BL fans ang episode ng MMK ngayong Setyembre 4, Sabado ng 8:30 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

Sa istorya, tila pinana ni Kupido ang baristang si Iron Guerrero (Christian Bables) at I.T. specialist na si Jay Umali (JC de Vera) sa kanilang unang pagkikita.

Ngunit mukhang wrong timing! Nakatali pa sila sa kani-kanyang kumplikadong relasyon.

Makalipas ang tatlong buwan, nakita ni Iron ang Facebook account ni Jay, na nasa Norway noong panahong iyon.

Dito nagsimula muli ang kanilang komunikasyon.

"The episode shows how the couple overcame the hurdle of an LDR [long-distance relationship] and eventually realizing their happily ever after," sabi ng direktor ng episode na si Jerome Pobocan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Nakakatuwa itong si Kenken Nuyad. Ang sipag-sipag mag-promote sa social media.

Panay ang share ni Kenken ng mga press release ng Magpakailanman.

Mukhang nakakaaliw naman ang episode nila ng batang si Leanne Bautista.

Pero alam ba ninyong interesting din ang kuwento ng buhay ni Kenken? Inspiring ang kuwento nilang mag-ina, kung saan ang nanay niya ay nanalo sa isang patimpalak ng mga kasambahay.

Baka type na gawin iyan ng Magpakailanman, di ba?

Pero nahihirapan pa ngayon ang production ng Magpakailanman na mag-taping dahil sa napakahigpit ng mga ipinapatupad na safety protocols ng IATF.

Nakakatakot pa lalo na’t may nga nagkakasakit talaga sa taping.

Samantala, naaliw rin ako sa trailer ng episode nina Christian Bables at JC de Vera sa Maalaala Mo Kaya.

Parang ang bagay nilang magbida sa isang BL project. Mukhang hindi na kasi makakawala si Christian sa gay roles, at okay lang ngayong bentang-benta pa rin ang mga BL series at movies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkatapos nitong MMK ay magiging abala na siya sa promo ng pelikulang Bekis on the Run, na mag-i-streaming sa Setyembre 17 sa Vivamax.

Kasama sa nasabing pelikula si Kenken bilang isa sa mga nakababatang kapatid ni Christian.

Ang “nanay” nila sa movie ay ginampanan ni Lou Veloso.

NOEL FERRER

Content creation has really been so difficult across the board.

Kaya hanga ako sa mga nakakagawa ng bagong content and follow the strict protocols—may franchise man o wala.

It really takes careful planning and political will to do these brave and beautiful contents nowadays!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC de Vera at Christian Bables (kaliwa), #lovewins ang peg bilang gay couple sa Maalaala Mo Kaya, Bida naman sina Kenken Nuyad at Leanne Bautista (kanan) sa replay episode ng Bilog at Bunak story sa Magpakailanman.
PHOTO/S: MMK / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results