PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ynez Veneracion mas gustong live-in muna sila ng 27-year-old partner

Ynez: "Yung kasal kasi, papel lang naman ‘yan, e."
by PEP Troika
Published Aug 24, 2021
Ynez Veneracion on partner Julius Recto: "Kasi ako naman, gusto ko siya na talaga. Ayoko na yung paiba-iba ng dyowa kung sakali."
PHOTO/S: Ynez Veneracion Facebook

GORGY RULA

Bago pa napabalita ang nakatakdang kasal ni Congressman Toto Mangudadatu at ng beauty queen na si Sharifa Akeel, naikuwento sa amin ni Ynez Veneracion na minsan ay inalok siya ng kongresista na magpakasal.

Ayaw lang daw niya ng mala-Legal Wives ang drama na pang-apat siyang asawa.

"Pang-apat yata ako nun, kasi yung una, namatay, di ba? Tapos may pangalawa, may pangatlo.

"Nung una, gusto niya, pakasal. Yun nga ang sabi ko dati, na huwag na. Kasi, baka mamaya, hindi naman pala siya, di ba?

"Oo lang ako nang oo dati, pero hindi ko ginagawa. Niloloko ko siya dati, sabi ko, ‘Saan tayo magpapakasal?’ ‘Kahit saan, pakasal tayo, pakasal tayo.’

"Hindi ko naman ginawa. O kita mo, naghiwalay din kami. Yun ang sinasabi ko,” kuwento ni Ynez nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Biyernes, August 20.

Hanggang ngayon ay mas gusto ni Ynez na live-in muna sila ng kasalukuyan niyang boyfriend na si Julius Recto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos isang buwan pa lamang mula nang nanganak si Ynezsa baby nila ni Julius. Medyo nahirapan daw siya dahil caesarean ang kanyang panganganak at parang nanganganay siya.

Inalok si Ynez ng kanyang non-showbiz boyfriend na magpakasal sila, pero mas pinili ng aktres na magsama muna sila para matiyak kung talagang sila na ba bilang mag-asawa.

"Siyempre kasi… yung kasal kasi, papel lang naman ‘yan, e. Mas importante yung magsasama muna kayo para mas makilala niyo ang isa’t isa.

"Siyempre, paano kung magpakasal kayo ngayon, tapos ang ending, two to three years, maghihiwalay din kayo, di ba?

"So, sayang lang yung pang-annulment. Mahal saka ang tagal," pakli ng aktres.

Bukod pa riyan ay aminado si Ynez na malaki ang agwat ng edad nila ni Julius—40 years old siya, at 27 pa lang si Julius.

Kaya tingin ni Ynez, mas mabuting subukan muna nilang mag-live-in.

"Kasi ako naman, gusto ko siya na talaga. Ayoko na yung paiba-iba ng dyowa kung sakali," sabi pa ni Ynez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ayon kay Ynez, malaki ang nabago sa relasyon nila ni Julius nang dumating ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang si Jianna Kyler.

Kuwento ng aktres, "Nung una siyempre, adjustment period, lalo na nung first year namin. Siyempre, palagi kami nag-aaway.

"Ngayong dumating na ang baby, nag-improve… malaki naman ang improvement.

"Dati, almost every other day, nag-aaway kami. Ngayon, once a month na lang. Saka yung mga maliliit na bagay na lang, mga sumpung-sumpong na lang.

"Malaki talaga ang nagawa ng baby sa pagsasama niyo, e. Malaking tulong talaga yung anak niyo, e."

Sabi ni Ynez, puwede pa siyang magka-baby hanggang 43. Gusto sana niyang magka-baby boy.

NOEL FERRER

E, ang maging aktres, gusto pa ba ni Ynez? Okey naman na asikasuhin niya ang personal na buhay.

Pero ang showbiz, nandiyan pa rin ba para sa kanya? Gaano kaya kaapektado si Ynez ng pandemya?

Ang hirap tustusan ang mga pangangailangan natin ngayong pandemya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ynez Veneracion on partner Julius Recto: "Kasi ako naman, gusto ko siya na talaga. Ayoko na yung paiba-iba ng dyowa kung sakali."
PHOTO/S: Ynez Veneracion Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results